Chapter three

30 1 0
                                    


Chapter 3
Dake's POV
"Ugh. Sobrang sakit sa likod" pag rereklamo ni souven. 

Sobra nga naman talaga sa sakit. Ewan ko ba kung bakit sumunod kami sa babaeng to. Ang sakit tuloy ng mga likod namin, tumalsik lang naman kami sa isang kumpol na bato. Para kaming tinulak roon ng walang dahilan. Pumasok lang naman kami sa parisukat na ito at ayun na, naririto na kami sa isang lugar na hindi naman pamilyar.

"Omygod. Kakaibang lugar to" gulat na gulat na sabi ni veany.

Pansin kong pare-pareho silang naka nganga habang inililibot ang mata.
Kaya minabuti kong tumayo at ilibot ang mata. 

"A-anong lugar to?" 
Halos umabot ang aking panga sa batuhang aming tinatapakan. 
Ang lugar na ito ay puro abo, para itong kakagaling lang sa digmaan or what ever, siguro ay nasunog ang lugar na ito. 
Napaka hamog ng paligid at sobra ang lamig. Para kaming nasa bundok nito. 

"Wow." Manghang manghang sabi ni grew habang naka tingin sa kung saan.
Nilingon ko naman ito at isang punong malago ang dahon ang bumungad sa akin. Mababa lang pagkakatanim nito ngunit malago. Wala itong bunga pero nakakapag taka lang na mayroon pang punong nabubuhay sa ganitong lugar, lugar na nasunugan.

"Anong lugar to?" Tanong ni eitsy habang inililibot ang paningin.

Masama ang kutob ko rito. Siguro ay may mahika ang parikusat na napasukan namin. Kailangan na naming maka alis rito.

"Guys. Alis na tayo dito" pag aya ko sa kanila at akma na akong aalis ng mag salita si souven.

"Dake yung camera? Picturan mo dali" utos nito.

Ah ah naman tong babaeng to. Ang lakas pang mag picture sa ganitong lugar.

 
"Umalis na tayo dito souven!" Sigaw ko.
Masama talaga ang kutob ko. Para kasing may paparating kahit alam kong tahimik ang paligid pero ramdam ko talaga na may paparating.

"Oo nga souven umurong na lang tayo" pag sang ayon sakin ni eitsy na animo'y takot na takot.

"Umurong? Diba wala sa bokabularyo natin ang salitang yan? Chaka guys ito ang pinaka astig na napuntahan natin kaya guys gumala gala muna tayo. I think magandang mag pahinga muna roon sa punong iyun at mag selfie na rin tayo roon para remembrance" pag pigil nya.

"God i'm just dreaming" Natatarantang sabi ni veany habang sinasampal sampal ang sarili.

"Ow guys. Wag nga kayong duduwag duwag dyan!" Sumbat sa amin ni souven.

"Pero souven hindi naman ito ang inaasahan nating mangyare. Ang balak natin eh pumasok sa kuweba at lumabas ng buhay para patunayan sa iba na hindi ito delikado. Wala naman sa plano natin ang pumunta sa kakaibang lugar na to gamit ang parisukat na lagusan na yan!" Wika ni grew.

"Fine. Go away and leave me alone!" Pagtatampo ni souven.

Nag lakad ito patungo sa punong nakita kanina ni grew. Inilabas pa nito ang kanyang cellphone na basag naman ang screen at doon nag selfie.

"Guys.... Sandali lang naman kaya samahan na natin" 

Wala naman silang nagawa kundi ang sumunod kay souven at ganun din ako. 
At ngayon kitang kita ko na ng malapitan ang punong kanina'y tanaw ko lang sa malayuan. Berdeng berde ang dahon nito at buhay na buhay ang mga sanga nito.
Umupo si souven sa ugat nito at ganun din sila eitsy at veany habang kami ni grew ay nanatiling naka tayo. 

"Oh akala ko ba aalis kayo?" Pagtatampong tanong ni souven.

"Souven naman.. Kaibigan ka namin kaya hindi ka namin pwedeng iwan mag isa sa ganitong lugar" wika ni eitsy kasabay ang pagyakap kay souven na sinundan naman ni veany.
Ang drama talaga nilang tatlo. 

The King Key is MeWhere stories live. Discover now