Chapter 6

44 4 1
                                    

Kuya AJ’s POV

I’m packing my things right now. Excited na akong umuwi sa Pilipinas. Miss na miss ko na kase sina mama at papa lalong-lalo na si Roizen. Pero may isa pang dahilan, Si Lei. Ang first love ko. Nakilala na siya ni Roizen kase kapitbahay pala namin sila ngayon.  Pero mukang bothered si Roizen nung sinabi kong first love ko siya. Pero sabi naman niya joke lang daw. Hayy di ko talaga makakaya kung yung kapatid/best friend ko pa ang maka-agaw ko sa isang babae. Magpaparaya’t magpaparaya talaga ako kahit sobrang sakit. Sana nga nagbibiro lang siya.

Roizen’s POV

Ayos lang na wasak ako, basta siya, buo.

Hindi talaga ako makapaniwala na iisa lang ang babaeng mahal namin ni kuya.  Hindi ko talaga kayang masaktan si kuya. Mahal na mahal ko siya. Kuya, sana iba nalang, sana hindi nalang si Lei.

Nandito ako ngayon sa court. May practice daw kami ng basketball kasama ang mga tropa ni Miriam. Pagkababang-pagkababa ko sa motor, nakita ko agad ang pinakamagandang babae sa buhay ko maliban kay mama, si Lei. Napangiti agad ako pero naalala ko bigla yung sinabi sakin ni kuya kaya nawala kaagad yung ngiting yon.  Hayyy. So complicated.

“Oi Bro!”

Bati kaagad sakin ni Cyrus, isa sa mga kalaro namin.

“Oh Bro. Musta na?”

Sabay brofist.

“Okay lang naman bro. Tara na dun.”

At lumapit na kaming dalawa sa mga kalaro namin. Kitang kita ko naman si Lei na nakangiti sakin. Kasama niya ang pinsan niya na si Miriam at ang bestfriend kong si Angel. Nginitian ko rin naman siya.

Nang matapos ang practice game namin, kaagad kong nilapitan sina Miriam. Pero, hindi na nila kasama si Lei. Tinawag daw kase ni Tito Robert si Lei. Ikinuwento ko naman kay Miriam at Angel ang napag-usapan namin ni Kuya kahapon. May plano akong naisip. Buti na lang umalis si Lei. Buti na lang talaga. Thank you Lord.

Lei’s POV

Si daddy naman eh, wrong timing. Eto ako ngayon at papauwi na sa bahay namin. Bigla kase akong tinawagan ni daddy at urgent daw ang pag-uwi ko. Hindi ko tuloy mapapanood si Roizen, my love so sweet. So landi. XDD

Nadatnan ko naman kaagad si daddy na nakaupo sa sofa. Nilapitan ko agad siya.

“Daddy, bakit ninyo po a---“

Pinutol naman ni daddy ang sasabihin ko.

Kailangan kong pumunta ngayon sa Korea. Kailangan ako ng company natin eh.”

“Ahh… Okay po.”

Yan na lang ang naisagot ko kay daddy. Eto na naman yung feeling na yun. Ayaw ko na sana tong maramdaman eh. Ayoko na kasing lagi akong naiiwan ng mahal ko sa buhay. Simula nung namatay si mommy, feeling ko, lahat na lang sila bigla na lang mawawala ng basta basta. Natatakot na akong mawalan ulet ng mahal sa buhay. Baka hindi ko kayanin.

Napayuko na lang ako. Bigla namang lumapit si daddy sa akin at niyakap ako.

“Anak, sorry. Alam ko ang iniisip mo. Sorry talaga. Para rin naman sa kinabukasan mo ito eh. Promise. Babalik si daddy ah. Babalik ako pag naayos ko na ulet ang problema sa kumpanya. May makakasama ka naman dito sa bahay eh.”

A Song for A Thousand MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon