Chapter 7:

4.9K 194 46
                                    

Haven's POV:

"Okay na ba yung paa mo?" ika sampung beses ko na atang tanong rito habang inaalalayan itong maglakad pero tanging hagikgik lamang ang narinig ko mula rito na siyang kanina ko pang nakukuhang sagot mula rito.


"Hey princess, kanina pa ko nagtatanong hindi mo naman ako sinasagot." Wala sa sariling sambit ko at napalabing tanong ko pa rito at inis na inunahan siyang maglakad. Bahala nga siya!


Nakakailang hakbang na ako nang mapansing wala pa ring Allyson na nakasunod sa akin, at nang ibaling ko ang tingin ko rito ay nakitang nandon pa rin ito at nakitang ngiting ngiti sa pwesto kung saan ko ito iniwan kanina na siya naming nagging dahilan upang mapasimangot ako ng makita itong inabutan ng buko juice ng kung sinong kulugo na nakatalikod sa akin ngayon.


I gritted my teeth for a sudden pain I felt inside chest kasabay ng pagkuyom ng aking mga kamao, ilang hakbang pa ang tinahak ko palapit sa pwesto ng mga ito. Gusto kong sapakin ang makapal na mukha ng kulugong ito sa inis at sakit sa nakikita ng mga mata ko sa mga oras na ito.


"Ano naman ang karapatan mo para gawin yun?" pang aasar na sambit ni inner self, na siya naming nagpabalik sa akin sa realidad na "best friend" nga lang pala ako na siyang naging dahilan para pumihit ako patalikod at piliing maglakad na lamang papalayo, papalayo sa babaeng matagal ko ng minamahal.


I never thought loving someone could hurt me this bad!


Hindi ko man alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko ay patuloy lamang ako sa paglalakad.


Eto na ba yung araw na kinakatakutan kong mangyari?


Napapikit ako ng mariin sa naisip at pilit iyong iwinawaksi at lakad takbong naglakad palayo ng palayo. Ramdam ko na ang lumalamig na simoy ng hangin ngunit hindi iyon nagging hadlang para sa akin at mas pinili pa ring maglakad hanggang sa marating ang pakay.


Dali dali akong umakyat rito at tinungo ang terrace as I looked into my wrist watch. Five minutes before the sunset.


Pikit matang dinadama ang lamig ng simoy ng hanging dumadampi sa balat ko kasabay ng luhang hindi ko namamalayang dumadaloy na sa aking mga mata.


Damn, it hurts!


Muli akong napapikit ng mariin habang nakatingin lamang sa araw at kasalukuyang naghihintay ng paglubog nito at hindi maiwasang mapabuntong hininga na lamang.


"Ang lalim naman non." Punang nagmumula sa isang malamyos na tinig ang muli kong narinig kasabay nang mga yabag nitong hudyat na papalapit ito sa akin.


"Sabi ko na nga ba nandito ka lang eh." Nakangiting sambit nito nang lingonin ko pero agad ding nag iwas ng tingin nang makitang nakatingin ito sa akin. Kitang kita ko ang paglabi nito.


Pilit kong hindi lingonin ito at hindi pansinin ang lakas ng tibok ng puso ko kahit halos mabingi na ako sa lakas nito.


Ngunit isang makulit na daliri ang naramdaman kong sumusundot sundot sa pisngi ko kasabay ang sunod sunod na "uy" pero pilit na iniiwas ang pisngi ko.


"Galit ka pa din ba?" nakalabing tanong pa nito.


Hindi na ako makatiis na hindi ito tingnan at lihim naman akong napamura ng makitang naluluha na ito.


Mukhang ako pa ang manunuyo.


"Kanina pa kita hinahanap, alam ko galit ka nakita kita na nagmamadaling umalis tapos tinawag kita, hindi mo ko nililimgon." Sambit nito habang parang batang pinupunasan ang mata nio na kunwari may luha. Wala sa sariling napngiti na lamang ako sa kacute-an nito.


At parang bulang naglaho ang inis ko as I held her chin, dahilan para mapatingin ito sa aking mga mata habang nakalabi pa rin at nakakunot noo na lalo ko naming ikinangiti habang marahang pinipisil ang ilong nito.


"Hindi ako galit kaya wag mo na itong ikunot, sige ka papanget ka nyan * sambit ko habang marahang hinihilot ang noo nitong nakakunot*" unti unti ko na ring nakitang sumilay ang ngiti nito sa labi at masuyong hinalikan ang noo nitong nakakunot.


Ramdam ko naman ang pagpulupot ng braso nito sa batok ko and with a wide smile I wrapped my arms around her waist.


"I'm sorry for not telling you this sooner, I don't know how to say it and baka hindi mo siya magustuhan." Sambit pa nito at ramdam kong mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito.


So, tama nga ako marahil nanliligaw na yung lalaking yun and worse, baka sila na??


Sa sinabi ay napatingala na lamang ako dahil naramdaman kong nagbabadya nanamang umagos ang luha ko.


Please, not now.


"B-bakit naman?" pilit kong pinakalma aat pinasaya ang boses ko.


Ramdam ko ang pagkikibit balikat nito habang nananatiling nakayakap pa rin sa akin.


"I wouldn't be mad, if that w-will makes you happy, princess." because I love you, I said kissing the top of her head.


Ramdam kong nababasa ang balikat ko, senyales na umiiyak ito. Marahan kong inilayo ito at tinitigang mabuti.


"Why?" puno ng pag aalalang tanong ko, as I keep on wiping her tears away.


Para naman akong nabunutan ng tinik ng umiling ito at ngumit ng matamis.


"I'm just happy." She sincerely said.


At doon ko na naisip na, ano pa ng aba ang magagawa ko kung alam kong ganito na sya kasaya. Her happiness is all that matters to me. Wala sa sariling napalingon ako sa kanina ko pa hinihintay at agad na napangiti sa nakita.


"Look, beautiful isn't it? *turo ko sa paglubog ng araw na aming nasasaksihan ngayon* I guess, some endings could be beautiful just like this." Wala sa sariling sambit ko, ramdam ko naman ang pagsandal ng ulo nito sa balikat ko as I wrapped my left arm around her waist while watching the sunset, dito sa tree house naming sa Palawan.


Mariing naipikit ko ang aking mata as I pulled her closer kasabay ng pasimpleng pagpahid ng luhang pumatak sa aking mga mata.

---------

A/N:

Hi there guys, thank you so much for reading and waiting. Sana po nagustuhan niyo and I'm sorry if late update na, busy lang po talaga. Again, thank you po. I know there are questions inside your head po and malalaman niyo din po ang sagot sa mga sususnod pang chapters. Please don't forget to vote and leave a comment. 'till my next update! Missed you guys! Ciao!

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon