Chapter 27

3.4K 114 7
                                    

Haven's POV:

Tawag na nagmumula sa phone ko ang nagpagising sa akin, ngunit dala ng labis na pagkaantok ay kinuha ko ang unan sa aking tabi at akmang itatakip ko sa aking tenga nang huminto ang phone ko sa pagrring kaya hindi ko na itinuloy ngunit maya maya lamang ay nagring itong muli.

Hays, ano naman kaya ang kailangan nito?

Kinapa ko ang phone ko sa bedside table at nang makuha ko ay pipikit pikit ko pang tiningnan ang oras sa phone ko at napaface palm nang makita ito.

FVCK IT'S JUST 6AM AT SABADO PA NGAYON, SINONG BWISIT NAMAN ANG TATAWAG NG GANITO KAAGA.

Inis na sinagot ko ito na hindi na pinagkaabalahang tingnan pa kung sino ito. Nakapikit pa ako at ang kaliwang braso ko ay nakatakip sa aking mata habang hawak ko sa kanang kamay ang phone ko.

"Good morninggg babeee! Rise and shineee!" bungad nito sa pinakamatinis nitong boses ngunit nagpangiti sa akin.

"Ang aga mo mangbwisit, alam mo yun?" inis na sagot ko rito.

"Babe 6am na kaya and it's Saturday. Wala tayong klase. I miss you." saad nito at kahit wala siya sa harap ko ay nakikita ko ang ngiti nito.

Grrrrr!

"Ang aga mo lumandi, ni hindi mo man lang inisip na baka tulog pa yung lalandiin mo, as you said 6am palang." mahabang litanya ko rito.

"Babe, ang aga aga ang sungit mo. Di mo ba ko namimiss?" panglalandi pa nito at naririnig ko ang mahihinang tawa nito.

"Kahit kailan ka talaga! Matutulog na ko." inis na sagot ko rito habang hinihilot hilot ang sentido ko. Napuyat kasi ako kagabi kasama uminom si Eli dahil mukhang may sineseryoso na.

"C-Can I invite you later dito sa bahay? M-May gagawin ka ba m-mamaya?" utal utal at wari mo ay nahihiyang saad nito na nagpangiti naman sa akin.

Lyca is a good person, masaya ko pag nandyan siya. Masyado niyang napapagaan ang bigat sa loob ko. At siya ang kauna unahang tao na inentertain ko at hindi ko naman pinagsisisihan yun.

"Kung papayag ba ako, patutulugin mo na ako?" nakangiting balik tanong ko rito ngunit may inis sa boses ko para hindi sya mag feeling. haha!

Sandaling natahimik ang kabilang linya kaya naman muntik na akong matawa dahil doon kaya naman pinigilan ko.

"O-oo namaaan! I will wait for you babe!" masiglang sagot nito and i even heard her chuckle.

"Mga lunch siguro ako pupunta kasi may susunduin kami sa airp---"

"Sure babe, hihintayin kita. Mag iingaat ka ha? Drive safely. Sleepwell babe!" masiglang putol nito sa sinasabi ko at bago pa man ako makasagot ay nababa na nito yung call.

Napailing na lang ako sa babaeng yon bago napangiti.

----------

Nasa sasakyan ako ngayon kasama si Jace, sya ang nagmamaneho at ako ay nakaupo sa passenger seat. Para sunduin namin sina Kyle at Ram sa airport, tumawag kasi kay Jace kahapon kaya naman nagprisinta itong sunduin ang dalawa.

"For sure kanina pa naghihintay dalawang yon, 9am sila nagpapasundo, 10am na" Tatawa tawang bigkas nito.

"So, kamusta ka na nga? huli nating kita sa Palawan pa." pangungulit nito.

"To let you know may kumakalat na balita na di ko alam kung maniniwala ako pero naisip ko, why not?" saad nito at bahagyang nilingon ang pwesto ko.

"Isipin mo na lang gusto mo isipin." bagot na sagot ko bago sumandal sa bintana ng kotse nito. Nakita ko naman ang ngisi sa labi nito.

Ilang sandali lang ay inihinto na ni Jace ang sasakyan at nakita namin si Ram na may akbay akbay na babae habang si Kyle ay abala sa pagpphone.

Have I told you guys that they are identical twins? Ang pinagkaiba lang ay hindi babaero si Kyle. haha!

Hindi na ako nagdalawang isip pa at bumaba na ng sasakyan para lapitan ang dalawa.

"Hey guys." nakangiting bati ko sa mga ito.

"Akala namin di na kayo dadating." reklamo ni Kyle habang si Ram naman ay abala pa rin sa babae nito kaya pasimple kong kinurot ang tagiliran nito.

"Aw!" Daing nito saka ako nilingon.

"Haaaveeen!" saka ako hinigit ng yakap na naging dahilan para matawa ako.

"I'll call youuu." baling nito sa kàusap kanina bago kami inaakbayan ni Kyle at tinungo ang nakaparadang kotse ng naghihintay si Jace.

Pagkasakay na pagkasakay namin ay agad namang pinaharurot ang ni Jace ang sasakyan nito na hindi ininda ng dalawa na walang patid sa pagdaldal. HAHAHA

Hindi ko maikakailang namiss ko ang mga ito.

"Bakit kayo lang? Nasan si Eli saka Allyson?" tanong ni Kyle.

"Si Eli may hang over, akalain mong may sineseryoso na." Tatawa tawang balita ko sa kanila.

"Ow, one down three to go!" tumatawang sagot ni Ram.

"Bakit three?" takang tanong ni Kyle.

"Syempre kasama ka sa samahan ng mga babaero at etong si Jace ang isa." humahagalpak na sagot ni Ram dahilan para ikatawa ng lahat.

"Gago! gaya niyo pa ko sa inyo." sagot naman ni Kyle.

"Namiss ko Filipina beauty, iba pa din talaga e." saad naman ni Ram na hindi pinansin ang sagot ng kakambal.

"Halata nga!" sabay naming sagot ni Jace at muling nagtawanan ang lahat.

"Kaya nga we will be staying here for good." anunsyo ni Ram at hindi ko napigilang mapangiti.

"That's great! Saan tayo magllunch ngayon? Nagugutom na ako e" daing ni Jace.

Wait, lunch? Shit, si Lyca pala!

Nakisuyo ako kay Jace na idaan ako sa bahay nina Lyca, napuno pa ng asaran at protesta ang sinasakyan naamin ngayon kaya naman sinabi ko na lamang na babawi na lang ako sa kanila. Napatingin ako sa oras sa phone ko it's 11:40 na.

Ilang minuto na puno ng kulitan, asaran ang namayani bago ko naramdamang huminto ang sasakyan at nagpaalam ako sa mga ito ngunit bago ako tuluyang makababa ay binigyan ako ng "explain" look ng tatlo na ikinatawa ko na lamang bago isara ang pinto ng kotse ni Jace. At humarurot na ito paalis, mga gutom na nga.

Napabuntong hininga na muna ako bago nagdoorbell ngunit walang lumalabas, naalala ko pa na hindi nga pala makakalakad yun, buti na lang at hindi naka lock ang gate nito.

Dere derecho lamang akong naglalakad papasok sa bahay nito at isang bagay ang nagpatigil sa akin sa paglalakad, may bouquet of roses sa may pinto ng bahay nila.

Binasa ko ang card at

"Babe, please come in. Thank you for coming ...into my life."  ang nakasulat dito.

------------

A/N:

Hey guys,

Here's an update ulit, bitinin ko muna kayo ng konti hehe. Ano kaya ang mangyayari noh? Thank youuu sa patuloy na pagbabasa guys, sobrang naappreciate ko. Thank you for reading, voting and also for leaving a comment, keep safe guys! Ano sa tingin nyo mangyayari, guys?

P.S.

Hiiii babyyyy, as my promise eto na request mo mahaaal, nag update na koo. This is for youuu, thank youuu for supporting me lovee. I loveeee youuuu.

Let Me Love You, Allyson [GirlxGirl]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon