REUNITED

1 0 0
                                    

Halos matagal din akong nakakulong at isa isa na kaming sinentensyahan. habang tumatagal pakonte kami ng pakonte, Maya Maya pa ay lumapit sa akin ang mad scientist, eto na, oras ko na, "kayo na bahala sa akin po" dasal ko sa isip ko, di na ako umiyak wala na eh, paglabas ng kwarto ay narinig ko ang pamilyar na boses ni tatay!

"OMG TAY!SAVE ME SAPAKIN MO TONG HALIMAW NA TO!!" masaya kong atungal naiyak ako dahil di ko inasahan ililigtas ako ni tatay, agad nya akong kinuha at pakiramdam ko ay nagkaroon muli ng puwang ang buhay ko.

"ang gwapo ng anak ko!" masayang sabi ni tatay sabay ngiti (kita ko pustiso ng bahagya eh hehehe) nakikinig din lang ako nakikiramdam. di ko maaninag mukha nya pero ligtas na ako.

"tay muntik na ako matodas dun ha inisa isa kami eh buti na lang dumating ka! idol na kita tay anlakas mo astig!" sabi ko Kay tatay

"oh bakit?panay tingin ng baby ko ha? ako si tatay, achuchuchu gwapo gwapo manang mana sa akin! punta tayo kay nanay ha para bukas uwi na tayo sa bahay" pangako ni tatay sa akin

ilang saglit pa at narinig ko na ang boses ni nanay at may mga kasama pa sa kwarto, Ewan saang planeta galing mga yun di ko sila kilala, Panay puri lang at panggigil ang ginawa, kanya kanya ng papuri na cute, gwapo, puti, tangos ng ilong narinig ko. well, i know right?! kahit naman ang ordinaryong daga pag bagong panganak cute, mamula mula, ako pa???

"nay oh si  Theo hinahanap ka na" wika ni tatay habang iniaabot ako Kay nanay.

dun ko muli naramdaman na ligtas na ako at excited na para umalis sa lugar kung saan muntik na ako lagutan ng hininga, atakihin sa puso at mawalan ng future! nagtatampo ako Kay nanay kaya ayaw ko pa dumede, pakipot ako eh, hanggat di nawawala tampo ko di ako iinom ng kahit dugo na lumabas pa sa Dede ng aking inay... kkkkkrrruuuugggg... mamaya di ako dedede,ngayon okay lang gutom na ako eh.

kasagsagan ng tulog ko ay bigla ako nagising konteng pacute sabay iyak, si nanay naman ay agad na nakaramdam at ginising si tatay, ipinakuha ako sa kuna at binilin na iabot kay nanay sabay alok ng dede.

"HUNGER STRIKE TO NAY WAG KANG ANO PO!" galit na sabi ng utak ko kaya hindi ko pinansin ang alok ng aking ina ilang saglit pa ay sinipat nya ang suot kong cute na shorts na gawa sa mamahaling papel na may malalambot pang papel at bulak at hayun, alam na ni nanay ang dahilan kaya hinabilin kay tatay na palitan ang suot ko at itapon.

sa isip isip ko, mayaman si nanay, pwede labhan yun at magamit, o kaya ay pagka laba, idonate sa ibang may gusto para tipid o kaya ibigay sa walang masuot na mamahaling bagay!pero naisip ko na hindi praktikal na tao ang nanay ko, gusto nya ay puro tapon ng nagamit ko na kaya inintindi ko na lang kaso sayang eh.

"halika theo palitan kita ng diaper ha para presko naman ulit!" sabi ni tatay sa akin

"diaper pala yun tay? labahan mo na lang tapos idonate kung ayaw nyo na pasuot, pasko naman, give love tayo at mag reach out!" sabi ko kay tatay pero mukhang bingi ang tatay ko di ako narinig o naintindihan!!! gets ko kasi pagkatanggal nya ng suot ko eh narinig kong bumukas ang de lata na mabaho pa sa amoy ng ihi ko nung nasa katawan pa ako ni nanay.

naisip ko tuloy, im born with silver spoon in my mouth, alta sosyodad ang kuya nyo, o kaya naman ay talagang ganun sila tatay, pagkasuot ng mga nagamit na, itapon na lang para wag na mag laba, sa bagay bawas trabaho yun!! hay sarap maging rich kid!!! pag laki ko gusto ko maging batugan! katulad ni nanay at tatay, tamad maglaba pero batugan man eh mayaman naman!

kinabukasan eh ayun tuluyan na namin nilisan ang hospital at nakauwi na nga sa bahay. maingay oo, kasi naririnig ko sigawan nila aling tasing pero ayos lang. maganda at masaya naman buhay ko eh kain tulog ang gawa... habang tumatagal at lumalaki ako, lalo akong pumuputi, ang mga mata ko ay nagiging sky blue ang kulay at ang buhok ko simula bata ay kulay abohin.naging tampulan din ako ng tukso ng ibang bata kaya nagkaroon ako ng insecurities at hindi masyado nakikipag laro sa hindi ko naman talaga mga kaibigan. nagkaroon din ako ng imaginary friend na ang pakilala ko sa sarili ko sa kanya ay kyle. sya naman eh ang pangalan nya ay si puti kasi maputi din sya at ayaw nya din sabihin pangalan nya. 8yrs old ako ng naisipan ng magulang ko ipasuri kalagayan ko, pumunta kami ng doctor at sinuri ako,halos ilang oras din kami doon. wala naman daw akong sakit, di naman albino (mabuti na lang) di rin alien! natural na ganto daw ang ichura ko, rare cases daw talaga na magkaanak ng kakaiba. kaya nawala ang takot ng nanay at tatay ko na baka may sakit ako. kaya naman nalaman ko din na normal ako, wala nang mambubully sa akin.

"nay kain tayo sa jollibee? o kaya mcdo na lang!" request ko kay nanay at si tatay ay napangiti lang.

"anak naman wala ka nga sakit diba!?!" pagbiro ni nanay

agad naman ako napatingin sa mga magulang ko at agad din ako nakaisip ng kalokohan

"pag may sakit lang ba pwede? eh halos mamatay na ako sa gutom nay! kawawa naman kaluluwa ko pag nagkataon! kayo madami na nakain na jollibee o mcdo, ako konte pa lang...wala ba kayo awa nay?tay?pano naman ang tyan..." bigla ako natigilan dahil nagtawanan na ang mga magulang ko

"anliit mong tao andami mong alam, oo na jollibee na" wika ni tatay

tuwang tuwa ako sa narinig at binigyan sila ng mala pusa na pacute.

AFTER 15 YEARS...

knock... knock... knock...
" theo gising na! may pasok ka pa!" pambulabog ni nanay sa pinto ng kwarto ko

"opo...5 minutes nay!" sagot ko

habang papalayo ng kwarto si nanay ay dinig ko ang reklamo nya sa buhay "tong bata ka talaga kung di ka pa gisingin di pa magkusa!"

umupo ako sa kama at nag inat,napatingin ako sa cellphone ko "alas quatro y medya". tumayo ako at wala pa sa isip ang ginagawa,kinuha ko ang twalya at panloob na damit para maliligo na sana ng biglang...
"teka nga! 4:30 pa lang?!! aga aga pa nito ha?!" napakamot ako ng batok.
"nanay ko talaga makapang gising akala mo isang daang milya lalakarin ko eh! haist..." bigla ako umupo sa kama at nahiga, pumikit baka sakali makaidlip pa ng konte.

maya maya pa ay tumayo na rin ako at nag umpisa magprepare para pumasok sa school. Harrold's Montisorri ako nag aaral at nasa kalagitnaan kami ng semestre, tuwing umaga, ako at ang partner kong si liza ang naglelead ng morning prayers, flag ceremony at ako na rin ang lead para kantahin ito, well simula kasi elementary ako ay bukod sa ako lang ang estudyanteng puti ang ulo sa lahat ng nagaaral dun eh ako ang paborito pakantahin ng mga teachers ko kaya nanawa ako sa pagiging artistahin sa school, wag kayo kokontra nasa cover ang picture ko kaya maglaway kau hahaha joke lang. ayun na nga, laging ganun ang routine ko,naisip ko nga pag grumaduate ako eh ang award ko ay dalawa
1. Prayer leader of the year
2. Julian Felipe award for best lupang hinirang rendition

diba ang gara!! pero yung mga best in best in na academic awards?? wala ako nyan, best in kalokohan, recess na maam coordinator tsaka gawad uwian yan sa akin sigurado na yan mapupunta!

kaya naman pagkababa ko agad ng hagdan eh umupo ako sa hapag kainan para mag agahan, nagkakape na si tatay at nakahanda na rin pumasok sa school, teacher sya dun,sa school ko kaya naman alam nya kapag maloko o pilyo na naman ako,may isang beses na naging teacher ko sya nung elementary, sabi nya kopyahin daw namn isusulat nya,kanya kanya na naglabasan ang mga notebook,ultimo ba na may power ang tatay ko mang hypnotize, ako naman nagcecellphone, sinaway ako ni tatay pero di ako nakinig, sabi ko lang ipapa photocopy ko na lang mga lesson plan nya, ayun, hinigh blood ang tatay ko dahil sa inis kaya vacant ang klase namin, pinagpipilitan kasi magsulat ako eh ano ginagawa ng photocopier? ayan highblood tuloy, marami pang kalokohan ako na surrender ang tatay ko pero di naman palagi, sa klase namin na sya ang nagtuturo ng two hours siguro 5 minutes doon matino ako, the rest bahala sya mag ngawa. di ko lang pwede ibagsak lahat ng grades ko kasi sigurado either ako ang patay o sila ni nanay ang kakanti sa akin! may takot din ako syempre noh. sabay kami nag agahan ng tatay ko at sabay na rin kami na pumunta ng school, nakamotor. tatawid lang ng kalsada katapat na ng school namin. pagod kaya mag lakad!!!

MY ANGEL OF MUSICTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon