Chapter 2

792 17 3
                                    

I massaged my temple as I walk from one place to another. Ano ba 'to, para akong highschool! Hindi naman talaga ako mahina sa chic lalo na kapag sa personal or lokohan lang. Hindi ko alam kung anong klase ng espiritu ang sumanib sa katawan ko kaya natetense ako tungkol sa kung anong starting message ba ang sasabihin ko.

Ang cute mo! I shook my head with disbelief. Cute talaga, Gabe? Napakavirginal naman ng word na naisip mo. Nagpunas ako ng pawis na tumutulo sa noo ko. Ano ba naman 'to, bakit ba nahihirapan ako sa pag-iisip ng salitang sasabihin ko.

Hi, I can make your p^mpem happy-- "Shut the h^ll up, Gabe!" I scolded myself. Naku, nababaliw na nga yata talaga ako. I bit my lower lip in frustration. Hindi ako makaisip ng tamang salita na dapat sabihin sa babaeng ito.

Hoy, babae! Anong pangalan mo? Hindi rin! Para naman akong siga sa kanto na nangbully ng nagtitinda ng kung-ano. This girl is too much for my sanity! Para message lang hindi pa ako mapakali.

Lumapit ako sa tablet ko at tiningnan ko ulit ang profile niya. Message mo na, Gabe! Baka mag-offline na! I said to myself while letting out a deep sigh.

Mag-post kaya ako sa message board niya? Napakapapansin ko naman yata kapag ganun. At saka, parang ang dami ng nagpost sa message board niya. Taken kaya siya?

"Gabriel Clarence Zamora, you got this!" I said to my self while nodding. I extended my arms to reach for my gadget and I hurriedly hit the send a message button. Naku, ito na.

Hi. I typed, lagyan ko ba ng smiley o hindi? Nasabunutan ko ang sarili ko dahil dito. I managed to add-on a smiley pero dinelete ko din. Afterwards, ibinalik ko ulit at tinanggal ko ulit. Ang ending, plain 'Hi' lang ang nasend ko. I placed both of my hands behind my back and get my fingers crossed. Magpapakabait na po ako kapag sumagot ang taong ito!

Few minutes have passed, nakatitig pa rin ako sa screen ng tablet ko. Naseen-zoned ata ang ate niyo! Agad naman akong napasigaw noong may napansin akong nag-iba sa screen na tinititigan ko.

SerahAizen is typing a message..

Pamura, isa lang. Put^ng-ina! Dalawa na, pwede ba? P^tang-ina! Napansin niya ako. Pero teka, bakit ako nagkakaganito? "Gabriel Clarence Zamora, keep your cool! Kalma," I said to myself while inhaling real hard. Nababaliw na ako, kanina ko pa kinakausap ang sarili ko!

Hello. She replied, and take note, may smiley pa! Quota na ba ako sa pagmumura? Hindi pa naman 'di ba? Tatlo na, please? P^t^ng-ina! Parang gusto kong maghubad at iwagayway ang damit ko saka magkekendeng kasabay ang tugtog na booty work. Seriously, Gabe? Tumayo ako at nagpapadyak. Anong irereply ko sa hello? Isip, isip, isip- Aha!

Real name mo ba 'yang username mo? I asked. Marami kasing gumagamit ng screen name dito sa wattpad. 'Yung tipong hindi naman talaga nila tunay na pangalan, para bang dream name lang nila, ganun.

Yes. Serah Aizen is my real name. Ikaw? Gabriel Clarence talaga? She retorted. I'm smiling from ear to ear kasi nagpapatuloy 'yung conversation. Natetense ako kasi parang ang boring kong kausap, hindi pala parang, boring talaga. Hindi kasi talaga ako people-person. Harem person lang.

Likewise. Ano palang apelyido mo? I questioned. Kapag binigay niya ang apelyido niya, mai-stalk ko siya sa facebook.

Secret. Ikaw? She replied with an emoticon, 'yung nakadila. Tss, secret pa! Edi secret din 'yung sa'kin. The art of Seduction says, kailangan mag-isip ng kausap mo tungkol sa'yo. So there, call it quits, miss.

Secret din. Nag-aaral ka? I changed the topic. Hindi ko ibibigay ang apelyido ko dahil baka mauna siyang i-stalk ang facebook ko. And as stated sa The art of Seduction, dapat lagi siyang mauna magbigay so that she'll keep on thinking about me.

Send A Message [girlxgirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon