Tumawa ako. Tumawa ako kahit hindi talaga nakakatawa yung sinabi niya. Shet, alam mo yung nagbago ng ihip ng hangin pati yung hangin ko sa utak ko natangay.
"O-Oo nga hahaha! ang tagal ng bakasyon hahaha" Sabi ko ng may pilit na tawa.
Ngumiti lang siya. "hahahahahahahahaha" tumawa lang talaga ako ng tumawa kahit hindi talaga nakakatawa yung mga sinasabi niya huhu. sana lamunin na ko ng lupa.
Natawa na din siya, siguro sa tawa ko. "Namiss talaga kita." this time, sinabi niya ng may seryosong mukha.
"HAHAHAHAHAHA!" tumawa lang ako ng tumawa. Putek, anung sasabihin ko?
"T-Tara sige! akyat na tayo dali HAHAHAHAHAHA" sabi ko ng tumatawa. tawa lang kahit hindi talaga nakakatawa.
"Hahahaha tara!" Whooo!
Nagkwentuhan kami habang paakyat ng hagdan. Kapag nilalagay niya sa topic na yung saaming moments nung bakasyon eh tumatawa lang ako ng tumatawa huhu. Bakit ba kasi ganto 'tong lalaking to.
Namatay na kami nung dumating na kami sa room haha. Pumasok kami sa room ng tawa ako ng tawa dahil hindi ko na napigilan yung sarili ko natawa na talaga ako ng totoo. Natawa din siya saakin kaya parehas kaming tumatawa papasok sa loob. Eh ako pa naman? pag tumatawa malakas yung mapapalingon ka, ayun napalingon yung mga taong nasa loob ng room.
Napansin kong napalingon sila kaya tumigil na ko sa kakatawa, tangina ano bang ginagawa ko sa buhay ko haha.
Nakita kong nahinto sila gab sa ginagawa nilang chika-minute at tumingin saakin ng may halong pang-aasar.
"yieeeeee" nagsimulang mang-asar sila gab saamin. hanggang lahat na nang-asar
"Gago." sabi ko sakanila.
Tumingin ako sa katabi ko, pero sa hindi inaasahang pangyayaring napakalufet haha charot. Nahagip ng truck yung mata ko haha charot, nahagip ng paningin ko, nakita ko siya. Siya lang yung hindi nakatingin saamin.
Umalis na yung katabi ko sa akin, nabahuan na haha jokes. Pumunta siya sa bakanteng upuan malapit sakaniya, sa tropa niya.
Pumunta na ako kela gab at hindi pa din maalis ang tingin ko sakaniya. "Andito na agad siya?" tanong ko kela gab.
"Aga naman.." dugtong ko.
"Actually, kanina pa siya nandito. Halos, sabay lang kayo dumating. Hindi ba kayo nagkita sa baba?" sabi niya.
PAKENG TEYP! Holy shrek! baka nadinig niya yung usapan namin. Hala ka, baka isipin niyang pinagpalit ko na siya, na may bago na ko. Wala, tanggapin na lang natin yun. Baka naman kase may magawa ako kung yun yung maisip niya.
Hindi ako nag pahalatang nagulat. "Ah..."
"iyoooooot!" pang-aasar nila.
Minura ko sila at natawa lang naman sila.
"Renz!" tawag ni Gab.
Napalingon si Renz sakaniya pati siya, napalingon...
"Oh?"
"tawag ka ni shin." sabi ni Airi sakaniya at tumingin saakin ng may pang-aasar.
Tumingin saakin si Renz, magsasalita sana siya ng inunahan ko siya. "hindi.." sabi ko sakaniya ng seryoso. para maniwala kasi pag patawa patawa ako walang naniniwala saakin.
Natawa na lang siya sa inasta nila Gab. Nakita ko din siya, napabalik na lang din siya sa ginagawa niyang pag tungo, pero hindi siya tumingin saakin.
BINABASA MO ANG
Not that Romantic.
Teen FictionNot that Romantic. That type of person. Siguro mahirap mahulog sa taong ganun. Siguro lalong mahirap talaga kung karelasyon mo pa yun haha. Siguro mahirap din kung ikaw din ay ganon. What if you, you're not that romantic too tapos you met someone li...