2

130 7 0
                                    

"Hindi lalabas ang demonyo mula sa kanyang lungga kung may liwanag siyang nadarama. Ang sabi ng mga tao, hintaying lumubog ang araw, saka pumasok sa gusali...

Lyle: Ang demonyo ay magpapakita ng galing sa pagpaslang."

Kyle: Tigilan mo nga 'yan! Kinakabahan ako sa'yo eh!

Lyle: Ano ka ba naman, Kyle? Napakamatatakutin mo!

Kyle: Aalis na ako! Wala ka nang magagawa!

Lyle: Saglit lang, Kyle! 'Wag ka munang umalis!

Pero nang humarap si Lyle kay Kyle, nakita niya itong nakagapos sa itim na poste.

At ang poste na nabanggit ay gawa ng demonyo.

Lyle: Kyle!

Isang malakas na halakhak ang narinig ni Lyle.

???: Isa kang hangal, Kyle! Akala mo ba na makakatakas ka ng basta-basta? Hindi, gago!

Kyle: Tulong! Tulong!

Lyle: Kyle! Anong nangyayari?

???: Oras na para maramdaman ninyo ang sakit! Ang sakit na tinanggap ko at nagtagal habang-buhay!

Lyle: Kung ikaw nga ang sinasabi nilang demonyo, hinding-hindi ako magpapatalo sa iyo!

???: Mali! Mali ang sinabi mo Lyle! Dahil nasa tamang lugar tayo para ikaw ay aking patayin!

Lyle: Ulol! Ano ba ang tingin mo sa akin? Hangal? Tanga? Demonyo ka lang! Ako, ako, ako! Ako ay ang katunggali mo na hinahanap mo noon pa man! At ako rin ang papaslang sa iyo!

???: Tigilan na natin ito! Hindi mo na ako mapapaslang, Lyle, dahil patay na ako noon pa man!

Lyle: Heto na!

???: Heto na nga, Lyle! Heto na nga ang katapusan mo!

Matulin na tumakbo si Lyle papalapit sa demonyo. Pero hindi niya akalain na hawak-hawak na siya nito.

???: Ganito, 'diba? Ganito mo ako pinatay!

Hinawakan ng demonyo ang leeg ni Lyle, sabay sabing...

???: Sumama ka sa akin! Sumama ka sa impyerno! Tutal, pareho lang naman tayong pumatay, hindi ba?

At saka sinakal ito.

Sa isang iglap, nawalan ng hininga si Lyle. Bumuhos ang dugo mula sa kanyang bibig. Nanilaw ang kanyang mga mata. Lumambot ang kanyang mga kasu-kasuan. Nanlamig ang kanyang katawan.

At siya ay nahulog mula sa mga kamay ng demonyo.

Isa nang bangkay si Lyle.

Samantalang si Kyle, takot at pangamba ang tanging naramdaman.

Demon In The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon