Chapter 9

513 15 5
                                    

After two hours of taking a bath, lumabas na ako sa bathroom. I merely don't take long baths pero ngayon, parang kailangan. 11 o' clock in the morning pa lang and kanina pa akong 5 o' clock gising. Aligagang aligaga ako dahil maya-maya lang ay makikita ko na ang babaeng gusto ko.

I brushed my teeth for like 30 minutes, nag mouth wash pa nga ako. Pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang mahiwagang blower, nag vitress pa nga ako. I quelled the urge to put lotion on my skin kahit na sobrang puti ko na. Ang arte ko na 'yata. I thought and shook my head in disbelief. Grabe ka talaga, Aizen.

Binuksan ko ang computer ko at agad akong nag-request na makisali sa conference call ng mga kaibigan ko. Dagli naman nila itong in-accept.

"Tapos ka ng magpaganda lovergirl?" Bungad ni Aica.

"Bakit nga ba ako sumali dito, mang-aasar nga lang pala kayo," I said before I tssed. Mga g^go talaga. Kahit may hang-over walang pahinga sa pang-aalaska.

"Easy krizzy!" Sabad ni Paul.

"Bl^w job pa more atong," bawi ko sa kaniya.

"Goodluck Gabe!" Ani tagee. "Salamat kagabi," dagdag niya.

"Do good, Gabriel!" Vhixen blabbered.

"Sige na nga, go get her, Gabe!" Napipilitang pagpapalakas ng loob ni Aica sa'kin.

"Alam mo na, Gabe."

"Thanks guys, bihis na 'ko. Catch-up later!" I closed my raidcall then shut down the computer.

Past 12 o' clock na bago ko napagpasyahan na magbihis. Sinuot ko na 'yung gray v-necked three-fourths with rugged hem and so as my rugged pants, kinuha ko na rin 'yung gray rubber shoes ko sa gilid ng closet ko. Inipit ko ang buhok ko, brush up tapos medyo mababa 'yung pagkapusod para may mag-hang na buhok sa shoulders ko. Agad namang bumaba ang ilang bangs sa magkabilang gilid ng mukha ko. Ruggedly almost perfect.

Ilang beses akong tumingin sa salamin para i-check kung ano 'yung itsura ko. It all turned out well naman. Confident much lang, Gabe? Proud na proud akong bumaba sa hagdan at humalik kay nanay at tatay.

"Handang handa ang Ice namin," panunukso ni tatay. Umismid lang ako sa kaniya.

"Mas maganda kung totoong ngiti, 'nak. Hindi 'yang ismid mo, mukha kang masamang tao," natatawang payo ni nanay.

"Hindi kasi ako sanay ngumiti," kamot-ulong sabi ko na nakapagpatawa naman sa kanila.

"Pero kapag katext at katawagan mo, 'yung ngiti mo abot sa bumbumnan mo," tudyo ni tatay at agad naman akong napayuko dahil dito. Sa natatawa at nangingiti ako sa pinag-uusapan namin. Tss.

"Alis na 'ko," matabang na sabad ko. Ayoko kasi sa lahat 'yung tinutukso ako. Alam ko namang totoo ipinapamukha pa. Kainis.

"Ingat, 'nak. Goodluck sa date after two long years-- ay teka, three ata or four?" Biro ni nanay na nakapag paganda ng mood ko. Supportive talaga.

"Thanks 'nay," muli akong tumingkayad at hinalikan siya sa tuktok ng ulo niya. Inirapan ko naman si tatay na walang nagawa kundi tumawa na lang habang umiiling. Baliw.

Kinuha ko sa garage 'yung Honda Jazz ko dahil sakto lang 'yun sa outfit ko. Gray kasi 'yung kulay niya and good as new pa siya dahil minsan ko lang 'to magamit. I always use my motorcycle although nasasaktan ako sa pagtapak ng break niya.

I managed to compose a text message while driving. She has to attend to work at 4pm so I suggested mag coffee na lang kami kahit na hindi talaga ako nagc-coffee. As I've said, cold water lang ang gusto kong inumin, no more, no less. I think one cup of coffee will not sting.

Send A Message [girlxgirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon