CHAPTER SIX

23 0 0
                                    


The key of king is me

Chapter 6
Souven's POV
Halos mabulunan na ako sa kinakain ko. Grabe napaka dami nito, woo susulitin ko na to.
Teka.
Baka hindi pa kumakain sila dake. Dalhan ko kaya sila tutal kaya ko nanaman ding tumakas dahil wala na yung posas sa aking kamay kaso nga lang pagka laki laking pinto naman ang aking kalaban. Hmm. Wag na lang tutal mayaman naman ang mga yun.

"Nagagalak ka naba?" Tanong ni thirp. 
Napa angat naman ako ng ulo at tumingin sa aking harapan. Medyo naningkit pa ang mata ko para lang makita sya, sobra kasi ang haba ng mesang ito.

"San ako magagalak?" Sigaw ko sakanya para marinig nya.

"Urgh. Sinabi ko naman sayo na huwag mo akong pag tataasan ng boses!" Sigaw din nya.

"Baka kasi hindi mo marinig!" Sigaw ko ulit.

*blaggggg*

Teka ano yun? Nilingon ko agad ang bintana dahil doon nang galing ang tunog. Basag na ang bintana at merong boteng lumabas mula roon.
Nabalik ang tingin ko kay haring thirp. Nanatili lang itong naka upo at walang balak tignan kung ano iyun.

"Hey? Wala kang balak tignan kung ano yun?" Tanong ko sakanya.

"May balak. Kung gagalaw ka diyan at pupulutin ang bagay na iyun" wika nito.

"Ano? B-bakit ako?" Tanong ko pa ulit ng pangalawang beses.

"Kasi ikaw ang aking alipin. Nararapat lang na gawin iyun ng isang alipin gaya mo" sambit nya.
Nilingon ko naman ang bote. Parang may papel sa loob nito. Ano kayang naka sulat roon?
Napatayo agad ako at lumapit sa kinaroroonan ng bote para pulutin ito. Tinitigan ko muna ito bago tumungo kay thirp upang ibigay ang bote.

"Here" wika ko kasabay ang pag abot sa kanya ng bote.
Kinuha naman nya ito at bahagyang inikot ikot para kilatisin.

"From chin" mahina nitong sabi.
Hindi kalaunan ay binuksan nya rin ito. Tinaktak nya ang bote para makuha yung papel sa loob. Hindi siguro ito nababasag dahil dapat kanina pa ito nabasag nung inihagis sa bintanang salamin. Sayang tuloy yung bintana, nabasag pa.

"Balik!" Utos nito.
Hawak na nya ang papel pero hindi pa nya binubuklat.

"Why?" Tanong ko.

"Basta bumalik ka!" Madiin na nyang utos.
Hindi ko gusto ang tono nya kaya ayaw ko sanang sumunod kaso kusang nag lakad ang mga paa ko para tumungo sa kinauupuan ko kanina. Ewan ko kung bakit ko sya sinusunod. Hindi naman nya ako alipin. 
Tinignan ko si thirp. Seryoso itong nagbabasa. Teka, ngayon ko lang napansin na parang wala syang korona. Diba dapat may korona ang mga hari pero sakanya nasaan? What if hindi naman talaga sya hari?

"Ho--- "
Hindi ko na binalak ituloy pa ang sasabihin ko. Mukha kasi syang busy'ng busy sa kanyang binabasa. Hmm. Ano kayang naka sulat roon. 
Hindi ko na pinag patuloy ang pag kain, busog na rin kasi ako.

"Umm. Pwede na ba akong bumalik sa mga kaibigan ko?" Tanong ko rito.

"Wag" sigaw nito.
Nakakagitla naman ang biglaang pag sigaw nito.

"Ramdam kong pagabi na kaya kailangan ko ng pumunta sa kanila. Uuwi na kasi kami" 

"No. Wala na kayong maabutang parisukat na lagusan roon. Delikado na sa itaas" pagbabanta nya.
Tumayo ako at pinukpok ang lamesa.

"Kailangan ko ng pumunta sa bahay!" sigaw ko rito.

"Hindi nga maaari" sigaw din nya.

"Oh sige! Kapag ako naputulan ng kuryente ikaw mag babayad ha."

The King Key is MeWhere stories live. Discover now