Chapter Two

36 1 0
                                    

Chapter 2
Souven's POV
Maaga kong iginayak ang aking dadalhin gaya ng tubig, damit, cellphone at flash light. Kakaunti lang ang aking iginayak dahil nakasanayan ko naman na hindi mag dala ng marami dahil dagdag pabigat lang iyun sa aking bag.

"Another adventure grandpa" pag ka usap ko sa aking kuwintas.
Ang kuwintas kasing ito ang itinuturing kong grandpa.

Beppp.. Beppp.. Bepp..

"Ow. Dake is here"
Sinuot ko na agad ang aking backpack ganun din ang aking tsinelas. Agad na akong lumabas para salubungin si dake.
Kinawayan ko ito ng may halong ngiti sa aking labi. I'm just happy dahil kahit kelan palagi syang on the time sa tuwing sinusundo ako. Buhay driver eh.

"Bilis bilis naman aba" pag rereklamo nya.
Ni lock ko na agad ang bahay bago tumungo sa kotse. Binuksan ko ang pinto ng kotse para maka pasok sa loob at maupo.

"What the hell!" Sigaw nito. Bahagya itong nakatingin sa ibaba.

"Anong nangyayare sayo?" Irita kong tanong sakanya.

"Seriously? Talagang mag tsi-tsinelas ka lang?" Gulat na gulat nyang tanong.
Napatingin naman ako sa ibaba upang tignan ang aking paa. Teka anong big deal kapag nag tsinelas ako. Ang over-react naman ng gunggong na to.

"So?" Pambabara ko.

Tinignan naman nya ako ng isang tingin na parang nandidiri. Naks. Sarap ihampas sa dibdib ni Alden Richard eh.

"Oh! Ito isuot mo!" Utos nito kasabat ang pag abot sa akin ng isang kahong pahaba.
"Rubber shoes ba to?" Tanong ko rito.

Pero hindi man lang nito binalak sagutin ang tanong ko. Pinaandar na nya ang kotse patungo sa pupuntahan namin, sa meeting place naming mag kakaibigan. Habang ako binuksan ko na ang kahon at tama nga ang hula ko isa nga itong rubbershoes.
Nilingon ko naman si dake na nag fo-focus sa daan. Niyakap ko agad ito.

"Thank you dake" pagpapasalamat ko sa kanya.

"Oy oy ano ba! Hindi ko makita ang daan!" Pag rereklamo nya.
Agad rin naman akong lumayo sa kanya upang mabigyan sya ng space para makapag maneho.

"Teka bakit kulay itim naman to? Diba Violet ang gusto ko?" Pag rereklamo ko ng makita ko ng buo ang sapatos.

"Para hindi dumihin." Tipid nyang sagot.
Tama din naman sya. Anyway kailangan ko na itong isuot.
Hinubad ko na ang tsinelas ko at inilagay ito sa bag ko. Isusuot ko na sana ang sapatos ng mapansin kong wala nga pala akong medyas.

"Wala ka man lang pa medyas dyan?" Tanong ko rito.

"Hayy. Kunin mo sa bag ko!" Utos nito ngunit pa sigaw.

Lakas ng loob manigaw ah. Pasalamat sya dahil may utang na loob ako sa kanya pero kung wala malamang nabatukan ko na sya.
Padabog ko namang kinuha ang kanyang bag sa passenger seats, doon kasi naka lagay ang bag nya.
Hinalungkat ko naman agad ito. Masyado syang maraming dala kaya hindi makita ang medyas.

"Bakit ba ang dami daming dala!" Sumbat ko.

"Incase of emergency" tugon nya.

"Tss. Incase of emergency, pero dati halos ni isang alikabo walang laman ang bag mo." 
Pinag patuloy ko nalang ang paghahanap. Teka. Ano ito? Bakit may dala dala syang baril? Owgod. Pati knife meron syang dala. What the... Pati toothbrush may dala sya? Wow ha. Ang prepare nya ha.
"Hayy. I can't find your damn sock!" Inis kong sigaw.

"Ow. I forgot. Nasa sulok pala yun ng kahon hahahaha"

"What?!"

Grabe, napaka sama nya talaga. Halos maduling ako kakahanap ng bwiset na medyas na yan tapos sasabihin nya na nasa kahon?
Grrr.
Ipinalibag ko naman ang kanyang bag sa likod namin kahit na alam kong bukas iyun.
'Kumalat sana lahat ng gamit mo'
Inis kong kinuha ang kahon na nasa ibaba at tinignan ko yun kung naroon nga ang medyas.
Nakita ko naman na naroon pero. Hay. Bakit kulay puti to.

The King Key is MeWhere stories live. Discover now