CHAPTER 3

300 10 6
                                    

CHAPTER 3
FIRST DATE

HABANG AKO ay nag-aayos ng gamit ko sa eskwelahan, hindi ko matanggal sa isip ko ang nangyari kahapon sa coffee shop. Napapikit ako dahil sa inis. He really knows how to manipulate people. Lahat ay napapasang-ayon niya sa paraang alam niya.

Sa kakaisip ko sa maaaring maisagot ko sa kaniya ay nakagawa ako ng mga assignments ko. Kahit ako ay nabigla. Hindi naman kasi ako iyong tipong estudyante na gumagawa ng mga takdang-aralin. Minsan ginagawa ko na iyon sa paaralan, sa mismong subject pa. Tiningala ko ang orasan at nakitang alas 7 pa ng umaga. Simula noong umalis ako sa bahay, mukhang lahat ng nakasanayan ko ay nag-iba.

Umalis na ako ng apartment bitbit ang aking bag. I locked the door and hid the key on the door mat. Mama didn't mention about driving me to school. Kaya wala akong magawa kundi ay sumakay ng jeep. I'm seriously broke af. Iniisip ko pa lang ang mababahong nilalang sa jeep ay nasusuka na ako. If I'll take a taxi, I will not have money for lunch.

"Dalawa! Dalawa pa miss!" May humintong jeep sa tapat ko.

The jeepney is already full. Ngunit ang kundoktor na ito ay pilit akong pinagkakasya. Ayokong mag-intay pa ng matagal dahil sa nagliliparang alikabok kaya napilitan akong sumakay. Nalito ako kung saan uupo.

"Kuya? Saan ako uupo?" I heard someone tried to hold his laughter. I rolled my eyes. Pati ang kundoktor ay nagulat. I raised my eyebrow. Like duh! Any minute now, the driver will start driving on the road.

"Dito ka na lang miss." Napalingon ako sa lalakeng nagsalita. Isa rin siyang estudyante. Umalis siya sa kaniyang puwesto at pumunta sa bukana ng jeep. Nang lalagpasan na niya ang kinaroroonan ko ay nagpasalamat ako.

"Thank you." He didn't response. Umangkas siya sa jeep tabi ng kundoktor.

I sat on the extra space. Tiningnan ko muli ang lalake. He's familiar. May kamukha siya. Alam kong nag-aaral siya sa isang private school dahil sa tatak ng kaniyang uniporme, Maria Montessori. Nanlaki ang mata ko. Why is he taking a jeepney? Wala ba silang service? Ilang minuto ang lumipas ay nakarating ako sa paaralan. Pumara ako at ibinigay ang syete pesos sa kundoktor. Bumaba ako kaya pumasok ulit ang lalake. Ilang segundo ay nakaalis na ito.

Pagbaba ko ng jeep ay luminga ako sa paligid. I sighed in relief. Mabuti na lang at walang nakakita. Baka pagtawanan ako dahil ang isang Atalia ay sumasakay na pala ng jeep. I don't want them to belittle me. I'm rich and I have money. Ngunit ipinagkait nga lang ng aking Ina.

"Hey beautiful."

Pagpasok ko pa lang ng room ay bumungad sa akin ang pagmumukha ni Brent. Nakangisi siya sa akin. Everyone turned their gaze on me. May ibang tinarayan ako. Ang iba naman ay mukhang walang pake. I rolled my eyes and sat on my assigned seat.

"Don't start, Brent." Linapag ko ang aking bag sa kabilang upuan kung saan nakaupo si Dayla. She's late again. Palagi naman. He leaned closer and tried to kiss my forehead. Pero umiwas ako. He was shocked. I never refused his kiss. Not until today.

"W-what's wrong?" I stared back at him. Kita ko ang nalilito niyang mukha. I sighed. Pang-ilang buntong-hinga na ba ito sa araw na ito?

"You know Brent, I like you. We're friends for about a year or two? But I never see you as a man. We settled for this just for fun, right? Hindi ito seryoso. Kaya wala na akong planong ituloy pa ito." He was shocked. Nanatili pa rin akong nakatingin sa kaniya. Kumunot ang noo niya at tila hindi tanggap ang sinabi ko. His jaw clenched.

Burnt Traces (Esquivel Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon