Lumipas ang isang linggo. Balik sa dati hindi kami ulit nagpapansinan ni Gene. Tapos puro yung mga tropa lang niya talaga. Parang kahapon lang nung tinawag niya ako sa pangalan ko shet talaga. Hindi na rin siya lumilingon ulit. Bumalik yung mata niya nung una siyang tumingin saakin. Siguro akala ko lang na meron pa, pero siguro wala na talaga."Tapos ka na?" tanong ni Cole sakin.
Nagbago na din yung seating arrangements namin. Nasa kanan ko si Cole at sa kaliwa naman ay si Renz. Plinano talaga nilang itabi saakin si Renz eh mga walang hiya talaga. Tapos, si Gene Katabi niya si Gab pati si Airi. Bali, nasa gitna na siya nung dalawa. Si Kate naman katabi niya yung baby niya haha. Si Grey.
Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Ngayon kasi pina-guguhit kami ng Anime. Arts. Dahil yung teacher namin is isang Otaku, na ikinaswerte namin haha.
"Psssst.."
"Oh?" Sagot ko kay Renz.
"Magtali ka na kaya." Sabay hawak sa buhok ko.
"Anung tali naman?"
"Yung bilog haha."
" 'di bagay sa'kin" kalmado kong Sabi.
"Bagay yan, Dali na!" Sabay hawak nanaman ulit sa buhok ko.
"Oo na, taph!" humarap ako at tumingin sakaniya. Itinaas ko pa yung kamay ko para pahintuin 'tong lalaking 'to.
Nagtali na ako at nakaayos na ng 'di ko makuha yung panali kong nasa braso.
"Taas mo!" Sigaw ko sakaniya.
Tinaas nga niya gaya ng sinabi ko. Tinali ko na sa buhok ko at inayos ko ang sarili ko.
"K na?" Habang nakaturo sa mukha ko.
Tumango lang siya. Pinaharap niya ako sakaniya. Kumuha siya ng onting buhok sa tenga ko at niladlad. Tapos ni-loose niya onti yung pagka-bun.
"Ayan."
"Gege." At bumalik na ko sa ginagawa ko. Maya-maya naisipan kong tignan si Gene.
Nakita ko siyang nakikipag-usap lang kela Airi ng seryoso. Nakita ko din na seryoso rin si Gab.
Napabalik na lang ako sa ginagawa ko. Maya-maya nagstart ng ipakita Ang mga gawa namin.
"Next, shin!" Sabi ni sir. Agad namang nagpalakpakan ang klase.
"Ayan na wala na!"
"Wala na. Champion na."
Napangiti na lang ako sa mga inasta nila hwekhwek.
"Ano naman ang napili mong iguhit, binibini?" Tanong ni sir ng nakangisi. Agad na napatawa ang klase sa inasta nito.
"Hahaha! Kala mo naman talaga mahinhin.." Sabi niya pa.
"Sige na, sige na." tango-tango ko pang sabi.
Huminga muna ako bago nagsalita.
"Napili kong gumuhit ng isang anghel.."
"Na itim." Gusto ko kasi negra yung angel haha.
Nakalagay sa papel ko ay isang anghel na may itim na pakpak. Tapos, may itim din na halo, lahat itim tapos may puting bulaklak ang nakapalibot sa ulo nito. Tapos Yung mukha niya, I tried my best to make it fierce pero it turned out well naman.
"Idol talaga." Si Lisa. Nginitian ko Lang siya dahil ang gaan niya sa pakiramdam wala lang haha.
"Iba talaga..." Sabi ni sir saakin. Shet feeling ko lalake na yung ulo ko sa kakapuri nila haha.
BINABASA MO ANG
Not that Romantic.
Teen FictionNot that Romantic. That type of person. Siguro mahirap mahulog sa taong ganun. Siguro lalong mahirap talaga kung karelasyon mo pa yun haha. Siguro mahirap din kung ikaw din ay ganon. What if you, you're not that romantic too tapos you met someone li...