First day of school. Me as a transferee, 'to nanaman nagmumukhang tangang sinusundan ng tingin yung mga tao. Gaya ng karaniwan kapag ika'y baguhan hindi mawawala yung kaba.
Sasabog na yung dibdib ko kakadugdug haha! Napili kong lumipat ng school dahil saan ba? Dahil gusto ko lang sympre, gusto ba ko? haha charot. Andito ako ngayon sa pangalawang magandang school sa mundo--- not really...
Nandito ako sa pangalawang pinaka- not organized na school, yung puro problemang school, puro basagulero yung nag-aaral at kung ano-ano pang hindi pleasant pakinggan. Pero joke lang talaga yung transferee, I'm not a transferee student, I can't... bakit? Baka may tumanggap saakin diba? pag nakita mo records ko dito sa school na 'to baka layuan mo ko.
Alam mo kasi yung takaw gulo ako? Hindi! yung gulo mismo yung lumalapit saakin, kahit na ilang beses kong layuan, Wala eh! ako talaga yung gusto, ayieeeee haha charot lang. Bakit nasasama ako sa gulo? nadadamay lang naman ako e, 'di ko naman sinasadyang madamay.
Nakatayo ako sa harapan ng school. Walang pinagbago, ang pangit pa din ng mga tao haha. Pero seryoso, ang papangit pa din ng mga bugok dito, sana kasi yung mga tao dito yung malapalabas ganun, malaK-drama yung mga gangsters kaso hindi e, mala-ano e yung mga mababahong bully haha pero may iba ding mga may itsura pak ka kung yun ang mang bully sayo.
Pumasok na ko sa loob, sympre alangang tumayo ako dun magdamag at pagdiskitahan natin yung mga bobong gangsters na yun. Ba't ba ako napunta sa impyernong to? Hindi naman talaga siya impyerno noon, halos ito nga yung pinakastrict noon na school pero ngayon, wala sa pagdating ng mga taon nagpapalit din ang mga tao, napalitan ang pinuno ng school namin at pumalit doon ay isang gangster din haha charot. Ba't ba puro tayo gangster?
"Huy!" Biglang pag-akbay saakin ng kung sino.
"Uy!!!" masayang bati niya saakin. Hanggang sa nakilala ko ito, Kristan, yung tsokolate dito sa school na tinubuan ng mukha haha.
Inalis ko yung braso niyang maitim sa likod ko at hinarap siya.
"Uy alex! walang pinagbago ah" Bati niya sakin.
"Wala ka ring pinagbagong tsokolateng ka! hahahaha" tumawa ako yung malakas na nakakaasar.
"Walangya ka talagang kupal ka" pailing-iling na sinabi niya.
Nakipagkwentuhan at kamustahan pa siya saakin ng kaunti hanggang sa nagpaalam na siya at bumalik sa grupo niya. Sa wakas, hindi naman sa pagmamayabang pero karamihan dito sa school eh yung mga tropa ko yung mga masasama, not masama talaga, yung mga puro bad records yung may mga fraternity at mga malakick-out yung datingan.
Paano nangyaring ganun? tikret haha! Malaman nyo din yun.
Ang school namin ay ganto yung design nung building, pagkapasok mo ng school, kalsada pa siya, daan ng kotse ganun tapos may mga kotseng mga nakaparking malapit sa main entrance talaga ng school. May fountain sa gitna ng daan para ihiwalay yung entrance at exit. Ang building ng school ay hanggang 10th floor, walang elevator, maghagdan ka lang pero hanggang 5th floor lang yung mga rooms dahil mga facilities lang yung mga naandun sa taas. Weird diba?
Nakapasok na ako mismo sa building. "Room 201" sabi ng gwardiya saakin ng makita niya ang lace ng ID ko. Dito, iba't ibang lace ang ID ng mga tao depende sa estado ng buhay haha charot, depende sa year o tanda o madaling sabihin base sa kung anong grade ka na.
Alexandria is my first name, english yan haha! at anong year ko na ba? year 2018 charot. Highschool, 4th year of Highschool. ilan taon na ako? I'm 16 years old at virgin pa haha charot! mga 'to!
Room 201, 5th floor. Madeds ka muna bago ka makaakyat sa floor niyo. Fak! taenang yan ang cocorny talaga ng mga tao dito.
Alexandria Shin, yan na ah yung kumpleto talaga mamaya na yung pilido ko haha. Well, i'm not the maayos girl 'lam nyo yun? ako yung papasok ng sabog tapos uuwi padin ng sabog. Ako yung tipong mainitin ang ulo, saan ko nakuha yun? kaka-mobile legends ko haha. Pero pero, ako yung tipo na kahit ang daming problema sa buhay, tatawa lang ako, itawa lang natin yan wag tayo pakabog jan!
BINABASA MO ANG
Not that Romantic.
Fiksi RemajaNot that Romantic. That type of person. Siguro mahirap mahulog sa taong ganun. Siguro lalong mahirap talaga kung karelasyon mo pa yun haha. Siguro mahirap din kung ikaw din ay ganon. What if you, you're not that romantic too tapos you met someone li...