I was BORN

1 0 0
                                    

"Fernando kelan ba tayo pupunta ng hospital?! sakit na ng tyan ko!!" bungad ni nanay dahil humihilab na ang tiyan... ( isa ba akong diarhhea/diarrhea/djareha/diyariya???) sabay haplos sa namamaga at namimintog na isang buong kalabasa sa Tiyan nya.

napangisi si tatay (Alam ko yun may butas sa puson si nanay nung nangingitlog pa lang, ako yung laman telescope ko yun para makita ang labas) "ayos lang yan Linda, kaunting tiis pa at kumpleto na ang dabarkads ng pera ng ma-ilabas mo si dyuniur" (oh shit!! kakapit ako sa umbilical cord hanggat Hindi Kyle Angelo pangalan ko!!! ampangit ng Teodoro!konte na lang katunog na ng imbakan ng mga kaluluwa ng gulay at tinadtad na parts ng kung ano pa!)

huminga ng malalim si nanay at pakiramdam ko naman ay okay lang pero naihi ata ako ng isang libong taon... hay...ang gaan sa pakiramdam... ooopppsss teka aray NAY BAKT MO SINUSUNTOK TYAN MO??? TAO PO??? NAY???OUCH!!!ARGH ARAY!!;

"FERNANDO AYAN NA!!! LALABAS NA SI BABY!!!!" narinig Kong sigaw ni nanay habang umiihi ako... "NAY TEKA NAMAN MAMAYA SUNTUKAN TAYO IIHI LANG AKO WAG KANG MAOY!!!" sambit ko Pero talaga naman tong nanay ko eh may lahing warrior ata, panay suntok at hila sa akin, siguro ay nagbubugbugan na rin sila ni tatay kasi kahit ginugulpi ako ni nanay eh naririnig ko na nagsisigawan na sila ni tatay at maya maya pa ay may mga ibang boses na rin akong naririnig, si aling tasing, si mang berto at marami pa nakisali na din ata sa kuyugan.

ilang saglit pa eh naramdaman kong umandar ang sasakyan at mukhang mabilis ang takbo. wirdo pero rinig ko ang tibok ng puso ni nanay, malakas, mabilis at masakit sa tenga ko, naiiyak ako pero sige lang kasi lamog na katawan ko kahit si nanay injury na rin ata dahil sa pag kuyog ng buong barangay namin. ilang minuto pa ulit at narinig ko na nagsalita si tatay na malapit na sa hospital. hinimatay ako ng konte mga 5% lang kasi napagod ako sa digmaan namin ni nanay at pansin ko na pinipitik pitik pa rin ako pakonte konte.

"dito na tayo linda tara at dahan dahan lang, nurse tulong manganganak na asawa ko pumutok na panubigan!"

wala akong makita sa labas ngayon kasi kanina kaka suntok ni nanay sa akin eh nadiskaril ata laman loob nya kaya siguro nainjury din si mudrax! kaya patas lang kami hahaha

"kami na po bahala sa kanya sir, paki register na lang po muna si ma'am" wika ng nurse.

"sige po paki asikaso ng maayos asawa ko salamat" wika ni tatay at wala na akong balita pa, san kaya pupunta yun? duguan na si nanay at lupaypay na ako nakuha pa ni tatay mag lamyerda??!!

"Mrs. ready na po tayo ha, ako po si Doc Mendoza pag sinabi Kong hingang malalim at ire mag mala dragon po ha? wag tayo mahiya mga beastmode lahat dito" instruction ng doctor Kay nanay "crowning na po kaya madali lang ito, hihilahin ko na po ha 1...2...3... IRE MISIS MALAPIT NA SIGE IRE!" pabirong dagdag ng doctor. si nanay naman ay Panay din ang sigaw at tinawag pa ang mga kapitbahay naming nauna na yumao! kulang na lang siguro eh matrace pa ni nanay yung mga sinaunang ninuno ng lahi namin! eto namang doctor Panay hawak sa ulo ko at hila ng hila! sarap kaltokan! pero in fairness anlamig sa bunbunan ha panibagong ambiance... teka Parang ambaho!!! nasasakal ako pero hila pa rin si doc kaya medyo okay na, ilang saglit pa at narinig ko na nagsabi ang doctor "baby out at 9:15a.m! misis congrats po nanay ka na" pakiramdam ko isa akong premyo sa perya at nanalo ang nanay ko ng cute na kulay pink na sisiw!! wagas maka congrats ni doc! dahil doon naawa ako sa sarili ko at umiyak ng umiyak pero ang ganda pala ng boses ko pang opera, naramdaman ko naman na inaalo ako ni nanay pero naalala ko bigla yung kaninang pang aabuso nya kaya iyak pa rin ako ng iyak at may simpleng tadyak at suntok pa, MAOY KUNG MAOY!!!

"Hi Theo, ako ang mommy mo ha tahan na anak, i love you" pag aamo ni nanay

sa isip isip ko lang, "adik ata tong nanay ko eh lakas trip, matapos makipag buno sa barangay at sa akin eh mala anghel sa bait ngayon! kainis pero sige bati na tayo di kita ipatokhang kahit adik ka nay. at may epal na nurse na kinuha ako at inilayo sa nanay ko, ipapamigay ba ako?? wala ako nagawa kundi umiyak na naman at manlambot, sabi na nga ba adik to si nanay eh sagaran ata. kung ano ano ang ginawa sa akin ng babaeng nurse, binasa, tinuyo, tinusok, at kung ano ano pa! sarap pompyangin!!! di pa nakuntento inilagay pa ako sa kulungan at nariinig ko na may mga umiiyak din, naguusap sila at kanya kanyang tawag ng nanay ang sigaw nila, tahimik lang ako at nakikinig sa mga daing nila sa buhay, yung katabi ko ay pasimpleng sumitsit sa akin kaya kinausap ko na rin

"bakit ba? maka sitsit ka kala mo close tayo ha" sabi ko na naiinis "nasan ba tayo bakit nila tayo hinuli at inilayo sa mga nanay natin?" dagdag ko

"Ewan ko ba, ang balita ko gagawin daw tayong parang daing kanina pa nga ako matutuyuan eh dahil sa ilaw na to! takas tayo pag wala mga nakabantay na mga mad scientists na to" sagot ng katabi ko

bahagya akong kinabahan "ayaw ko matuyo noh di ako masarap idaing! takas tayo! parusa to, child abuse!!!" galit Kong sinabi

"saan mo ako dadalhin!?! TULUNGAN NYO AKO!!!" hiyaw ng kasunod kong bata hawak sya ng isang babaeng mad scientist! kinabahan ako, dinig ko na umiiyak pa din ang sesentensyahan na siguro na kasunod ko "MAAWA KAYO SA AKIN" sigaw nya habang papalabas ng kulungan

"pare!" agaw pansin ng katabi ko "mamarderin tayo isa isa dito, Laban tayo!" dagdag nya na animoy ninenerbyos na rin. ako man ay natatakot na din, at ilang saglit pa ay nag umpisa na kami umiyak

"bingihin natin sila sabay sabay tayo umiyak mga kapatid!" mungkahe ko at ganun na nga ang ginawa namin kanya kanya kami nagpataasan ng boses! epektib siguro kasi lumabas ang dalawa pang mad scientist!

"NAGAWA NATIN! PARTY PARTY!!!" hiyawan namin sa loob ng kulungan

"alert tayo guys ha pag may pumasok ulit, paputokin natin eardrums nila para walang makuha sa atin" sabi ng isang maitim na kulot na kasama ko

nagsaya kami sa loob at nag kwentuhan ng buhay buhay, halos parepareho kami ng storya, kinuha sa nanay, kaya nangako kami lahat na poprotektahan ang isat isa. ilang saglit pa ay bumalik ang mad scientist na kumuha at pumatay sa babaeng kasama namin kanina, walang kumibo sa amin,naghihintay kami umataki ng malala, nakikiramdam

"aba mga behave na ang mga babies ha, very good" sabi ng mad scientist ng biglang

"GUYS ATTACK MASAMA BALAK SA AKIN!" sigaw ng nasa dulong kasama ko kaya umataki kami pinilit namin bingihin kaso deadma si madam! panay sigaw namin

"guys please help binubuksan nya na kulungan ko yari na! may agimat ata isang to!" nerbyosong sabi ng nasa dulo

maya maya pa ay binuhat sya at tinangay palabas

nanahimik kami,nanlalambot, isa na naman ang nawala kaya nawalan kami ng pag asa, ilang saglit pa ay pagluluksa at hinaing na lang ang nagawa namin.

"pano na kinabukasan ko" pabulong Kong sinabi sa sarili, naisip ko ilang saglit ko pa lang dito ay mapupunta lang sa wala...

sa pagod ko ay nakatulog ako at wala nang pakialam pa... i quit!

MY ANGEL OF MUSICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon