Chapter One

121 3 0
                                    

Souven's POV
Ito ang biggest adventure naming mag kakaibigan and finally napag tagumpayan namin ito. Nakakangalay man sa binti pero amin itong nakayanan.

"I'm so proud of my self" mangiyak ngiyak na sabi ni veany. Isa sa aking kaibigan na kasama kong mapag-tagumpayan ang aming biggest adventure.

Pare parehong maputik ang aming mga rubber shoes at marumi na rin ang aming mga damit. Halos gutom na rin kami at uhaw but worth it naman dahil ang biggest goal namin na akyatin ang mantary mountain na isa sa pinaka mataas na bundok as in pinaka mataas talaga ay nagawa naming akyatin in just 10 hours. Kaya masayang masaya kaming lima dahil kami ang kauna unahang naka gawa nun, in just 10 hours na akyat agad namin ang tuktok ng mantary mountain. Sa totoo lang isa ito sa pinaka delikadong bundok sa lahat dahil sa kakaibang matutulis na bato nito na madadanan mo once na umpisahan mong akyatin ito. Sobra rin ang taas nito kaya yung iba inaabot ng two or three days bago maakyat ito. Madalas wala ng nakakabalik sa tuwing inaakyat ang bundok na iyun dahil sa may kakaiba raw rito like merong mababangis na hayop pero wala naman kaming nasaksihang ganon siguro ay kathang isip lang ng iilan yun para takutin ang mga nagbabalak umakyat sa mantary mountain. 

"Ang saya saya ko talaga. Another adventure nanaman ang ating napag tagumpayan" masayang sabi ni eitsy.
Habang sila ay nag sasaya at nag da-drama ako naman ay naupo sa isang tabi habang hinihingal hingal pa.

"This is for you grandpa" may ngiti sa labi kong sambit kasabay ang pag hawak sa kuwintas na nasa leeg ko na may pendant na susi.

"Hey. Souven? Let's celebrate" Sigaw sa akin ni dake. 

"Let's celebrate for this achievement" Dagdag naman grew.
Tumayo naman na agad ako para lapitan sila. 

"Let's go" masayang sabi ko pero bakas parin sa aking tono ang lungkot.
"Souven.. I know you miss him" panlalambing naman ni eitsy sakin kasabay ang pag hagod nito sa aking likuran.

Hindi ko tuloy maiwasang mapa luha.
My grandpa was died. Namatay si grandpa last month, oo medyo matagal tagal na rin yun pero naririto parin iyun sa aking puso, parang sariwa pa ang lahat sa akin. Sya na lang kasi ang natitira sa aking pamilya na ngayon ay wala na. Pati sya iniwan narin ako, sumama na sya kina mom at dad na nasa heaven. Ilang araw din akong nag luksa nun. Hanggang sa dumating ang araw na narealize ko na nangako pala ako kay grandpa na lahat ng kakaibang adventure ay tatahakin ko. Dati na rin kasi akong adventurous halos lahat ng kakaibang adventure ay na pagtagumpayan naming magkakaibigan at dati kasama pa namin si grandpa noon but now he is gone. Wala na sya, namatay sya dahil sa heart attack. Wala naman na akong magagawa kundi tanggapin nalang pero bago pa mamatay si grandpa may ibinigay sya sa aking kuwintas na ang disenyo ay susi.

"Enough! Wag na nga kayong mag drama. Hindi ba kayo masaya na naakyat natin ang mantary mountain in just ten hours?" Pag basag trip ni grew.
Kahit kelan talaga basag trip ang grew na to eh. 

"Okay fine. Ce-celebrate na nga po eh" pagmamataray ko rito.
I just rolled my eyes.

"Okay follow me" pag prisinta ni veany.
Humirit na naman si veany. Piling leader eh.

No choice kaming lahat kaya sinundan nalang namin sya. Si veany lang naman ang palagi naming leader pag dating sa aming pupuntahan. Actually sya rin ang nag pa-plan sa bawat pupuntahan namin like mantary mountain, hilig lang kasi talaga namin ang kakaibang adventure.
May isang hindi kalayuang restaurant dito sa baba ng mantary mountain kaya minabuti nalang namin na doon nalang kumain dahil pagod at ngalay narin ang mga binti namin. 
Binalibag ko agad ang backpack kong walang laman sa kung saan bago umupo sa isang sofa na sobra ang lambot.

"Feel so good" 
Ipinikit ko ang aking mata at tumingala upang mag relax.

"Woooo"
Halos mag tayuan ang balahibo ko ng may biglang bumuga ng hangin sa aking tainga. Kaya napamulat ako ng mata. Tss.

The King Key is MeWhere stories live. Discover now