Chapter 1

156 4 0
                                    

Authors Note:

Hello :3 So, I recommend na patugtugin niyo po lahat ng kanta na ilalagay ko po sa Media. Para po mas dama niyo yung scenes ng story. Sorry. This is my first ever story. Please bear with me. :)) You can leave comments. Thank you and enjoy reading :)

_____________________________________________________________________________

Isang kanta.

Isang kantang paulit-ulit na tumutugtog sa isipan ko.

Hindi ito mawala.

Hindi ko magawang hindi umiyak.

Sana hindi na lang nangyari yun.

Eh di sana nandito pa siya.

Nandito pa ang isa sa mga pinakamahalagang tao sa buhay ko.

Ang mommy ko.

>>FLASHBACK<<

Mayroon akong isang tahimik na buhay. Isang masaya at malaking pamilya. Music bonds my family. Kung hindi ka singer, composer o musician, siguro hindi ka nila matatanggap sa pamilya namin. Nag-iisang anak ako nina Robert at Carmela Gonzales. Si daddy, gitarista. Si mommy naman, pianista.Nagkakilala daw ang parents ko dahil sa music. Araw-araw silang tumutugtog ng mga masasayang kanta para ma-set ang atmosphere ng bahay namin. Sobrang sweet nilang dalawa palagi. Parang wala talagang makakapaghiwalay sa kanila. Sana ganan din yung maging asawa ko in the future. XDD

Ooooppsss. Ang bata ko pa para dun.

Tine-train ako ni mommy ngayon sa pagpapiano.

“Mommy, ano  pong ituturo nyong piece sakin ngayon?”

“Sa Ugoy ng Duyan, Lei. Ready ka na?”

“Ah. Okay po. Readyng ready na po! Ako pa!”

Tumawa si mommy at medyo ginulo ang buhok ko. Pero biglang naging seryoso kaagad ang mukha niya.

“Lei. Promise mo sakin na kahit mawala si mommy or si daddy, just stay strong ha. Pag nalulungkot ka, tugtog ka lang or kumanta ka. In that way, alam kong gagaan ang pakiramdam mo. Pag naman nasasaktan ka na, iiyak mo lang. Wag mong iintindihin yung sinasabi ng iba. Basta ikaw, iiyak mo lang yun. Hindi naman sila ang nakakaramdam ng sakit na yun di ba?”

Matipid na ngumiti ang mommy. Naguluhan at kinabahan ako sa mga sinabi ng mommy. Nginitian ko na lang din si mommy. Nagsimulang tumugtog si mommy. Nang biglang may nag-doorbell. Kaagad naman itong pinagbuksan ng mommy.

“Good morning po.”

“Good morning din po ma’am. Dito po ba nakatira si Mrs. Carmela Gonzales?”

“Yes. Speaking.”

“Ah. Eto po. May sulat po para sa inyo. Sign na lang po kayo dito.”

Nag-sign si mommy sa isang papel at umalis na yung lalaki. Biglang dumilat ang medyo singkit na mata ni mommy. Hindi ko pinansin yun at tumugtog na lang ng ibang piece na naituro na sakin ni mommy. Si mommy naman ay biglang nagtatakbo sa kwarto nila kung saan naroroon si daddy.

Simula noong natanggap ni mommy yung sulat na yun, tila nawala na yung sweetness nilang dalawa. Ang dating masasayang kanta ay biglaang napalitan ng malulungkot at mababagal na kanta. Inimbitahan pala si mommy na tumutog sa U.S. para sa isang gathering. At tutol ang daddy sa desisyon niyang tumuloy kaya naman nagka-away sila. Sa kabila ng ganitong sitwasyon, tinanggap pa rin ito ni mommy at umalis si mommy na magka-away sila ni daddy.

A Song for A Thousand MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon