3

107 6 0
                                    

"Sa ibabang palapag ay walang laman. Sa pangalawang palapag ay walang laman...

Meinard: At sa pangatlong palapag ay ang lungga ng demonyo."

Alvin: Nandito na tayo sa pangalawang palapag.

Meinard: Mukhang kailangan pa nating umakyat ng isa pang beses.

Alvin: Tara.

Pagdating sa ikatlong palapag, biglang may narinig na sigaw ang dalawa.

Alvin: Teka, hindi ba...?

Meinard: Si Kyle 'yon!

Alvin: Galing sa baba ang boses niya.

Meinard: Paano 'yon? Hindi ba nasa ikatlong palapag ang demonyo?

Alvin: Bababa ba tayo?

Meinard: Hindi. Huwag. Mukhang nililinlang tayo ng demonyo.

Nang sambitin ni Meinard ito, bigla silang nakarinig ng malakas na halakhak.

???: Hahaha! Isang matalino! Tunay na matalino!

Meinard: Ang demonyo!

???: Isa ka pa naman sa mga kaklase ko na gusto akong talunin! Hamunin! Pero tignan mo: ako pa rin ang naghahari sa lahat!

Alvin: Nanggagaling doon yung boses ng demonyo!

Meinard: Tara at lapitan natin siya!

Nang buksan ni Meinard ang pinto, lamig ang kanialng naramdaman.

Alvin: Bakit biglang lumamig?

Meinard: Nagyeyelo ako sa lamig!

???: Namnamin mo ang lamig! Namnamin mo ang lamig, Meinard! Hindi ba ganyan ang lamig na ipinadama mo sa akin? 

Meinard: Ano bang pinagsasabi mo?

???: Hindi ba ganyan kalamig ang simoy ng hangin noong pinagtulungan ninyo ako sa itaas ng gusali?

Alvin: Ano na ang gagawin natin?

???: Meinard! Bakit hindi ka pa pumasok? Hulihin ninyo na ako!

Meinard: Ganoon ba? Edi papasok kami! Papasok kami at huhulihin ka!

???: Magaling! Mabuti! Halika, Meinard! Halika sa malamig kong palasyo!

Hindi na kailangan nila Meinard na maglakad. Ang malakas na hangin ang nagtulak sa kanila papunta sa demonyo.

Alvin: Bakit ang lamig? Akala ko ba, galing ang demonyo sa impyerno?

???: Mali! Mali, Alvin! Kailan pa ba ako nanggaling sa impyerno? Hindi ba, galing ako sa itaas? Sa tuktok? Kung saan ako nahulog?

Meinard: Tumahimik ka! Huwag mo akong sisihin kung ano man ang nangyari sa'yo!

???: Sige. Hindi na muna ako magsasalita. Hahayaan ko na lang kayo na manigas sa lamig ng palasyo ko.

Nanahimik nga ang demonyo.

Alvin: Ano na?

Meinard: Kunan mo siya ng larawan!

Inilabas ni Alvin ang camera mula sa kanyang bulsa. Ngunit hindi ito gumagana.

Meinard: Ano'ng nangyari?

Alvin: Ayaw. Ayaw gumana! Masyadong malamig dito! 

Meinard: Hindi puwede! Paano tayo sisikat? Yayaman?

Alvin: Wala na tayong magagawa! Mabuti pa, umalis na tayo!

???: At iyan ang hinding-hindi niyo puwedeng gawin. Sige, kunan ninyo ako ng litrato. Sige, saktan ninyo ako. Pero walang makakalabas sa palasyo! Wala! Noon pa man! Hanggang ngayon! Wala!

Meinard: Isa kang baliw! Hayaan mo na kaming makaalis! Wala ka rin namang kwenta! Tulad ng camera na dala namin!

???: Ikaw ang tunay na baliw! Sino ba namang hangal ang basta basta na lang papasok sa loob ng palasyo ko? Alam niyo naman na mamamatay kayong lahat!

Alvin: Ang katawan ko! Ang mga mata ko!

Meinard: Anong nangyayari sa'yo?

Alvin: Sobrang lamig! Halos 'di ko magalaw pfathti mgma kammaiy kooo

At tuluyang nahiga si Alvin sa sahig.

???: 3 down! Ang saya! Mukhang ikaw na Meinard ang pang-apat!

Meinard: Hindi ako tanga!

???: Halika, Meinard! Tumabi ka sa akin!

Napuno si Meinard. Tumakbo ito papunta sa demonyo.

Nang buksan ni Alvin ang kanyang mga mata, nakita niya ang demonyo na basang-basa.

???: Gising ka na pala? Pasensya na, hindi ko pinakita si Meinard at kung paano ko kinakain ang kanyang kaluluwa!

Demon In The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon