matapos ang music class ay biglang sumama ang timpla ng sikmura ko kaya naman naisipan ko nang umuwi agad, hindi ko na hinintay si tatay dahil nga di ko mawari kung pawis ba o nawasa na ang lmalabas na tubig sa katawan ko. agad akong sumakay ng motor ko at kahit walang helmet ay tumawid ako ng kalsada at ipinark ang motor sa bahay saka kumaripas ng takbo. sobrang dalawang hininga ang nasayang ko bago ko namalayan nakaupo na ako sa toilet at nag vigil na sana di na maulit ito. tagaktak ang pawis at halos manginig ako kakaire!
nagtaka ang nanay ko kaya dali dali itong kumatok sa pinto ng banyo at nagtanong.
"nak... anak... ayos ka lang ba? may problema ba??!! baka pwede tayo mag usap ina sa anak!??!" medyo concerned ang boses.
ano ba naman to napagkamalan akong problemado!!!ay anak ng tungaw! di tuloy ako makapag concentrate!! sa isip isip ko. nang walang nakuhang sagot si nanay ay nagsalita sya muli kasi siguro akala nya ay umiiyak ako sa banyo.
"anak hawak ko ang susi ha bubuksan ko ang pinto wag kang..." natigil sya ng sumagot ako.
"NAY!! masakit tyan ko di ako maka concentrate katok kayo ng katok nauudlot!!!" pawisan kong sagot
"ah ganun ba pasensya na ha akala ko may problema ka eh, ganyan talaga pag masakit tyan, parang pag ibig! pag hindi sapat eh relax lang ang puso, kapag sobra naman ay tila sasabog!" sabi ng aking mahal na ina.
natawa ako na napasimangot sa banat ni nanay! "ang o.a mo nay, di ako maka concentrate!" dagdag ko.
"o sige aalis na ako at maghahanda ng tanghalian, maghugas ka ng kamay, wag kang dirty!" pabirong sabi ng nanay ko na natawa sabay alis.
hay salamat at gumaan din pakiramdam ko... feeling ko ay nawala lahat ng lakas ko at tuyong tuyo ako at gusto ng sobrang lamig na tubig kaya pagtapos ko mag sarili at humingi ng patawad sa lahat ng nakain kong karne ng kung anong hayop ay nag ayos ako ng sarili at naghugas ng kamay saka pumunta ng kusina. nadatnan ko si tatay doon at si nanay na kumakain na kaya kumain na rin ako.
"oo nga pala linda, nakapag bayad na ba ng kuryente? eh sa carwash natin nabayaran na rin? yung mga tauhan natin maayos ba na nagtatrabaho? hindi naglilikot ang kamay?" sunod sunod na tanong ni tatay kaya napasagot ako nang di sadya.
"tay naman! kung bala lang ng baril mga tanong nyo, kanina pa nakabulagta si nanay, halos di kayo huminga sa pagtanong eh! easihan nyo lang!" sabi ko sabay baling kay nanay "sumagot ka nay!" at nung sumagot nga si nanay ay halos pareho kami ng sinabi ni tatay "aba at sasagot ka pa!" kaya nagtawanan kaming tatlo. proven nga na abnormal ang pamilya ko.
natawa ang mga magulang ko at maayos kaming kumain habang nagkukwentuhan.ibinalita din ni tatay sa akin na may chance ako maging 8th to 10th honor ngayong awarding ng mga honor students na ikinagulat ko naman kasi ang alam ko lang eh hindi ako yung klase ng tao na hindi kaya magka honor pero shocking event yun, AKO? SI TEODORO DANILLO SUARTE mabibigyan ng dangal? wow ha bago yun! di ko inakala kaya laking tuwa ng magulang ko at ang kamay nila ang aking ilaw,at ang nanay at tatay koy di malaman ang gagawin, minamasdan pati pagtulog ko hahaha joke lang ka freddie!natuwa ang mga magulang ko at syempre proud ako kaya ipinangako ko na susubukan kong mag aral ng mabuti. nangako din naman ang mga magulang ko na ibibili ako ng bagong motor pero sabi ko ay di na kailangan kasi mahal ko si jumpee kahit pupugak pugak na sa katandaan (motor pa kasi ni tatay noon bago nagka kotse) eh inaalagaan ko naman si jumpee, kaya nagsuggest si tatay na ipa repaint at palitan ang mga parts sa medyo bago para mas gumanda.kaya ayun na lang ang pinili ko tutal naman daw ay hindi ako humiling sa kanila tuwing birthday ko kaya napa oo na lang ako bilang respeto sa gusto nila iregalo. habang kumakain ay naitanong ni tatay ang lovelife ko. natawa ako syempre kasi wala akong itatago at pangalawa wala akong nobya,bata pa ako at hindi nagmamadali na maging ama habang highschool. habang tinatanong ako ni tatay ay naisip ko na naman si Liza, yung nangyaring banggaan namin kaninang umaga, yung nakita kong nakatitig sya sa akin sa p.e, yung tinitigan ko sya sa science class at napatulo nya laway ko, at agad ko iwinaksi yun sa isipan ko. di ko alam kung nahalata ba nila nanay at tatay ang saglit kong katahimikan pero wala akong paki basta ako kumakain at hindi nananaginip. kumuha ako ng tubig sa pitsil at isinalin sa baso ko at uminom, hay ang sarap, anlamig!! kasarapan ng inom ko ng narinig kong wika ni tatay na nagturo sa akin na ang gusto nyang maging girlfriend ko ay si Liza Santos! tila may hangin na humarang sa esophagus ko at bigla akong natalamukan kaya tumalsik ang tubig na iniinom ko sa plato ko at karamihan sa mukha ko, HILAMOS!!! "TAY!" ang tanging nasambit ko.
"bakit? maganda naman si liza, mayaman din tsaka cheer captain pa tapos ang sabi ng tatay nya na kumpare ko eh plano mag college sa private school dito sa maynila at maging cheer captain ulit para sa scholarship, nursing ang kukunin nya sabi ni kumpare" wika ng aking ama.
"tay wag ipilit, di ko crush o gusto si liza! ang hirap kaya timplahin nun!" sabi ko kay tatay
"bakit?!ano ba sya? tao o powdered drink?!" biro naman ng aking nanay"haluan mo lang ng tubig at ice! o kung 3 in 1 sya mainit na tubig lang yan okay na!" dagdag pa nito
"ay nako nay!puro ka biro eh! sabihin nyo lang kung binubugaw nyo ako maiintindihan ko naman eh!" sabay tawa ko. natawa na rin ang mga magulang ko.
matapos mananghalian ay bumalik na kami ni tatay sa school at pagkatapos ng apat na oras ay umuwi na rin ako at nagpahinga. si tatay ay alas siete pa umuuwi kasi madami pang lesson plan na ginagawa. kami ni nanay ang madalas sa bahay pagsapit ng alas kwatro.
pag wala na akong ginagawa pagsapit ng alas siete ng gabi ay nasa kwarto na lang ako, naka connect ang laptop sa portable studio mic, nakabukas ang smule application at doon ay nagpapalipas ako gumawa ng collab or maki collab sa mga subscribers din ng nasabing app para marelax ako. may mga contests din doon pero never pa ako sumali. ang akin lang ay maka kanta ako sapat na. wala akong proper training pero sa school ay madalas akong kumanta, expertise ko lupang hinirang! madami nagsasabi magaling akong singer.may mga followers din ako at ako ay may mga sinusundan din kaya iyon ang naging libangan ko araw araw simula ng matagpuan ko ang application na yun.
pagkatapos ko kumanta ay nagbabasa naman ako sa wattpad upang magpaantok. kahit ano lang binabasa ko, may mga horror, may fantasy, at kung ano ano pa. habang nakahiga at nagpapaantok eh bigla na naman pumasok sa isip ko si liza, yung eksena kung saan ko sya nabangga. yung ganda nya,at yung pagtatalo namin kanina sa hallway, iyun din yung first time na nakausap ko sya pero sa pangit na paraan nga lang but atleast nakausap ko sya... crush ko na nga ba sya? inukitan ba ni kupido ang walang hiya kong puso at nadamay ang atay ko kaya nagka pangalan ni Liza Santos? ano ba talaga teodoro danillo? well, kung tinalaban nga ako edi ready ako maging kuto, sya ang liza hahaha uy bumanat ang utak ko!!!. maya maya pa ay naramdaman kong mahapdi na ang mga mata ko at akoy antok na, kapag antok na, lights off at ready na kinabukasan. wag lang mang gising si nanay ng pagka aga aga dahil tawid kalsada lang ang school at pwede ako pumasok ng alas siete! good night world!
BINABASA MO ANG
MY ANGEL OF MUSIC
Teen Fiction"fantasy? puppy love? chick-flick? horror? drama? katangahan ko sa buhay? unexpected brain-fart? being Tom? being gay? being masculine? shit-head highschool cheer captain boyfriend? OMG!! AKO NA LAHAT!"