"Tol..." sabi ni Renz sakaniya. Inalis na ni Gene yung kamay niya sa braso at ibinalik ito sa bulsa niya.
"Hindi mo ba narinig?" tanong niya.
"Alin?" takang tanong ni Renz sakaniya.
"Tumunog na yung bell." seryoso niyang tugon. Nakatingin lang sila sa isa't isa hanggang sa naghalikan sila haha charot. Hanggang sa tinignan din niya ako.
"Ano pang hinihintay mo?" tanong niya sakin, habang yung mga mata niya ganun pa din.
"H-Huh?"
"Bumaba ka na."
"A-Ah Oo, Oo!" Agad akong tumayo at pumunta sa pwesto nila Airi. Bakit ganun pa din siya? Wala na talaga. Pero hindi ko talaga narinig na tumunog yung bell eh. Baka may naririnig siyang hindi namin naririnig, Oo, baka ganun nga. Ako din naman eh, may nararamdamang hindi na niya nararamdaman huhu haha charot. corny ko pwe.
"Tara na Airi." yaya ko sakaniya.
"Huh? Saan naman?" tanong niya saakin.
"Tumunog na yung bell diba?" takang tanong ko din.
"Kahit 30 minutes pa lang tayong naandito shin."
"Eh ano yung-" napatingin ako kay Renz at Gene.
Nakita kong seryoso yung mga mukha nila hanggang sa tumawa sila at nag-usap na din. Umupo na lang ako malapit kay Chris.
"Anyare dun?" tanong niya saakin.
"Ewan ko nga din eh, sabi ni Gene nagbell na daw kaya ayon." kwento ko sakaniya.
"Baka.."
"Ano?"
"Baka nainis siya sa pagmumukha mo kaya pinaalis ka niya." sabi niya saakin.
"walangya talaga!" pinalo ko siya sa likod.
"Hahaha, just kidding."
"Namimiss ko na siya." Sabi ko sakaniya.
"Sino?" tanong niya saakin.
"Wala, namimiss ko na yung mga pusa namin sa bahay, hayst." sabi ko tas nag-acting pa akong malungkot.
"Hahaha ganun?" nakangiti lang siya. nakangiting aso magdamag.
"Ba't ba ngiting ngiti ka?" sabi ko sakaniya.
"Wala lang."
"Miss ka din non." dugtong niya at ngumiti ng malapad.
"Nino naman?"
"Ng mga pusa niyo, namiss na nila yung pangit nilang amo, hahaha"
"Ang gulo mo din ano?"
Nagkwentuhan pa kaming tatlo hanggang sa tumunog na nga yung bell. Bumaba na kami hanggang sa naalala kong kailangan ko pa lang ayusin yung mga pinag-upuan namin. Dito sa school ang Assembly Area lang yung may CCTV diba nga sabi ko sainyo may pagkastrict to.
"Hala, yung mga upuan!" sabi rin ni Airi.
"Sige na, ako na mag-ayos baba na kayo."
Ginulo ulit ni Chris yung buhok ko. "Bait talaga ni babe."
"Hahahaha" tawa ni Airi.
Umakyat na ko pagkatapos magpaalam sakanila. Agad kong inayos yung upuan at baka maabutan pa ako ni Jane dito. Hindi siya teacher, taga-bantay lang talaga.
BINABASA MO ANG
Not that Romantic.
Teen FictionNot that Romantic. That type of person. Siguro mahirap mahulog sa taong ganun. Siguro lalong mahirap talaga kung karelasyon mo pa yun haha. Siguro mahirap din kung ikaw din ay ganon. What if you, you're not that romantic too tapos you met someone li...