Wattpad Original
Mayroong 9 pang mga libreng parte

The LOVE DEAL

240K 3.1K 83
                                    

"Why are you doing this to me Law? I'm your wife!" 'di napigilang bulalas ni Abigail kay Lawrence. May hangganan din ang kanyang pasensiya at pagtitiis sa pagtrato sa kanya ng kanyang asawa.

"In name and paper only, Abigail!" pasigaw na sagot ni Lawrence. "You will never be my wife, not in the real essence of that word!"

Bumuntong-hininga na lamang si Abigail. Walang mangyayari kung sasabayan niya ang init ng ulo ni Lawrence. "Law, ano pa ba ang kailangan kong gawin para mapatawad mo ako? Alam ko na ayaw mong ako ang mapangasawa mo. Alam ko 'yon. Pero ginawa ko naman ang lahat para maging mabuting asawa sa 'yo. Ano pa ba ang kulang? Ano pa ba ang kailangan kong gawin?"

"Gusto mo ba talaga malaman? Do you really want to know what you can do so I'd forgive you?"

"Yes!"

Lumapit si Lawrence sa counter table bago humarap muli kay Abigail. "Then give me what I want, Abigail. I want an annulment."

Nagulat si Abigail sa sinabi ni Lawrence. Iyon ang isang bagay na hinding-hindi niya maibibigay sa asawa. "Alam mong hindi ko puwedeng ibigay sa 'yo 'yan. Nangako ako sa lola mo na aalagaan at mamahalin ka, na tulungan kang magbago. Lawrence, nangako ako kay Granny na babaguhin ko ang pananaw mo sa pag-ibig."

"And you actually think na ikaw ang makakapagpabago sa akin? That is one hell of an ambition, Abigail. You tried but you already failed. Hindi mo na kailangan pang tumupad sa pangako mo sa kanya."

"Law! Paano mo nasasabi ang mga bagay na 'yan? Hindi ko puwedeng basta-basta na lang itapon ang pangako ko kay Granny." Humakbang si Abigail palapit sa asawa ngunit napatigil siya sa paglapit nang makita niya ang galit sa mga mata nito. "Law, isang chance lang ang hinihingi ko sa 'yo. Isang taon tayong mag-asawa pero isang taon din tayong hindi magkasama bilang mag-asawa. Isang pagkakataon lang, Law, para maipakita ko sa 'yo na karapat-dapat din akong maging asawa mo, para maiparamdam sa 'yo ang pagmamahal ko. Bigyan mo naman ng pagkakataon ang posebilidad na matututunan mo rin akong mahalin."

Tinalikuran siya ni Lawrence at tinungga ang alak sa mesa. Hawak-hawak ang baso, muli niyang hinarap si Abigail. "Tell you what, let's make a deal."

Napakunot-noo si Abigail. "A deal?"

"Yes Abigail, a deal. If you're so sure na matututunan kitang mahalin, I'll give you the chance that you're asking."

"Ano'ng kailangan kong gawin, Law?"

"I'll give you three months—three months to make me fall in love with you. Do anything you want. Seduce me if you can." Napangisi naman si Lawrence na para bang ang isipin na aakitin siya ni Abigail ay imposibleng mangyari. "I don't care. It's your call as long as it'll be within three months."

Napaisip si Abigail. Three months? Sapat na ba ang tatlong buwan upang magawa niyang paibigin si Lawrence? Matagal na siyang nagtatrabaho bilang private nurse ng lola ni Lawrence bago pa sila ikinasal at ni minsan ay hindi naman siya nito noon pinapansin. At ngayon, sa loob ng tatlong buwan ay kailangan niyang mapaibig si Lawrence? "Kung nagtagumpay ako?"

"Obviously we will remain happily married," sarkastikong sagot ni Lawrence.

"At kung nabigo ako?"

"If you fail, then we will settle things with our lawyer's presence. You will give me my freedom." Tinitigan nito si Abigail na parang nanunudyo pa. "Natatakot ka? Hindi mo kaya?"

"Deal! Payag ako," biglang sagot ni Abigail. Kung lalaruin niya nang tama ang mga baraha, mapapasakanya na nang buong-buo ang asawa balang araw.

Muling uminom ng alak si Lawrence at matapos ay inilapag nito ang baso sa mesa. Aalis na sana si Abigail nang bigla itong huminto sa paglalakad dahil sa tinawag siya ng asawa.

"Oh, and Abigail? I don't easily fall in love."

Tumango lamang si Abigail, isang senyales na tinanggap niya ang hamon ni Lawrence, bago siya tuluyang umalis at iwan ang asawang nagsisimula na namang lunurin ang sarili sa alak.

The LOVE DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon