kinabukasan, alas sais ng umaga ay dilat na ang mga mata ko, akala mo naka drugs sa sobrang laki at ang eyebags? WAW malala! naawa ako sa mga maleta ng mga mata ko,pakiramdam ko isa akong goldfish sa sobrang laki, pili kayo kung yung mata o eyebags ang malaki!
"morning nay, tay..." walang kasweetan kong pagbati sa kanila sabay dampot ng tatlong pandesal na may palaman na hotdog at lettuce na may mayo. kumakain at derederetsong lumabas ng bahay at iniwan si jumpee sa garahe ng carwashan at slowmotion na tumatawid ng kalsada patungong gate ng school. sukbit sa balikat ang bag, hawak ang i.d at ang dalawa pang tinapay. hindi agad binuksan ng guard ang gate.nagtaka ako at nagsuplado
"sir di talaga kayo pwede pumasok po" pagmamatigas ng guard
kulang na lang isampal ko sa pagmumukha nya ang id ko na pinapakita ko na parang isang chapa!
"bakit ba? may i.d ako,estudyante ako dito! anong problema mo guard?" galit kong tanong at may nagpasintabi na grader sa may gate, umurong ako ng konte para makapasok sya at himala pinapasok sya ng guard. unfair yun sa akin, yung bata nakapasok, ako hindi? ano to joke?!
"sir maaga pa po may oras pa kayo" sabi ng guard sa akin.
aba at talagang nagmamatigas si kuya guard ha!
" papasukin mo ako ayaw ko ma-late sa klase!!!" halos magwala na ako sa may gate. narinig ko tinawag ako ni tatay kaya napalingon ako at nagtanong kung bakit.
"maligo at magbihis ka muna anak naka pajama ka pa!" sigaw ni tatay
umikot bigla ang mundo ko at dahan dahan akong napatingin sa suot ko! OH MY GULAY! NAKAPAJAMA NGA AKO! PANO NA??!! KAHIHIYAN KO TO KAILANGAN LUSUTAN!!
"Congrats kuya guard! ngayon alam ko na pwede ka pang night shift, hindi basta basta nagpapa pasok hanggat hindi ka tiwala!" sabi ko sabay tawid pabalik ng bahay.
"oh ang aga mo umuwi? ipaghanda na kita ng tanghalian?" pabiro at natatawang wika ni nanay
napakamot ako ng ulo sabay lapag ng bag sa upuan ng hapag kainan at derechong umakyat ng kwarto,kumuha ng twalya at naligo. pagkatapos ay nagbihis na rin ako sabay kumain ng matino para magising ng tuluyan.
ilang saglit pa ay umakyat uli ako ng kwarto, nanalamin at nag spray ng paborito kong pabango, clinique happy sabay larga sakay ni jumpee.si tatay ay nauna na sa akin sa school. as expected late ako for first class kaya nabigyan ako ng red form na nakalagay -10 for overall grading system. kung saan naman candidate pa ako sa honors list saka pa naumpisahan ng malas. nag quiz kami sa physics which is the first subject pero malapit sa itlog ang total score ko. matapos ang 1st subject ay may excused practice naman ako sa swimming team, okay nung first lap, nung isinalang na ako sa second lap napulikat isang leg nung third muntik nalunod kasi dalawang legs ko na ang nanigas kaya bench guy ang labas ko, di ko tuloy alam kung maaawa si coach para piliin ako for city meet. captain pa naman ako ng swim team. gunaw na kalahati ng mundo ko. third subject is arts, nagpepainting ako for semester project at isang kulay na lang ang iaapply ko sa masterpiece na paradise, kung saan ang main design eh ang halaman na birds of paradise at background design ay si adan at eba, saka naman aksidenteng nasagi ni ken ang grey na pintura sa painting canvass ko kaya nagmukhang forgotten paradise ang painting! napalayas sa pangalawang pagkakataon ang dalawang unang tao. nauwi tuloy ang work of art ko sa kalabaw tapos may sakahan at bahay kubo sa gilid! so elementary!
nung recess nabuhusan ko naman ng sabaw ng mami simula singit ko pababa sa sapatos ko kaya tiis amoy patis sa room at ako naman ay tila sakang na naglalakad kasi namimintog sa hapdi ang singit ko hanggang tuhod!
"pare ano ba nangyayari sayo? careless ka gumalaw kagwapong tao balahura?" tanong ni jb habang iika ika ako naglakad ng mabagal papuntang gate
"ayos, 5'6, 5'8 ang lakad ngayon ha! patag naman ang hallway bakit dating sayo bako-bako?!" biro naman ni ken
BINABASA MO ANG
MY ANGEL OF MUSIC
Teen Fiction"fantasy? puppy love? chick-flick? horror? drama? katangahan ko sa buhay? unexpected brain-fart? being Tom? being gay? being masculine? shit-head highschool cheer captain boyfriend? OMG!! AKO NA LAHAT!"