4

77 6 0
                                    

"Sa dulo ng gusali ay ang kuwarto ng demonyo. Ang aninag nito ay magpapakita sa sinumang nangangarap na makausap ang demonyo...
Magracia: Sundan lamang ito, at mapapasainyo na ang demonyo."
Jb: Ang galing!
Magracia: Sabi ko naman sa iyo eh. Malapit lang ang demonyo dito.
Jb: Kaso, Magracia, bakit hindi pa rin natin siya nakikita? Kanina pa tayo naglalakad papunta sa dulo, eh!
Magracia: Ano ka ba? Malapit na, oh! Nakikita ko na sa dulo yung kuwarto niya.
Nagpatuloy ang dalawa na maglakad papunta sa dulo. Ngunit bigo pa rin silang maabot ito.
Jb: Magracia naman! Bakit ang tagal? Bakit hindi pa rin natin abot yung pinto?
Magracia: Magtiis ka lang. Malapit na tayo, nararamdaman ko na.
Jb: Totoo na 'yan, ah?
Magracia: Oo naman! Ano ka ba.
Isang oras na ang nakalipas, at halos 'di na makalakad si Jb.
Jb: Niloloko mo ako, eh!
Magracia: Pwede ba? Wala ka bang pasensya? Malapit na, oh! Malapit na!
Jb: Ayoko nang maglakad. Ayoko na. Pagod na ako. Pwedeng umupo muna ako saglit?
Magracia: Tigilan mo nga 'yan. Bakit ba ang tamad mo?
Jb: Magracia naman! Sobrang sipag mo naman sa demonyong 'yan! Mukha namang peke, eh.
Magracia: Jb! Hoy!
Hindi na nakinig si Jb. Basta na lang ito tumigil sa paglalakad at naupo sa sahig.
Tuloy-tuloy namang naglakad si Magracia papunta sa dulo ng gusali. Pero pagkatapos ng ilang minuto, tumigil na rin ito.
Tumingin si Magracia sa likod, at nagulat nang nakita si Jb.
Magracia: Sinundan mo naman pala ako, eh!
Tawang-tawa si Jb sa sinabi ni Magracia.
Magracia: Bakit ka tumatawa?
Jb: Kanina pa kasi kita nakikita eh. Kanina ka pa nagmamartsa diyan sa harap. Hindi ka naman naglalakad papunta sa pinto, eh!
Magracia: Ulol ka na ba? Ano bang pinagsasabi mo! Huwag mo akong sundan kung ayaw mo nang makita ang demonyo.
Jb: Hindi naman kita sinundan, ah! Kanina pa ako nakaupo dito. Ikaw diyan ang nagmumukhang ulol, eh!
Magracia: Talaga? Talaga? Sinong ulol? Ako ba?
Jb: Napapano ka? Ayos ka lang? Totoo naman sinasabi ko, eh!
Magracia: Pumunta ako dito sa gusaling ito para hanapin ang demonyo. Hindi para makipaglokohan sa'yo. Iwanan mo na ako, kung guguluhin mo lang naman din ako.
Tumayo si Jb at tumalikod. Naglakad ito papalayo kay Magracia.
Pero iba ang nakita ni Magracia.
Magracia: Bakit ka nagmamartsa? Sabi ko, alis! Maglakad ka! Lakad!
Jb: Ha? Ano?
Magracia: Lakad!
Nagpatuloy si Jb sa paglalakad.
Jb: Naglalakad naman ako, ah?
Magracia: Huwag ka ngang magsinungaling! Kitang-kita kitang nagmamartsa. Pero hindi ka naman umaalis!
Biglang napaisip si Jb.
Jb: Sinusundan mo ako, no? Natakot ka yata sa demonyo? Gusto mong may kasama, 'di ba?
Kumontra si Magracia.
Magracia: Hindi kita sinusundan! Ano bang pinagsasasabi mo! Bakit hindi ka na lang umalis?
Jb: Bakit ayaw mong maniwala sa akin?
Magracia: Nagsasabi ako ng totoo.
Napaisip ulit si Jb.
Jb: Susubukan ko na tumakbo.
Magracia: Gawin mo. Hindi martsa.
Nang tumakbo si Jb, sumalpok ito sa dilim at nauntog.
Jb: Teka, teka... Ano 'to?
Magracia: Anong nangyari sa 'yo?
Jb: Ewan ko! Basta na lang ako nauntog!
Magracia: Nagpapapanggap ka nanaman ba?
Jb: Hindi! Hindi!
Magracia: Takot kang bumalik, no? Wala ka kasing kasama.
Jb: Tumigil ka na nga, Magracia! Nagsasabi ako ng totoo.

???: Pareho kayong nagsasabi ng totoo.
Magracia: Teka...
Jb: Ang demonyo!
???: Ako rin. Nagsasabi rin ng totoo.
Jb: Nasaan ka na? Nasaan ka, demonyo?
???: Tulad ninyo, nagsasabi rin ako ng totoo. Pero bakit ganoon? Bakit hindi kayo naniwala?
Magracia: Magpakita ka!
???: Bakit puro kayo hinala? Parang 'yang nagyari sa inyo.
Jb: Hoy, demonyo! Show your face!
???: Pareho kayong nagsasabi ng totoo. Ngunit pareho rin kayong hindi naniniwala sa isa't-isa.
Magracia: Ano ba ang pinagsasabi mo?
???: Ganoon rin naman ang nangyari sa akin. Walang naniwala. Kahit totoo ang sinasabi ko. Bakit? Bakit ganoon? Bakit hindi kayo naniwala?
Jb: Hoy!
???: Heto ako. Nasa loob ng kuwarto. Buksan ninyo ang pinto.
Agad tumakbo ang dalawa papunta sa pintuan. Ngunit hindi nila mabuksan ito.
???: Kapit lang. Heto na...
Biglang nakapasok ang dalawa sa kuwarto. Gulat na gulat ang mga ito.
Jb: Nasaan ka na?
Magracia: Akala ko bang nasa loob ka?
???: Mga bulag! Ayoko sa mga bulag!
Magracia: Ayoko ng arte-arte! Puwedeng magpakita ka na lang?
???: Masyado namang madali 'yon! Ayaw niyo ba akong hanapin muna?
Magracia: Kanina ka pa namin hinahanap. Oras na para magpakita ka.
Jb: Magracia! Tignan mo! May TV!
Magracia: Ano bang ginagawa mo, Jb? Bakit ka naman nanonood ng TV?
Binuksan ni Jb ang TV. Sa umpisa, basta na lang ito tumunog. Pagkatapos ng ilang sandali, lumiwanag ang buong kuwarto dahil sa ilaw nito.
???: Aaaargh! Bakit mo binuksan ang TV? Isa kang hangal!
Magracia: Liwanag! Liwanag! Kainin mo ang liwanag!
Nagsalita ang TV.

"Nang suminag ang araw, natunaw ang lahat ng multo."
Nakita ni Jb ang ganda at kulay ng palabas.
Jb: Parang sine!
Magracia: Jb! Tulungan mo ako!
Napalingon si Jb. Nakita niya ang anino at ang katawan ng demonyo.
???: Hahahaha. Liwanag pala, ah? Pano kung ang kaluluwa mo ang kainin ko, Magracia?
Magracia: Waaaalllaa... kaang... kweennnntaa...
Jb: Magracia!
???: Paalam. Hahahaha!
Magracia: Duwag! Duwag ka! Magsuntukan nalang tayo, oh?!?
Lumapit si Jb. Ngunit hindi nito nailigtas ang nagdurugo niyang kaibigan.
???: Save the best for last, 'di ba, Jb?
Ay, worst pala.

Demon In The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon