Chapter 2

78 4 0
                                    

Lei's POV

Halos mag-aapat na taon na noong nawala si mommy. Medyo tanggap na ng pamilya namin ang nangyari maliban kay daddy. Patuloy niya pa rin kasing sinisisi ang sarili niya.

March 26 ngayon. Pero imbis na icelebrate ang birthday ko sa mga magagarang hotel o maghanda ng magarbo sa bahay namin at mag-imbita ng mga bisita, nandito kami ngayon ni daddy sa sementeryo. Death Anniversary kasi ni mommy eh.

“Mommy, andito kami ni daddy. Eto oh. Nagbake pa po kami ni daddy ng favorite nating cake.” Tumingin naman ako kay daddy para malaman kung ano ang itsura niya ngayon. At mukhang paiyak na naman siya. Bumigat tuloy ang pakiramdam ko. Ayoko kasing makikita si daddy na ganito. Nadadala ako sa pag-iyak nito at ayoko din namang umiyak dahil pinipilit kong magpakatatag para kay daddy.

Bigla namang humangin ng malakas. Rinig na rinig ko naman ang buntong hininga ni daddy. Alam mo yun? Yung parang pasan niya ang mundo. Tsk.

“Alam mo Carmela. Miss na miss nakita. Sana talaga pinigilan kitang umalis noong mga panahong iyon. Eh di sana nandito ka pa. Kasama naming natawa, kumakanta, kumakain. Eh di sana magkakasabay tayo ngayon magcecelebrate ng wedding anniversary natin at birthday ni Lei. Yun pala pati death anniversary mo, icecelebrate ng napakahalaga at memorable na araw na to. Sorry. Napaka-walang kwenta ko. Hindi ako naging responsableng asawa. Promise. Iingatan kong maigi si Lei. Hinding hindi ko siya hahayaang mag-isa. Hinding hindi ko siya hahayaang masaktan ng kung sino – sino lang. Sorry din kung hindi ko magagawa yung favor mo sakin na sinabi mo dun sa sulat na naiwan mo ha. Mahal na mahal kita eh.”

Kitang kita ko naman ang pagpatak ng mga luha ni daddy na nag-uunahang pumatak sa kanyang mga pisngi. Umiwas na lamang ako ng tingin para hindi ako maiyak. Kung nagtataka kayo kung ano yung sinasabi ni daddy na sulat, ganto kase yun.

Nagsulat pala si mommy sa diary niya noon nung mga habilin niya kay daddy kung sakaling mamamatay siya. Nahalungkat kasi ni lola yung mga gamit ni mommy nung naglinis siya nung kwarto nito.

“Robert,

          Kung sakali mang mawala ako, sana manatili ka pa ring Masaya. Salamat sa lahat ng mga nagawa mo para sa akin. Salamat kasi nakilala ko ang isang katulad mo. Sana palagi mong aalagaan si Lei. Siguraduhin mong palagi syang Masaya at sana makatagpo siya ng isang matino at ‘gwapong’ lalaki na katulad mo. Sorry kung nagkulang man ako sa iyo bilang asawa mo. Lagi ko kayong babantayan. Lagi mong tatandaan na ikaw lang ang lalaking minahal ko nang ganito. Mahal na mahal kita, Robert. Mahal na mahal.

          May isa lang akong favor sayo. Pag nawala ako, sana mag-asawa ka na lang ng bago. Pero, siguraduhin mong tanggap niya si Lei ha. Ipangako mo yan. At sana ipakilala mo siya sakin. At be sure na mabait yan. Pero, alam kong mas maganda ako kesa sa kanya. Yun lang.”

Kahit matagal-tagal na rin yung pangyayaring yun, parang feeling ko, kahapon lang nangyari ang lahat. Naiiyak ako kay daddy lalo na nung sinabi niya na hindi niya daw magagawa yung favor ni mommy sa kanya. Talagang mahal na mahal niya si mommy. Hinding hindi pa ren siya nagbabago.

Alam niyo yun? Yung ramdam na ramdam mo pa ren na mahal na mahal niya pa ren si mommy?

Sana makatagpo ako ng katulad ni daddy.

Nanatili kaming tahimik. Hindi ko din alam kung bakit nag-eenjoy ako ngayon kahit tahimik ang paligid. Feeling ko kase, buo ang family ko pag nandito ako.

After mga 2 hours, umalis na kami ni daddy at nag mall na lang. Cinelebrate namin ang anniversary nila ni mommy pati narin ang birthday ko. Nagpunta kami sa favorite restaurant namin at kumain.

A Song for A Thousand MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon