Chapter 8

16 2 2
                                    


Uy, salamat talaga guys sa mga nagbabasa! kung nagustuhan niyo pwede pa-vote hehe pero oks lang kung wag na rin. Enjoy lang po.

Adam Gene Arellano po yun sa mga nagtatanong haha.

Alexandria shin Mariano. ayan po ah.

_

Masakit ang ulo kong pumasok sa school. Dahil sa nangyare kahapon. Nagising ako mula sa pagkakatulog tapos nagmura pa ako doon. Tuloy, parang gustong i-urong yung kasalan ng mga punyeta which is good naman, kaso nakakahiya talaga eh. Sinisi pa ako ni Mama doon. Lintek talaga, ang lalim ng tulog ko doon kaya nung gabi na hindi na ako makatulog tuloy puyat ako ngayon hays.

Ang sakit talaga ng ulo ko. 6am ang pasok ko tapos 5 ng madaling araw na ako nakatulog. Gusto kong sumuka na ewan. Ang sakit talaga ng ulo ko gusto kong matulog. May naisip akong hindi nyo naisip.

Magpapanggap na lang ako maya-maya na masakit yung tiyan ko. Ay hindi! ulo na lang kaya? kase totoo namang masakit talaga masakit talaga siya sobra. Nahihilo na nga ako eh.

Naglalakad akong papasok ng school ng napansin kong walang estyudante. Nakailang floor na din ako pero tahimik yung hallways. heh?

Nasaan na yung mga yon? nung nakadating na ako sa floor namin namatay muna ako dahil nga 5th floor yung sa amin. Ang sakit sa binte walangya. Nakita kong nakabukas yung ilaw sa room namin. Hindi na ako sumilip at agad na pumasok.

"Tangina, akala ko wala kayo!" sabi ko sabay tumawa.

Ikinagulat ko at ikinagulat nila ang nangyare, nakatingin saakin ang hindi pamilyar na lalaki. Halos lahat sila nakatingin at nagulat sa ginawa ko. nanaman. kala ko kasi walang teacher lintek. "You're 30 minutes late. Miss..." sabi niya saakin.

"Eh anong late?" tanong ko kay Daive dahil siya yung pinakamalapit sa pinto.

"5:30 pasok natin ngayon."

"Huh? Bakit?" takang tanong ko sakaniya.

"Miss?" biglang sabat nung lalaking matanda.

Ano bang meron ngayon? Tinignan ko yung mga ginagawa nila at nagkaklase lang rin din naman sila. Sino kaya tong lalaking tong nasa harap?

"nu?" tanong ko sakaniya.

"Huy anong 'nu' kajan?" tanong ng iba saakin.

"yan yung Director bobo!" bulong sakin ng iba.

"Direktor ng anong palabas?" tanong ko sakanila.

"Bobo!"bulong sakin.

"May shooting po ba ngayon, Direk?" tanong ko sa lalaki.

Nakita kong napa-face palm sila at nagpipigil ng tawa. Eh anong nakakatawa?

"Anong oras ka na tulog?" tanong na pabulong ni Daive saakin.

"Huh? Eh... Hindi nga ako nakatulog eh." Eh kung pumasok ako ng 5:30 edi sympre 30 minutes na lang yung tulog ko eh! natulog pa ko diba, tas maghahanda pa edi hindi na talaga ako natulog.

"Hey, bastusan?" tanong ng lalaking nasa harap.

"Uy, nagshoshooting ba tayo ngayon?" tanong ko sa iba.

"Kaya pala ang aga niyo ano?"

"feeling artista oh hahahaha!" sabi ko tas tumawa pa ko.

Daig ko pa ang nakashabu, hindi ko alam pero trip kong tumawa ng tumawa ngayon kahit wala talagang nakakatawa. Puyat. Puyat. Puyat. Tulog. Tulog. San na kayo?

Not that Romantic.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon