Chapter 7

58 4 0
                                    

Lei’s POV

“Sino po?”

“Si Roizen de Ocampo.”

WHAAATTT???!! 0_0

Napatulala na lang ako sa sinabi ni daddy. Si Zen? Bakit??

“P-Po? Bakit po?” 0_0

“Kailangan din ang mama at papa niya sa kumpanya. Sila ang kasosyo natin sa negosyo natin ngayon eh. Malalaki na naman kayo pareho. Kaya nyo na yan. May tiwala ako sa batang yun. Hindi naman kita basta bastang pababayaan ng walang makakasama dito eh. Ituring mo siya parang kuya mo ah. Sorry talaga anak.”

“Okay po. Naiintindihan ko po.”

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Matutuwa dahil makakasama ko sa iisang bahay ang ang first ever crush ko. O malulungkot dahil sa pag-alis ni daddy. Sana maayos kaagad ni daddy yun. Sana naman bumalik si daddy.

Roizen’s POV

Ano kaya ang sasabihin nina mama at papa?

Pagkababang pagkababa ko sa motor, sinalubong na kaagad ako nina mama at papa. Nagmano naman ako agad sa kanila.

“Ma. Pa. Bakit nyo po a---.” – Ako

Pinutol naman kaagad ni mama ang sasabihin ko.

“Anak. Palit ka muna ng damit tapos usap tayo nina papa ha.” -  Mama

“Okay po.”- Ako

Nagpalit naman ako ng damit agad at pumunta na sa sala kung nasaan ngayon sina mama at papa.

“Anak. Kailangan naming pumunta sa Korea.”- Papa

“Bakit naman po, Pa?” – Ako

“May problema kasi sa kompanya eh. Kailangan kaming dalawa ng mama mo eh.” – Papa

“Ah. Okay po.” – Ako

“Uuwi rin naman ang Kuya AJ mo di ba? Oh. Eh di may mag-aasikaso sayo sa unang linggo na wala kami. Para lang makapag-adjust ka.” – Mama

“Sige po, Ma. Kayang kaya ko naman po ang sarili ko.” – Ako

“Makakapasok ka na den pala next week. Tinulungan tayo ng mga magulang ni Miriam na ma-process nang mabilis yung papers mo eh.” – Mama

“Yown. Kaklase ko po ba si Miriam?” – Ako

“Oo daw eh. Para daw may kabarkada ka agad.” – Mama

“Yown. Salamat naman.” – Ako

Buti na lang. Parang guardian angel ko tuloy si Miriam simula noong dito na kami tumira. Salamat Miriam.

“Sige po. Alis po muna ako. Punta po muna ako kay na Miriam.” – Ako

Paalis na ako nang biglang nagsalita si Mama.

“Anak. May kasama ka nga pala na babae pag umalis na kami. Mas bata siya kaya dapat ingatan at alagaan mo siya ah.” – Mama

“Sige lang po, Ma. Basta po magkasundo kami, ayos lang. Alis na po ako.” – Ako

At umalis na kaagad ako. Hindi ko na tinanong kung sino. Ah, oo nga noh? Nakalimutan ko itanong.

Wag na nga. Nakakatamad na bumalik.

A Song for A Thousand MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon