maaga pa kami ni tatay sa school dahil ayaw namin ma-late, tawid kalsada lang pero maaga pumapasok. habang inaayos ko sa pagkaka park ang motor ko sa parking lot sa tapat ng bahay ay nagbilin ang tatay ko sa akin, abala sya sa pag hubad ng helmet,ako naman ay nilock ang motor at tumingin sa kanya habang tinatanggal din helmet ko
"huwag ka na naman magpasaway ha baka mamya magsumbong na naman mga teacher mo sa akin" bilin ni tatay " makinig sa lesson at wag panay barkada at yung girlfriend ang asikasuhin" pahabol pa nya
"saulado po" sagot ko
napakunot noo si tatay "anong saulado?" tanong nito
"tay saulado ko na yang mga linya nyo halos araw araw kada parking yan agad sasabihin nyo po, ibahin nyo naman tay tsaka wala akong girlfriend! chismis lang yun,gwapo kasi ako kaya madami umaangkin!" sagot ko na nakangiti, kumamot naman ng ulo si tatay dahil inulit ko word per word ang bilin nya at sinabing magiging pamalit na yun sa panatang makabayan ko
"loko tong batang to ha! teodoro!" nakatingin na tawag ni tatay habang nasa ulo ang kamay. ako naman ay nanakbo at tumatawa
sa pagtakbo ko papaliko ng hallway ay nabangga ko ng di sadya si Liza at pareho kaming napatumba sa sahig, magkapatong kami at ang mga kaibigan ni liza na sina jannette at louise ay nagulat at kalaunan ay napahagikhik. at sakto din na papunta sa direksyon namin ang dalawang kababata ko na kaklase at barkada ko din. walang ano ano ay natukso tuloy ako.
kami naman ni Liza ay ganun pa din ang posisyon at nagtama ang mga mata, parehong gulat at tulala. maya maya pa ay bigla nya itinulak balikat ko at umupo,napahiga naman ako sa sahig.
"theo naman aga aga nangiinis ka!di ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" inis na sambit ni liza.
natulala ako at kalaunan ay sumagot "kung di ka humarang edi di ka sana mababangga!" galit ko ding sinabi
nagkantsawan ang mga barkada ko at sinabing "LQ LQ LQ"
Humagikhik naman ang dalawang kaibigan ni Liza at namumula
"EWAN KO SAYO DAMI MO ALAM TANGA KA NAMAN!" galit na sinabi ni Liza, na ngayon ay tumatayo na,ako naman ay tumayo na rin at pareho kaming nagpapagpag ng dumi sa uniform
"hoy ikaw ha, maka tanga ka kala mo napaka talino mo ha, puro lang naman cheerdance nasa utak mo,baka nga nung hinagis ka sa ere eh tumalsik utak mo sa kung saan at nagka lasog lasog! dyan ka na!" pasuplado kong sagot.
dahil sa wala ako sa mood mag lead ng prayer at kumanta sa flag ceremony eh nanigas ako sa pila ng section namin na akala mo bato kaya si Liza ang gumawa lahat kahit libag libag at halos magkapalit ang mga tono ng kanta.napapa ngisi tuloy pati mga teachers kasi bumigay ata pati megaphone speakers at amplifier ng school at pagkatapos ng kanta ay narinig namin ang principal na nagpasalamat at natapos din. ganun katindi si Liza mag beast-mode! pagkatapos ng madugong seremonyas eh naka pila na kaming umakyat papunta sa kanikanyang silid aralan. ang unang subject ay math, pumasok si liza ng pinto ng classroom at nagpalakpakan at tawanan ang lahat, nahihiya man ay natawa at kumaway na rin sya
"galing!" "operatic ang dating" "oo nga ooperahan kami lahat!" ang mga comment habang nagtatawanan. pati ang teacher namn ay natawa na rin at naki palakpak. todo ngiti si Liza na parang nanalo ng award ngayong araw. dalawang oras ang math class at kasunod ay p.e., kailanan namin magpalit ng p.e. uniform dahil ballroom dancing ang practical exam namin next week kaya matapos ang math subject, pumunta na kami sa basketball court at dumerecho sa locker rooms para magbihis.
habang nagsusuot ako ng jogging pants ay napag usapan namin nila jb at ken ang nangyari kanina sa amin ni liza
"bagay kayong dalawa tol" wika ni ken
"oo nga tol kanina lang namin napansin parang may gusto sayo si liza" sabi naman ni jb
BINABASA MO ANG
MY ANGEL OF MUSIC
Teen Fiction"fantasy? puppy love? chick-flick? horror? drama? katangahan ko sa buhay? unexpected brain-fart? being Tom? being gay? being masculine? shit-head highschool cheer captain boyfriend? OMG!! AKO NA LAHAT!"