"Tae bui, pramiz tumingin talaga siya sakin!" kwento ko kela Airi.
"Narupok.. narupok.. narupok.." sabay sabay nilang kanta.
"Taena naman oh!"
"Oh ba't ba?" tanong ni gab.
"Ngayon lang niya ko tinignan." seryoso kong sabi.
"Sa ngayon." dugtong ko.
"Nako shin! Kailan ba kasi ang comeback ng dalawa?" tanong ni Kate sakin.
Agad kong pinakiramdam si Gab at alam kong hindi siya sang-ayon sa sinabi ni kate.
"Pag wala na, wala na." sabi ni Gab.
Sino ba kasi si Adam? Siya lang naman yung unang nagpatibok ng dede ko haha. Siya yung unang nakapagpatibok ng puso ko. Siya lang naman yung wumasak sa puso ko. Well hindi talaga siya yung nanakit. It was me, ako yung nang-iwan pero ako din yung nakikipagbalikan. Pero wala akong sinabing magbalikan kami, kinukulit ko lang siya, ba't ba? I need closure. Pero, tumigil na ako sa pangungulit sakaniya nung bakasyon, dahil ganun talaga sabi nga ni Gab, pag wala na wala na. Ba't ko ba siya iniwan... because we're not that romantic. Pwede na akong magtayo o bumili ng freezer dahil sa sobrang lamig niya eh.
"Onga, tska wala yun hahaha" palusot ko.
"Pero siya nagsimula eh no?" sabi ni Airi.
"Tara taas muna tayo, Airi." yaya ko kay Airi. Lunch na kasi namin ngayon, pero kami lang yung hindi kumakain, sa labas kami kumakain, pag-uwi.
"Bili lang kami." sabi ko sakanila.
Tumango lang naman sila at umakyat na kami ni Airi ng hagdan.
"Wala bui eh, ganun talaga." panimula ko.
"Kala ko ba meron pa?"
"Meron pa nga kaso.."
"kailangan kong pigilan eh" malungkot kong dugtong.
Bakit ko ba kailangang pigilan? Paano ba naman.. Nung tumingin siya saakin kanina, wala na eh. Ramdam ko sa mata niya yun eh, na wala na siyang nararamdaman sakin, In short, wala na siyang paki kanino? sympre saakin.
"Wala na ring buhay yung mata niya hindi katulad noon." dugtong ko.
Noon, madalas siyang tumingin saakin. Kung mabibilang ko nga lang eh unlimited yung sulyap niya saakin noon, ngayon napansin ko habang nagkaklase kami. Wala na talaga eh. xoxad.
"Anjan naman si renz eh!" pag cheer-up niya saakin.
"Anjan nga, hindi naman yun yung gusto ko." sabi ko sa mahinang boses.
"Ano?" hindi nadinig ng kupal.
"Wala kako, tara bilisan mo." sabi ko na lang.
Dito, nasa 7th floor ang canteen namin. Nasa Assembly Area lang kami dahil doon yung tambayan namin pag break time namin. Dito sa canteen parang food court sosyal diba? May mga upuan din at mahangin din.
Malapit na kami sa canteen ng huminto ako. "Oh tignan ko muna." sabi niya, ng nagets niya agad kung bakit ako nahinto.
"Naanjan eh." sabi niya pagkabalik saakin.
"Ge, kaw na lang bumili." sabi ko sakaniya.
"La, ikaw nag-aya tas-"
tinignan ko siya ng masama. "Joke lang hahaha"
BINABASA MO ANG
Not that Romantic.
Teen FictionNot that Romantic. That type of person. Siguro mahirap mahulog sa taong ganun. Siguro lalong mahirap talaga kung karelasyon mo pa yun haha. Siguro mahirap din kung ikaw din ay ganon. What if you, you're not that romantic too tapos you met someone li...