5

62 2 0
                                    

"Bakit kahit anong tingin ko, wala. Bakit kahit anong pilit ko, wala.
Bradley: Naririnig ko nga siya. Pero bakit hindi ko siya makita?"
Martin: Wala rin siya dito sa isang pinto.
Bradley: Kanina pa tayo nagbubukas ng pinto. Pero wala. Wala.
Martin: Nasaan na ba ang mga kasama natin?
Bradley: Hindi ko alam. Nagkahiwa-hiwalay tayong lahat.
Nakakita si Martin ng isa pang pinto.
Martin: Bradley! May isa pang pinto doon!
Bradley: Tara!

Pagpasok sa loob, nagulat ang dalawa dahil sa laman ng kuwarto. Ilang mamahaling salamin ang nakakalat dito.
Martin: Wala namang silbi itong mga salamin. Walang liwanag para gumana sila.
Bradley: Martin! Tignan mo 'to.
Martin: Ano 'yan?
Bradley: M-A-L-O- ?
Martin: Malo?
Bradley: Anong ibig sabihin niyan?
Martin: Hindi ko alam.
Habang iniisip ni Bradley kung ano ang ibing sabihin ng "Malo," muling binalikan ni Martin ang mga salamin. Titig na titig ito sa mala-diyamanteng porma nito.
Martin: Ano kayang nasa likod nito?

???: Ako.
Martin: Aaaaah! Ang demonyo!
???: Hello. Hello Martin. Hello sa most disappointing person in the whole world.
Bradley: Aaaaah!
???: Remember me, guys? Remember me from the last 6 months? Nagkita nanaman tayo.
Martin: Bradley! Ang camera!
???: Aba, matapang kayo ngayon, ah! Mukhang may interest pa kayong kunan ako ng litrato.
Iniabot ni Bradley ang camera.
Martin: Heto! H-h-heto ang litrato na gusto mo!
???: Nakakatawa ka naman. Saglit, makapag-smile muna.
Nang lumiwanag ang camera at nakunan ng litrato ito, nawala sa kanilang paningin ang demonyo.
Bradley: Patingin ng litrato!
Nang tignan nila ito, gulat na gulat sila na wala ang demonyo dito.
Martin: Akala ko pa namang gagana 'yan sa mga demonyo?
???: No way, Martin. Ganyan ba kami kahina ng mga kaibigan ko?
Bradley: Aaaaah! Ang ingay mo!
???: Singkapalan din naman ang mukha dito sa klase natin diba?
Bradley: Shut up!
???: Ang unfair nga lang. Kasi, ako, binubully. 'Di pwedeng magsalita.
Punong-puno si Bradley. Agad itong tumakbo papunta sa demonyo.
???: Ang daya naman. Pero okay lang, kasi ngayon, ako na ang hari! Ako na ang master! Hahaha.
Isang malakas na suntok ang ibinigay ni Bradley.
At nabasag ang pinaka-malaking salamin.
Martin: Bradley!
Tuliro si Bradley habang dinadama ang sakit sa kanyang mga kamay.
Hindi siya nagtagumpay.
Muling nagpakita ang demonyo sa ibang salamin.
??? Hello again.
Martin: Aaaaah!
???: Tutal, nasaktan na si Bradley, dapat maging fair ako at tamaan this time si Martin! Hahaha!
Hinigop ng salamin ang balat ni Martin.
Bradley: Martin! Anong nangyayari sa'yo?
Martin: Aaaaaah! Anong ginagawa mo?
???: Hindi ba obvious? Pinapatay kita. Hahaha.
Pagkatapos nito, nagkahiwa-hiwalay ang mga buto ni Martin sa sahig.
Natakot at nandiri si Bradley nang nakita niyang nakahandusay ang mga parte ni Martin sa sahig.
???: Mukhang mami-miss mo si Martin, right?

Demon In The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon