666

83 2 0
                                    

Hindi man lang tumigil ang malakas na ulan simula noong nagumpisa ang klase mag-aalas-otso na ng umaga. Titig na titig si ??? sa bintana habang pinagmamasdan ang mga matulin na patak ng ulan mula sa kalangitan.
???: Parang oras na. Oras nang mawala.
Paglingon niya pabalik sa harap, nagulat ito nang makita ang buong klase na nakatingin sa kanya. At silang lahat ay nagtawanan.
Guro: Ano bang tinitignan mo diyan sa bintana? Gustong-gusto mo yatang nakikita ang malakas na ulan?
???: Pasensya na po.
Magracia: Mukhang wala sa sarili si Mr. Malo, ah?
Muling nagtawanan ang buong klase.
Guro: Tama na 'yan. Sige, sige. Ipagpatuloy na natin ang diskusyon.
Ngunit hindi mapigilan ni ??? na tumingin ulit sa bintana.
???: Ano na? Ano na ang mangyayari sa akin?
Biglang tumunog ang school bell. Lumabas ang guro at ang mga estudyante. Oras na para umuwi.
Pero may nanatili at hinintay ang kaklase nilang nakatitig sa ulan.
Lyle: Hoy.
???: Bakit?
Lyle: Anong araw ngayon?
???: Biyernes.
Lyle: Biyernes. ika-13 ng Hulyo. Tama?
Hindi sumagot ito.
Lyle: Gusto mo bang sumama sa ulan?
???: Anong ibig mong sabihin?
Nangamba ito.
Lyle: Gustuhin mo man o hindi, isasama ka namin sa itaas.

Dinala siya sa rooftop nila Lyle at Meinard. Basang-basa ang tatlo sa malakas na ulan.
???: Bitawan niyo ako!
Meinard: Paano kung ayaw namin?
???: Huwag niyo akong saktan!
Lyle: Paano kung gusto namin?
Agad nilang inilambitin ito sa dulo ng gusali. Isang bitaw at mahuhulog ito.
???: Huwag niyo akong ihulog!
Meinard: Ano ang huling bagay na gusto mong sabihin?
Sumigaw ito.
???: Tulong! Tulong!
Ngunit walang nakarinig sa lakas ng ulan.
Lyle: Byebye.
???: Huwag niyo akong patayin!
At tuluyang binitawan ng dalawa ang nakakaawang estudyante.

...

Bradley: Kyle! Kyle!

...

Jb: Anong nangyari?

...

Alvin: Wala na siya.

...

Magracia: Bye bye, MAtalinong LOko.

...

Kyle: Dalhin natin siya sa ospital!

...

Adrian: "Hindi na pwede, Kyle.

Dahil namatay na siya. Patay na si Martin."

Demon In The UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon