Chapter 2: Lunch?

1 0 0
                                    

Lunch?

Hindi kami masyadong close nina Camille at Janicca. Ilag pa rin ako sa kanila dahil masyado silang maiingay, im indeed different from them. Kung pwede lang mamalagi ako sa Library ay ginawa ko na pero meron akong klase. Lagi nila akong niyaya sa mga gala nila, magaling silang makipagsocialize kaya pati guard kaibigan na nila. Nakakalabas sila kahit kailan nila gusto lalo na't magpaparty, kahit pa gabi yun o gustong magshopping sa umaga.

Ayoko lang maattach masyado sa kanila, sa tagal ko na dito marami akong nakikitang mga back stabber. Hindi naman sa sinasabi kong ganun sila pero natatakot akong dumating ang araw na gawin nila yun sa akin. Wala akong trust issues, may nakita lang ako dating babae na narinig nya yung mga tinuturing nyang mga kaibigan na pinaguusapan sya behind her back, umiiyak sya that time. Tapos makikita ko lang ilang araw, kasama nya pa rin. Marami na akong kaibigan, sina kaizer, Jaira, at ate Angela sapat na sila sa akin kasi mga tunay silang kaibigan.

" Yana, ang aga mo namang papasok. Mamaya pang 7:00 ang klase natin a. 6:00 pa lang kaya" Sabi ni Camille habang nagkukusot ng mata. Kagigising lang nila samantalang ready na ako para pumasok pero hindi ako doon didiretso. Maganda sya at mabait ayaw ko lang talagang masyadong maattach sa kanila.

" Library as always. Nakita kita noong friday doon, maaga din kasi kaming mga dance troop" Sabat ni Janicca habang bumabangon.Nakita ko rin sya noong dumaan ang mga members ng dance troop pero hindi ko na pinansin. Medyo pinakadulo kasi ang upuan ko noon.

" Kaya pala yung kaklase kong si Seb, palaging pumupunta doon. Hindi naman yun mahilig magaral, pero laging late. Sa library daw sya galing, inaabangan ka. Crush ka noon e." Walang pag-aalinlangang sabi nya na parang ang simple nang sinabi nya.

" Seb?" Wala akong idea kung sino yun. Pero tulad nga ng sabi nya, kaklase nya daw.

" Diba naipakilala ko na sya noon sayo. Sa bagay wala ka namang pakialam sa mga ganun. Ang dami kayang nagkakagusto sayo sa 3rd floor, palagi kang inaabangan tuwing bababa ka na. Yung iba nga nagpapatulong pa sa amin, pero sabi ko wala kang interes sa ganun" Direderetsong sabi ni Camille, but i dont even give fucking care.

" Pati sa 2nd floor ganun din. Maganda naman talaga si Yana, kaya nga pati si Kaizer na pogi may gusto sa kanya e." Alam kong kaya nila sinasabi sa akin to ngayon dahil gusto nilang mag-open up ng topic. Pero napapansin ko rin naman minsan ang kaingay na mga estudyante tuwing bababa ako. Akala ko kung ano lang yun, hindi ko naman kasi tinitingnan.

" Aalis na ako. I-lock nyo lang ang pinto" Nagsmile at lumakad na papuntang pintuan.

" Kumain ka muna, magluluto ako"  Lumingon ako sa kanya.Pandalas na si Janicca papunta sa lamesa at maghahanda na sana kaso nakita nya ang inihanda ko.

" Tapos na akong kumain. Kumain na rin kayo, hindi ko na kayo nayaya kasi tulog pa kayo baka kasi pagod ka sa pagpapractice ng sayaw Janicca at naalimpungatan ako kagabi noong dumating si Camille ng 11:00. Pasensya na kung nauna na akong kumain"  Halatang nabigla sila sa sinabi ko.

" Pasensya na, ako ang nakaassign sa pagluluto ngayon e. Lumabas kasi kami ng mga kaklase ko kagabi, kaya ngayon lang ako nagising" Ngumiti ako sa kanya para malaman nya na ayos lang.

" Ok lang. Maaga naman akong nalauwi kahapon kaya naging sapat na ang tulog ko. Alis na ako, may tatapusin pa akong basahin e." Nagsmile ulit ako at binuksan na ang pinto.

" Salamat, Driana." Nahihiyang sambit nilang dalawa. Pero nginitian ko lang ulit sila at tuluyan nang lumabas ng dorm.

Alas sais nag bubukas ang library kaya kapag sapat ang tulog ko nagpupunta ako dito ng maaga. Nandoon na rin ang librarian kaya kilala na nya ako, medyo masungit pero ngumingiti na sya sa akin ngayon, tinutulungan ko kasi sya minsan kapag marami syang ginagawa. Ako ang naglilista ng mga hinihiram na libro at sinasauling libro. Pero tuwing vacant at free time ko lang.

Just StayWhere stories live. Discover now