CHAPTER 7

85 9 2
                                    


The key of king is me
Chapter 7
Veany's POV
Ewan ko kung tama ba ang desisyon namin na sumunod sa batang ito. Dinala nga nya kami sa matandang lalaki pero may na fe-feel akong kakaiba.

"Gusto na naming bumalik sa itaas" sambit ni souven habang nakatingin sa mga mata nung matandaan.
Na we-weirduhan ako kay souven. Sinasabi nito na mag ingat kami sa sobrang maiitim ang mga mata tulad daw nung babae kanina sa kulungan at ngayon dito kay matandang kalbo.
Pero sa tuwing titignan ko naman ang mata nito ay wala namang kakaiba, para bang normal lang. 

"Paano kayo naka laya?" Tanong nito.

"Wala ka ng pake alam don! Basta ang sabi ng hari seyatilisig!" Sigaw ni souven na matalim parin ang titig sa matanda.
Nanlaki ng bahagya ang mata nito pero agad ring nabawi. Mukhang hindi nahalata ni souven ang ginawa ng matanda.

"Tuloy.." Utos nito. Naglakad na ito papaloob.
Naunang pumasok ang bata na sinundan nila grew, dake at eitsy.
Habang ako ay naiwan. Pansin ko kasing masama ang pakiramdam ni souven kaya inalalayan ko ito papasok.

"Are sure na okay kalang?" Tanong ko rito.

"I'm 399 percent fine" nakakalokong sagot nito.
Kahit na sinabi nyang okay lang sya nag prisinta parin ako na alalayan sya. Mainit ang kaliwang braso ni souven at parang namamaga ito.

"Anong nangyare sa braso mo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
Napatingin naman ito sa kanyang braso.

"Nauntog lang sa matigas na bagay" tugon nya.
Nagpatuloy naman na kami sa pag lalakad. Dinala kami ni tanda sa isang kwarto na puno ng teleskopyo. May isang hagdan na papaitaas ang direksyon, siguro ay lagusan para makapunta sa itaas.

"Umakyat na kayo sa itaas kung gusto nyo ng umuwi" utos ni tanda.
Sinamaan ko ito ng tingin dahil naka ngisi ito.
Nabaling ang tingin nito sa braso ni souven. Biglang nanlaki ang mata nito ng makita nya ang namamagang braso ni souven.

"What's wrong?" Tanong ko rito.

"Anong nangyari sa kanyang braso?" Pagbalik nya ng tanong sa akin.

"Ah wala" pag singit ni souven kasabay ang pag hawak rito.
Minabuti ko ng mag pahuli para alalayan papa itaas si souven.
Bakit kaya ganoon nalang ang reaksyon ni tanda ng makita nito ang braso ni souven.

 
"Hey veany? Tara na" sigaw sa akin ni souven.
Ako na lang pala ang hinihintay nilang maka akyat. 

"O-okay. Andyan na" 
Tinignan ko muna si tanda at ganon din ang bata na ngayon ay kalong kalong nya. Umakyat na rin ako para sumunod kina souven. 
Nasa kalignaan na ako ng pag akyat ng marinig kong mag salita ang batang si siro.
Sa totoo lang nakakatakot ang mga tao dito. Lalo na yung mga babaeng nakasalamuha namin sa kulungan. 

"Nasukahan sya" sambit ni siro.
Binalewala ko lang ang kanilang usapan, nagpatuloy nalang ako sa pag akyat hanggang sa makarating na kaming lahat sa ibabaw.
Napaka dilim rito pero kitang kita parin ang usok na nakakaubo. 

"Buksan nyo ang- - " hindi na naituloy ni souven ang kanyang sasabihin ng mapahawak ito sa kanyang ulo. Inalalayan naman agad ito ni dake.

"Guys sinong may dala dalang gamot sa inyo?" Tanong ni dake.

"N-no need. Kailangan na nating maka uwi. Gabi n-na rin" tugon ni souven.
Pinilit naman ni souven na umakto ng normal.
Pansin kong malapit lang sa amin ang punong aming pinagpahingan kanina. Tanaw koito ng maitutok ko ang flashlight sa banda don.
Ako na ang nag lead sa kanila para tumungo sa pariksukat na lagusan. Medyo hindi ko na tanaw iyun dahil sobra talaga ang dilim sa paligid, tanging flashlight lang ang nag bibigay liwanag sa aming dinadaanan. Pansin kong parang walang buwan rito sa itaas.

The King Key is MeWhere stories live. Discover now