CHAPTER 24

174 6 0
                                    

CHAPTER 24

SURPRISE

           I WAS so anxious when we arrived on the hotel. Maraming media sa labas na mukhang nag-aabang sa mga paparating. I heard Heiron's curse. Biglang may tumawag sa kaniya at kaagad niya itong sinagot.

"I told you not to open Sumaila's birthday to the media." Mariing salubong niya sa kausap. Napalingon ako sa kaniya at nakita kong igting ang kaniyang panga. Gumagalaw ito dahil sa galit. Nanatili siyang nakinig sa kabilang linya at kita ko ang kaniyang paglunok. He gritted his teeth. Dinig kong mukhang sinisigawan siya sa kabilang linya.

"I know what I'm doing, Dad." Binabaan niya ito. Nanlaki kaagad ang mga mata ko. He's talking to his Dad? May tinawagan ulit siya. 

"Clear the parking lots for me. Seclude the area. Paparating na ako." Matigas na utos niya. Binaba niya ulit ang tawag at linagay sa dash board ang kaniyang phone.

"W-what happened?" Alinlangan kong tanong. Umiling lamang siya. He doesn't want me to know kaya nanahimik na lamang ako. Dinig na dinig ko ang malakas na tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ng husto. Mukhang napansin din iyon ni Heiron. He caressed my lap.

"You okay?" Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Pilit akong ngumiti at tumango. He sighed violently and turned the car. Pumasok siya sa isang parking lot at naroon ang napakaraming armadong lalake. Ganito ba ka engrande ang birthday celebration ni Sumaila? Hindi ko inakalang ganito nga talaga sila kayaman. Richer than the Atalias. Iniwaksi ko ang pag-iisip na iyon.

"At all times, stay with me. Huwag kang mawawalay sa paningin ko. Alright?" Paalala niya. Nauna siyang lumabas at umikot upang pagbuksan ako ng pinto. Nang nakalabas ako ay kaagad niyang hinawakan ang aking baywang. He pushed me more towards him. 

"All clear." Dinig kong sambit ng isa niyang guard. Heiron blocked my view. Pumasok kami sa isang elevator. Doon lamang ako nakahinga ng maluwag. I wonder if the Esquivels are there. That can't be help. It's a grand birthday after all. Naroon din ba ang.. Mama niya? My body shivered when I felt his breathing on my neck. Nakita ko ang repleksyon namin sa salamin ng elevator.

"You're nervous. Why?" My breath hitched.

"By any chance, will your mother be there?" Hindi ko makita ang reaksyon niya dahil nakatago ito sa leeg ko. He didn't answer me. Mas lalo niyang diniin ang kaniyang mukha sa aking leeg.

"Stay with me. Kahit anong mangyari." I don't understand the meaning behind all of it. Dahil na rin siguro sa kaba. The elevator opened and I saw high class people everywhere. He held my hand. Naglakad kami papunta sa isang hall. Everyone's heads turned on us. Kuryuso ang kanilang mga mata. Nagsimulang magbulong-bulungan. Well, I expected these scenarios. I hope this would not reach on my Mom. 

We entered the hall with the assistance of the staffs. Pagpasok ko ay namangha kaagad ako sa ayos. The birthday doesn't look like a children's party. More like classy and overpowering elegance. Marami akong nakitang mga kilalang business man. Naroon din ang mga famous models. I even saw Mandel Paul! She raised a champagne when she saw us. Tipid niya akong nginitian at seryosong nakatingin kay Heiron. Lumingon halos lahat sa aming pagdating. Mas lalo akong kinabahan.

Iginiya ako ni Heiron sa isang lamesa. Naroon sina Royce kasama ang napakagandang Sumaila, wearing a luxurious baby pink dress. Busangot ang mukha. May iba ring nakaupo sa table. And they all look familiar. Doon ko napagtanto na lahat ng naroon ay mga Esquivel!

Burnt Traces (Esquivel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon