Wattpad Original
Mayroong 3 pang mga libreng parte

Chapter Four

106K 1.6K 30
                                    

Lawrence couldn't seem to ease his nervousness. Why would he feel nervous anyway? Shouldn't he be excited? Tonight was the night he had planned for a month now—the special night when he would pop Vanessa the question that would bind them with each other for all eternity.

Kanina pa siya nasa loob ng restaurant. Ang restaurant na ito ay sakop ang isang bahagi ng palapag na nasa loob ng main hotel branch nila. Sadya niyang ipinasara ito para sa espesyal na okasyon ngayong gabi. Kanina ay tinawagan niya si Vanessa at sinabihang susunduin na niya ito para mag-dinner, ngunit tumanggi ang nobya niya na magpasundo. Si Vanessa na lang daw ang pupunta sa restaurant.

Kaya heto siya ngayon, at kanina pang palakad-lakad, 'di malaman kung bakit pinagpapawisan gayong malakas naman ang aircon sa loob. Ilang beses din siyang nag-practice sa harapan ng salamin kung papaano siya magpo-propose. Ilang beses din niyang binigkas ang kanyang magiging linya.

"Relax, cousin," pabirong payo ng kanyang pinsan na si James Madrigal. "Magpo-propose ka pa lang, hindi 'yong ikakasal na. Daig mo pa ang may wedding jitters."

"Yeah well, what if she says no?" may pag-aalinlangang tanong ni Lawrence.

"Oh c'mon Law. Why would you even think of things like that?" Tinapik ni James ang balikat ni Lawrence. "Think positive, man. Besides, sinong babae ba ang tatanggi sa isang Lawrence Madrigal?"

Binuksan ni Lawrence ang maliit na box na may lamang singsing at tinitigan ito. "I guess I just want everything to be perfect. For her. For us."

"Look around you. This is beyond perfection already."

Sinuri ni Lawrence ang kanyang paligid. Dimly lit na ang restaurant, ngunit makikita sa malawak na glasss window ang mga ilaw na nanggagaling sa katabing mga gusali at lamp posts mula sa ibaba na tila malilit na ilaw dahil sa napakataas ng kinatitirikan ng restaurant na pinili ni Law. Nakasindi na rin ang mga kandila sa buong restaurant, giving the place an entirely romantic ambiance. Nasa gitna ang kanilang table, at nakapatong na doon ang bouquet of white roses na siyang paboritong bulaklak ni Vanessa. Ang buong lugar ay napalilibutan ng puting rosas. Sa may gilid ay may raised platform kung saan nandoon ang isang pianist at violinist. Ang mga waiters and servers naman ay naka-stand by sa gilid, naghihintay lamang ng utos mula sa kanya. Lahat sila ay excited para sa kanya. Kahit si chef, mas excited pa. He even promised to prepare a very special meal for a very special occasion.

Ang gusto sana ni Lawrence ay sa tabing-dagat siya magpo-proprose. Tulad no'ng nag-propose si Granpa Edward kay Granny. Pero dahil sa hindi puwedeng mag-out-of-town si Vanessa ay pinili na lamang niya ang lugar na ito.

Lawrence glanced at the doorway as if willing it to make Vanessa appear. He wanted to see her now; be with her now. He knew deep in his heart that she was the one; that she was the other part of him that would make him whole.

Ah crap! He was talking like a love sick fool, tulad ng laging panunukso sa kanya ng kanyang womanizer na pinsang si James. Pero siguro ganito talaga kapag na-in love ka nang matindi. He doesn't easily fall in love, but when he does, it's deep.

Narinig niyang tumunog ang elevator at alam niyang si Vanessa na iyon. Hindi nga siya nagkamali nang iniluwa ng pinto ang kanyang nobya. Lumawak ang ngiti ni Lawrence habang nilapitan si Vanessa para salubungin ito.

"Law, what's this? Is there any special occasion?" tanong ni Vanessa na mukhang naguguluhan sa pangyayari.

"Every time spent with you is a special occasion, hon," sagot ni Lawrence habang inalalayan si Vanessa papuntang mesa.

Binigyan siya ni Vanessa ng maliit na ngiti at umupo. Lawrence creased his forehead while assisting Vanessa on her seat. Hindi ganoon ang inaasahan niyang magiging reaksyon ni Vanessa. Sa isip-isip niya, masusurpresa ang kanyang nobya at kikislap ang mga mata nito kapag nakita ang inihanda niya para rito. Umupo na lamang si Lawrence sa tapat ni Vanessa, pilit isinantabi ang dismaya sa naging reaksyon ni Vanessa. Inabot niya ang pungos ng mga putting rosas. "Here hon, this is for you."

"Thanks," tipid na sagot ng nobya, umiiwas ng tingin kay Lawrence.

Inabot niya ang kamay ni Vanessa na nakapatong sa mesa. "Is everything okay, hon?"

Umiling si Vanessa. "I'm okay. Pagod lang sa taping kanina."

"Hey you've been working so hard," obserbasyon ni Lawrence. "You know you don't have to."

"But I want to. Masaya ako sa trabaho ko, Law. Masaya ako sa narating ko ngayon at sa mararating ko pa."

Ngumiti na lamang si Lawrence. "Okay, hon. Let's have dinner now, okay? I want you to just enjoy this evening."

Inilabas na ng waiter nila ang first course. As usual kakaunti lang ang kinakain ni Vanessa. Lawrence lifted his glass of red wine and whirled it a little. He took a sip while eyeing his girlfriend. Something was off. Vanessa acted strange the minute she stepped in the restaurant. Ni hindi nga niya napansin ang mga roses at ang buong ambiance ng lugar. And when their entrée was served, her fork was merely playing with the food.

Pagod lang siguro si Vanessa, pagdadahilan niya. Tumayo si Lawrence at pumuwesto sa tabi ni Vanessa. He extended his hand towards her and said, "Dance with me, Vanessa." Bumuntong-hininga si Vanessa bago inilagay ang kanyang kamay sa kamay ni Lawrence at tumayo.

Lawrence led Vanessa on a space near the platform where the musicians started to play. Ipinulupot niya ang isang braso sa baywang ng nobya at si Vanessa naman ay inilagay ang kamay nito sa balikat ni Lawrence.

"Are you sure you're really okay?" mulingtanong ni Lawrence.

Isang maliit na tango lang ang sagot ni Vanessa.

The music ended. It was his cue. He released his hold on Vanessa and extracted the tiny black velvet box in his pocket. Nakita iyon ni Vanessa at nanlaki ang mga mata nito. Lawrence bent on one knee in front of Vanessa. "Hon, I know you weren't expecting this but I felt that it is about time that I do this. We have been together for so long and I knew from the very beginning when I fell in love with you that you are the one destined for me. You have brought colors to my dull life and I can never imagine going back to a colorless life without you to brighten everything around us." Binuksan niya ang velvet box at mas iniangat pa ito. "I'd be honoured if you'll accept me to be your husband. Will you marry me?"

Biglang takip ng bibig si Vanessa at tinitigan lang si Lawrence na nakaluhod pa rin. Nang hindi pa rin sumagot si Vanessa ng ilang segundo...

"Hon?"

"Law... I'm sorry..."

Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo. Tama ba ang narinig niya?

"Vanessa, don't do this to me," mahinang pagmamakaawa niya sa nobya.

"I—I can't Law. I'm so sorry. I never meant to hurt you this way. No'ng naging busy ka for the last six months, I was lonely that time. We barely get to see each other... Law, I've met someone else and we've been seeing each other ever since."

"No. That's a lie. Please tell me you're joking, hon. Please!"

"I'm sorry..." naiiyak na sagot ni Vanessa. Tatalikod na sana si Vanessa nang may nag-flash na ilaw. Napalingon si Lawrence at nakita niyang may mga 'di kilalang lalaki na may mga hawak na camera na siya namang pinipigilan ng mga waiter na papasukin.

"Don't let the paparazzi in!" narinig niyang sigaw ni James.

Bahagyang nataranta si Vanessa. Tumingin ito kay Lawrence bago ito napatakbo sa may exit. Wala nang nagawa si Lawrence kundi ang umupo sa sahig at sabay hagis sa box na may lamang engagement ring.

The LOVE DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon