1

261 7 0
                                    

"Tulad ng mga misteryo na basta-basta na lang nagpapakita at nawawala, isang demonyo ang sinasabing nakatira sa inabandonang lugar sa eskwelahan. Marami na ang sumubok na hulihin at ipakita sa lahat na totoo ang haka-haka, ngunit wala ni-isa ang nagtagumpay...

Adrian: Kung sama-sama tayong papasok sa horror building sa likod ng eskwelahan na ito, malaki ang posibilidad na malalaman natin ang sikreto ng demonyo."

Habang naguusap ang mga magkakaibigan sa harap ng inabandonang gusali, nahuli ni Joshua na tumatakas si Kyle.

Magracia: Ano ka ba naman, Kyle? Takot ka yata sa gagawin natin?

Nagtawanan ang mga magkakaibigan.

Kyle: Hayaan nyo na akong umuwi!

Bradley: Bakit mo ba gustong umuwi? 'Diba, pinagusapan natin na mag go-ghost hunt tayo ngayong gabi?

Jb: Oo nga, Kyle! Bumalik ka na dito at ayusin yung camera.

Walang nagawa si Kyle kung hindi bumalik sa kanilang puwesto.

Kyle: Ano nang gagawin natin?

Meinard: Heto. Basahin natin ang diyaryong hawak-hawak ni Adrian.

"...Mayroong tatlong demonyo sa loob ng eskwelahan. Ang isa ay nasa taas at bumaba. Ang isa ay bumaba at nalunod. At ang isa ay nalunod at..."

Biglang may dumating.

Alvin: Oh, nandiyan na pala si Martin!

Jb: Halika, Martin!

Lumapit naman si Martin.

Martin: Hello, guys.

Magracia: Oh, Martin! Ayusin na natin 'yung camera.

Bradley: Tulungan mo naman ako! Halos 'di ko mabuhat ang camera.

Lumapit si Martin kay Bradley.

Meinard: Tapos mo nang basahin yung diyaryo?

Kyle: Oo. Heto, oh.

Inabot ni Kyle ang diyaryo kay Meinard.

Adrian: Ilang minuto na lang, lulubog na ang araw.

Stitch: Excited na'ko!

Lyle: Ako rin!

Noong oras na ng takip-silim, ang mga magkakaibigan ay nagpasyang pumasok sa loob ng inabandonang gusali. Agad binuksan ni Kyle ang flashlight na dala niya.

Lyle: Kyle! Ano ba'ng ginagawa mo? Hindi magpapakita ang demonyo kung may liwanag siyang nakikita!

Kyle: Nakakatakot, eh!

Lyle: Kaya nga hinintay nating lumubog ang araw. Dahil gusto natin siyang makita. Makausap.

Meinard: Subukan nating umakyat sa hagdan.

Tumango si Alvin at sumama kay Meinard.

Magracia: Parang may naaninag ako doon sa dulo, ah!

Jb: Ako rin! Habulin kaya natin?

Magracia: Sige.

Martin: Narinig mo ba yung katok?

Bradley: Oo, Martin.

Martin: Hanapin natin kung saan nanggaling iyon.

Bradley: Ok.

Damang-dama ni Adrian ang takot at saya nang pumasok siya sa loob ng gusali.

Adrian: Nasaan ka na, demonyo? Nandito na ang papa!

Demon In The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon