Chapter 13

424 16 2
                                    

Late na ako nagising dahil sa sobrang puyat kagabi. The scenery that I saw yesterday still stings, big time. I do not know who she is, pero alam ko na importante siya for Aizen. Hindi naman siya makikipaghalikan in the first place kung hindi siya importante, right? You can't blame me for concluding.

Vibrate ng vibrate 'tong phone ko kaya pinatay ko na muna. Bwisit na Aizen 'yan. Binuksan ko ang computer ko at nakita ko na madaming notifications. I heaved out a deep sigh before I checked on the notifications. Sabi ko na nga ba. Tinag sa'kin ng mga loko 'yung pictures ko kagabi at ginawang comment box kada isang picture. Mga sir^ulo.

I immediately froze when I saw Aizen's post.

Serah Aizen Mallari: Please, let me explain Gabriel Clarence Zamora.

Tinag pa talaga sa'kin? What will the latter feel kapag nakita niya 'to? Don't you think it's rude? I removed the tag before I close my facebook account. Walang magandang makikita sa facebook. I thought and then opened my raidcall account.

"Hi Gabe!" Bungad ni Aica sa'kin. For sure siya 'yung pasimuno sa pagkuha ng pictures ko. Hashtag selfielord 'yan.

"Ge," I retorted. Ganito lang talaga ako kapag hindi ko feel makipaglokohan. Alam naman na nila 'yung ugali ko so no need for me to fuss.

"Kamusta ba, Gabriel?" Seryosong tanong ni Tagee. To be honest, hindi ko alam kung ano 'yung dapat maramdaman after seeing that post.

"Nag-post sa facebook. Let me explain daw tapos nakatag sa'kin," walang kalatoy-latoy kong salaysay.

"Hala siya? 'Di ba sabi mo may kahalikan? Ano niya pala 'yun?" Singit ni Paul.

"Pakihanap nga 'yung pakialam ko, Paul. Nawala kasi," pambabara ko sa kaniya. Hindi ko alam kung gusto ko pang malaman kung sino 'yung kahalikan niya sa harap ng workmates niya. Curious ako, pero ayaw ko ng mas masaktan. What if niloloko na niya ako noong una pa lang? What if kasabwat niya pala 'yung-- Stop concluding, Gabriel. Masasaktan ka lang!

"Gabe, why don't you let her explain?" Vhixen questioned.

"I don't think if it's a good idea, Xen. Parang kahit na curious ako, ayoko ng malaman 'yung totoo. It might kill--"

"It may not, Gabe. Look, hindi kami model ng magandang relasyon ni Aica. Pero sa nakikita ko, she's reaching to you. Hindi siya tumigil sa kakatawag sa'yo kagabi, right?"

"Pero what if masak--"

"Atleast malalaman mo 'yung reason. Gabe, you're strong enough para pagdaanan 'to ulit. Just please, give her a chance to explain. If not explain, you can always ask why."

"Alright, Xen. You win," pagsuko ko. May point naman siya. Siguro nga dapat kong malaman kung ano 'yung totoo para valid naman 'tong pagmumukmok ko.

"Let's play?" Ani Aica at agad naman akong nag-join sa Ranked Team namin.

Pakiramdam ko, parang wala ako sa mood maglaro. Pero dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila dahil kagabi, maglalaro ako. One game will not sting.

Habang naglalaro kami ay hindi maalis sa isip ko 'yung litrato na may kahalikan siyang iba. It hurts like hell. Nirerespeto ko kasi 'yung every part ng katawan niya tapos siya pala 'tong hindi nirerespeto 'yung sarili niya.

First and foremost, sino ba ako sa buhay niya? I believe, wala lang naman ako after what she did. Ako lang naman 'yung taong mahal na mahal siya. I know it sounded corny pero that's the truth. Minsan talaga, kahit na anong pilit mong kuhanin ang isang bagay, kung hindi uukol, hindi bubukol. Either you do it in a good way or in a bad way, if it doesn't fit, it will never bound to be.

Send A Message [girlxgirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon