Chapter 9: First

2 0 0
                                    

First.

Naging busy na kami sa School, may mga quizes, Reporting at Oral recitation. Mahirap pero nakakaya pa naman, enjoy din naman dahil nagtutulungan kaming magkakaklase.

At Saturday na ngayon, uuwi ako sa amin dahil may HCR. Sinabi ko na kay Jairah at pumayag naman sya. Pupunta daw sya sa bahay, buti daw at tapos na sila sa Thesis nila. Ilang Chapter pa lang naman daw yun. Tittle defense na lang daw ang iniintay nila.

Noong huling naglakad ako para magtaxi, kinuha ko na ang number ng isa sa mga taxi driver para makapagpasundo na lang at hindi na maglakad. Nasa dorm pa lang ako tinext ko na ito, kaya pagkalabas ko ng gate nakita ko na ang Taxi. Hindi ko rin makikita ang Hari ng kalsada kasi makakasakay na agad ako.

Naging maayos naman ang byahe, nakarating agad ako sa bahay. Nagbayad na ako at lumabas ng taxi. Wala naman akong dala kundi isang sling bag na kulay Gray. Nakapants at pink na shirt lang ako ngayon. Pumasok na ako sa gat at nang isasara ko na ito, natanaw ko yung kaibigan daw ni daddy. Si? Ano nga bang pangalan noon?  Si Andrew Javier nga pala. Ngumiti na lang ako at tumalikod na.

As usual nagbonding ulit kaming tatlo, lumabas naman kami this time at kumain sa restaurant. Ang saya namin. We took pictures and eat ice cream, next time sa beach naman kami. Nasa may dress section kami ng mall at nagpaalam muna ako na magC-CR.

Naglalakad na ako papunta sa Comfort room ng may biglang umakbay sa akin. Nagulat ako pero hinawakan ko agad ang kamay nya at pinihit patalikod. Dumaing naman sya at nakita ko na nasasaktan na talaga sya kaya binitawan ko na. Nang humarap sya tsaka ko lang nakilala ang Hari.

"Babe, Ang sakit naman noon. "

Hindi ko na sya pinansin at umalis na. Baka malasin na naman ako nito. Pero hindi pa ako nakakalayo, nasa tabi ko na agad sya. Nakasmirk ang bwisit.

" Ano bang kailangan mo ha?" Inakbayan na naman nya ako at iniikot pabalik. Malakas sya kaya wala akong nagawa.

" Ano ba? Bitawan mo nga ako" Parang narinig ang bwisit. Tuloy tuloy
lang kami sa paglalakad. Tumitingin ang mga taong nakakasalubong namin. Nakakahiya tuloy. Tapos may nakasalubong kaming isang magandang babae, kaso mukhang galit. Ang iksi ng dress nya, sleeveless.

" Deo, What's wrong with you? Why did you left me?" Ang sama ng tingin ng babae sa akin, kaya siniko ko sa sikmura ang Hari para makabitaw.

" Babe naman. Until now, you're mad at me?" Hawak nya ang tiyan nya pero nakasmirk sya habang nakatingin sa akin. Pinaglalaruan ako nito.

" Babe? Anong Babe? Di ba ako ang Honey mo?" Napatawa ako sa sinabi ng babae. Iba iba palaang endearment nya sa mga niloloko nya. Hanep.

" Excuse me Miss. Im sure meron pa rin yang tinatawag na Sweety, Baby, Love, Mahal, Honeybunch, Sweety pie at kung anu-ano pang tawagan. " Lumipat ang tingin sa akin ng babae at nakapamewang.

"Excuse me? Sino ka ba? Deo, Sino ba to?" Nagsmirk ako at hindi na hinayaang makapagsalita pa ang Hari.

" Ako si Babe. Pinsan nya. Babye. Ikaw na bahala sa pinsan kong yan, maloko talaga yan. " Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Pero hindi pa ako nakakalayo, may humiltak sa braso ko at iniharap sa kanya.

Hindi agad ako nakagalaw ng hawakan ng Hari ang pisngi ko at tumingin sa mga mata ko. Samantalang nanlaki naman ang mga mata ko dahil inilalapit nya ang gwapo nyang mukha sa akin.

Wala akong nagawa hanggang naramdaman ko ang labi nya sa labi ko. Saglit lang yun pero bumilis agad ang tibok ng puso ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makakilos. Nakita ko na nakatingin na yung babae at ang sama ng tingin nya sa akin.

Just StayWhere stories live. Discover now