Chapter 32

3.4K 119 6
                                    

Allyson's POV:

Nakaupo sa paboritong pwesto ko rito sa cafe at nagbabasa ng magazine. Pinagmamasdan ang picture ng aking ama, sikat pa rin ito sa larangan ng basketball hanggang ngayon, may mga humahanga pa rin rito sa kanyang paglalaro. Halatang alaga pa rin nito ang kanyang katawan, ngunit minsan ay naiisip kong paano na lang kaya kung nagretiro ito? Simpleng buhay lang naman ang gusto ko.

Gusto kong maramdaman na nandyan sila para sa akin. Maramdaman na mayron akong matatakbuhan sa mga ganitong oras, sa mga ganitong pagkakataon.

Noon ay hindi ko masyadong iniinda na madalas wala sila, o should I say wala sila sa oras na pinakakailangan ko sila? sa mga oras na kailangan ko maramdaman na may makikinig sa akin, may gagabay sa akin, that I am just an ordinary teenager, just like them that could still make mistakes, na may mga magagawa pang pagkakamali pero sa kabila ng ganon ay handa pa ring tanggapin ako.

Isang linggo na rin ang nakalipas simula ng maghiwalay kami ni Drake at mapabalitang may bago na ito, at sa isang linggo na lumipas na iyon ay grounded ako nang malaman ng parents ko ang mga nangyayari sa akin, ngunit kahit naman nagrounded ako ay hindi na bago sa akin yon dahil wala naman akong ibang pinupuntahan.

They didn't even bother to ask what happened. They didn't even bother to ask bakit nagkaganon o kung may problema ba ako.

Dalawang babaeng masayang nagtatawanan sa kalapit na lamesang kinaroroonan ko ang tumawag sa aking atensyon ang naging dahilan para bahagyang mapangiti ngunit bahagya ring nawala nang may maalala ako.

* Flashback *

Napupuno ng hiyawan ang buong paligid, ngunit wala doon ang atensyon ko kung hindi sa isang taong matagal tagal ko na ring hindi nasisilayan. Matagal tagal rin mula ng huli ko itong nakita na nanood ng game ko. Nakita ko itong tumingin sa direksyon ko ngunit agad ding nag iwas ng tingin na naging dahilan upang mapakunot ang aking noo.

Nagbaba na lamang ako ng tingin at mas piniling mag focus sa game na kahit alam kong after non ay hindi na ako tinapunan pang muli nito ng tingin.

Halos dikit ang nagiging score namin  laban sa isang sikat na University na isa sa may magagaling na players ngunit nangingibabaw pa rin ang suporta sa amin.

Pinilit kong ituon na lamang ang aking atensyon sa laro kahit maya't maya ay nababahala ako. Ang dating mga matang sa akin nakatingin kapag naglalaro ako ay nabaling sa iba. Kadalasan pag napapatingin ako sa pwesto nito kung saan ito madalas nakapwesto or should i say lagi, kasama si Rollie ay wala ito.

Iniisip ko na lamang na baka abala ito sa mga deadlines na kailangan niyang habulin. Ngunit hindi ko maikakailang nag aalala ako at nasanay ako na lagi siyang nandyan at nakasuporta.

Ibinuhos ko ang nararamdaman ko sa paglalaro hanggang sa nagkaron ng insidente, pagbagsak ni Lyca na sandaling ikinahinto ng laro at bahagyang ikinasinghap ng lahat.

Agad na lumapit si coach rito at inalalayan namin ito para madala sa clinic na agad namang inasikaso ng nurse.

"You have to rest, Miss Saavedra. Buti na lang dinala ka nila agad dito. But sad to say that you can't play this season." saad ng nurse dito na mukhang ikinalungkot nito at tinapik siya ni coach sa balikat dahil nakatakip lamang ng braso ito sa kanyang mukha.

Lumabas na lamang ako ng silid nito at dahan dahang naglakad patungong gym.

At nang makalabas sila ay tinuloy na namin ang laro. Naglakas loob na akong lingonin muli ang kinaroroonan nito, ngunit wala na ito roon. Natapos na ang game at hindi na ito bumalik pa.

"Congrats, Fajardo. You did great." bati sa akin ni coach at sinagot ko na lamang ito ng ngiti.

"Congrats, Ally."
"Congrats, Fajardo."
"Ang galing mo, Ally." Ilan lamang iyan sa mga narinig ko ngunit ngiti lang ang aking itinutugon sa mga ito.

Nanalo kami ngunit bakit paramg hindi ko maramdaman?

"Guys, puntahan natin si Laica. I'm sure matutuwa yun kung bibisitahin natin at tayo mismo ang magbabalita sa kanya" saad ni Jace na sinang ayunan ng lahat.

Dadaan kami sa clinic para kamustahin ang lagay nito at ibalita ring nanalo kami kahit sobrang hirap ng laban.

Malayo layo pa man ay sa hindi maipaliwanag na dahilan ay mabigat ang aking mga hakbang patungo rito.

Mga impit na hiyawan ng mga kateammates kong nakasilip sa pinto ng clinic ang pumukaw sa aking atensyon, mga animo ay kinikilig. Bunga ng kyuryosidad ay sumilip ako sa pinto ng clinic at nakita ko ang babaeng kanina ko pa hinahanap na nakayakap sa babaeng marahil ay dahilan na ngayon kung bakit nanood ito ng game ko, or should i say game namin.

I clenched my fist as I felt a familiar pain right now, na nagpapikit sa akin ng mariin at agad ding umalis doon at nagpaalam na mauuna na akong umuwi dahil sumama ang pakiramdam ko.

* End of Flashback *

Sa isiping iyon ay napailing na lamang ako, bago humigop ng kape.

I miss her, sigaw ng isip ko na pinipilit kong iwaksi.

--------

A/N:

Hey guys, here's an update for all of you who never got tired of waiting and appeciating my works. Maraming salamat guys!  Hindi ko man kayo mapasalamatan lahat, I make sure mababasa niyo lagi ito sa author's note ko. Thank you guys for reading, voting and for leaving a comment. Ciao!

P.S

Hiii babyyy, miss na kitaaaa, grrr! ingaaaat ikaaaw palagi. Eto na po yung update mahaaaal kooo, sana nagustuhan mooo. Keep safe mahaaal kooo, I loveeee youuuu!!!

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon