the key of king is me
Chapter 4
Eitsy's POV
Boom.
Ngayon heto kami sa mabahong kulungan na ito na madilim. Eto kasing souven na to kung ano anong pinagsasabi kanina.
Damang dama tuloy namin ang napaka bangong amoy dito sa seldang ito. Buti nalang at kasama ko parin sina souven at veany sa iisang selda habang sina grew at dake ay nasa kabilang selda. Pare pareho kaming wala ng gapos at isa pa, meron ding kaming kasama dito sa selda hindi lang sila veany at souven. Iba't ibang babae ang naririto pero hindi sila madami. Halata sa kanilang itsura ang takot."Ugh. Souven naman bakit mo ba kasi sinabi ang salitang yun. Hay. Kainis." Pag rereklamo ni veany.
Nakayuko lang si souven sa isang sulok at na nanahimik.
Siguro nag iisip ito ng malalim."Souven? Are you okay?" Tanong ko sa kanya.
Kanina pa kasi sya hindi nag sasalita."She's definitely okay" pag sagot ni veany.
Minabuti ko nalang ding manahimik sa isang sulok. Marami kasing tanong ang pumapasok sa isip ko.Tama bang sumunod kami kay souven?
Paano nalang kung hindi kami makabalik?
Paano na si mommy na mayroong sakit?
Ako lang naman ang nag aalaga sa kanya dahil si dad ay nasa ibang lugar. Mayroon pa man ding malubhang sakit si mom.
"Kayo ba ang lumabas mula sa parisukat?"
Nagulat akong bigla. Mayroon kasing bumulong sa aking tainga na ikinatayo ng aking balahibo.
Bahagya akong umatras sa babaeng nasa gawing kaliwa ko."Y-yes" sagot ko.
"Kalahi nyo ba ang dalawang lalaking lumusot din doon?" Tanong pa nya ulit.
Hindi ko alam ang isasagot sa babaeng mala kawad ang buhok at mala ginto ang ngipin. Sobra din ang dungis nito."Sinong bang tinutukoy mo?" Tanong ko.
Tumabi ito sa akin pero umisod naman ako ng kaunti. Sumandal ito sa pader at tumingala."Ang lalaking bumihag sa aking puso." Sambit nya.
Medyo naguguluhan ako. Ang tinutukoy nya ba ay ang dalawang adventurer na si donald at taler? Edi ibig sabihin naka punta rin sila sa ganitong lugar? Pero nasaan na sila?"It's that mr. Donald and mr. Taler?" Tanong ko.
"Sila nga" sagot nya.
"Sino sa dalawa ang bumihag sa puso mo?"
Tumawa ito. Tumawa ito na parang isang mangkukulam."Ang donald kong mahal" hibang nyang sabi.
"So what happened to him?" Interesado kong tanong.
Tumigil na ito sa pag tawa at tinignan ako.
Creepy. Para syang baliw."Patay na sya" tugon nya.
Tumayo lahat ang balahibo ko ng sinabi nya yun."B-bakit? P-pano?"
"Pinapatay ng dating hari ang aking mahal"
Umiiyak na ito."Bakit?"
"Dahil kalapastanganan ang ginagawa nyang pag patay sa isa sa mga kawal ng hari" madiin nyang pag kukuwento.
"Can you tell the whole story?" Tanong ko.
"Ang kabuuan istorya?" Pag uulit nya.
Tinanguan ko lang ito at umayos ng upo para maipakita sa kanya na handa na akong makinig."Ang lugar na ito ay nababalutan ng kung ano anong elemento. Alam kong naka amoy rin kayo ng masangsang na amoy sa itaas gaya ng dalawang lalaking nag kwento sa akin. Dati akong bihasa sa agham at ngayon ay unti unti ng nawawala. Nung una ko silang nasilayan ako agad ang unang tumulong sa kanila. Hanggang sa nag tagal sila rito. Hanggang sa dumating ang araw na dinakip sila ng kawal. Naglaban sila hanggang sa napatay nila ang kawal at hanggang sa makarating ito sa hari hanggang sa ipapatay sila. Pinatay nila ang aking mahal. Kaya pinatay ko rin ang sakim na hari. Hahahahaha" pag kukuwento nya.
Weirdo. Ang gulo nya mag kwento.

YOU ARE READING
The King Key is Me
FanfictionThis is a Work of fiction.Names,Characters,businesses,places,events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coin...