Wattpad Original

You Are Not Alone

96.3K 747 15
                                    

Natutuwa ako dahil nakarating ka sa dulo ng storya, at tinapos mo ito. Sabi nga ng ilang nakabasa na nito, cliche ang story at common na ang plot. Pero may mga nagbabasa pa rin kahit gano'n ito. Kaya lubos akong nalulugod dahil may nagbabasa pa rin nito. Bukod sa mahilig ako sa mga tipical at cliche na stories, bet na bet ko rin ang mga arranged marriage na stories. 

Hindi ko naman na inaasahan na may ikapupulot ng aral ang storya kong ito, dahil ang main objective ko naman ay magbigay saya at aliw sa mga mambabasa. 'Yung layunin ko talaga, kahit sa maiksing sandali, ay madala ang mga mambabasa ko sa mundong may paghihrap man ay sa bandang huli ay may "happy ending" pa rin. Ang layunin ko ay pawiin ang lungkot ng mga nalulumbay kahit sa loob lamang ng 26 chapters plus epilogue, pasayahin, pakiligin, paminsan-minsan paiyakin pero babawi sa huli at pangingitiin kayo. Na kahit sa konting oras ay malimutan ng mga nalulungkot ang kanilang lungkot, ng mga namomoblema ang kanilang problema. Na pansamantalang makatakas muna sa masalimuot na reyalidad.

Pero pagkapatos ng Epilogue ay kailangan pa rin nating lahat bumalik sa totoong mundo, sa reyalidad. Ang iba sa atin ay muling maaalala ang mga problema, ang mga sakit at alaalang nagpapaluha sa atin.

Huwag kang mag-alala, kung ikaw man ay isa sa mga ito. Hindi ka nag-iisa. Hindi lang ikaw ang nakakadama ng sakit at umiiyak. Dahil sa bawat patak  ng luha mo, sa bawat hikbi mo, sa bawat bigkas mo ng iyong mga suliranin, nasa tabi mo ang Diyos na pinupunas ang mga luha mo, nariyan ang Diyos na sinasamahan ka habang umiiyak ka, nariyan ang  Diyos na walang kapagurang nakikinig sa 'yo. Dama Niya ang sakit na nadarama mo. Alam Niya kung ano ang nasa puso mo.

Umiyak ka lang. Ibuhos mo ang lahat ng saloobin mo. Nakikinig Siya sa 'yo. Hindi ka nag-iisa. May karamay ka. At isang araw, babangon ka rin dahil ipapakita Niya sa 'yo ang daan patungo sa kaligayahang walang kapantay.

Maraming nagmamahal sa 'yo. Isa na riyan ang Diyos.

Have faith. He listens. He cares. He loves you.

 He loves you

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.





The LOVE DEALTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon