Chapter: 10: Play

2 0 0
                                    

Play.

Wala akong ginawa noong linggo sa bahay kundi matulog. Bumangon lang ako para kumain at maglambing kina mommy at daddy. At ngayon naman, nagdaan ang lunes at martes na busy kami sa school work activities.


Nabalitaan ko na tuloy na ang pagbisita ng mga owner ng school sa friday. At dahil doon kailangan naming maghanda para sa mga entertainment. Tulad ng club namin, we should prepare play at yun ang imimeeting namin mamaya. At para makilala na rin ang mga club members, dahil hanggang ngayon hindi ko pa sila nakikita at nakikilala.

At dahil tapos na ang klase, pumunta na ako sa Theater room. Marami na sila doon at nagulat ako dahil nandoon si Zackarias. Lumapit ako sa kanya at nagtanong.

" What are you doing here?" Tumingin sya sa akin at ngumiti. Nagtataka pa rin ako, ano yung property nya dito? Kaloka naman to.

" I had audition and luckily passed it. Thats why im here." Nag-audition? Paano sya nag-audition? Umacting? Marunong ba sya.

" Base on your face you're not believe in me. You understimate me." He smirked. Hindi naman sa ganun pero nagulat lang ako. Dapat sa mga Math, English and Science Club sya kung ayaw nya sa Music Club, matalino sya e.

" Of course not. Nagulat lang ako, yun lang." I smiled at nilampasan na sya. Lumapit ako kay Alliyah at Francine, ngumiti sila noong nakita ako. May hawak na silang mga papel at inabot nya sa akin ang isa. Attendance, pinirmahan ko na ito. Ibinalik ko na ito pagkatapos ko at may inabot naman syang ibang papel. Nakasaad dito ang mga pangalan ng nakapasa sa Audition.

Madami sila at sa tingin ko maganda to para sa gagawing play. The maximum number of club members are 50, and we made it. We got 50 members.

" Do we already have a script for the play?" I ask. Baka kasi meron na para masimulan na namin.

" Wala pa. Pero, paguusapan natin yan. Para malaman natin kung anong idea ang gusto ng iba. Pull out tayo lahat bukas para dito, aagahan natin at mag-oovertime if we need that." Tumango naman ako.

Tinitingnan ko ang mga pangalan sa list ng may biglang maghiyawan. I saw my co-members shouting because of a beautiful girl enter the room. She's wearing our school uniform too short and fitted. Bagay naman sa kanya pero medyo maiksi, siguro doon sya komportable.

" Hi everyone. I think we should start the meeting para maumpisahan na ang practice." May authority ang pagkakasabi nya. Sa pagkakaalam ko ang binotong president dito ay si Alliyah at sya na ang mag-didirect. I agreed with that dahil ako talaga ang nangumbinsi kay Alliyah. Pero bakit parang itong babae ang nagaastang leader dito. Pero may point naman sya, kaya siguro walang nagreact.

" After nyang makapasa, tumabi na agad sya kay Zack. Pa-FC nga e, bida bida. Sa STEM 1 sya kaya ganyan." Bulong sa akin ni Francine. Tumango na lang ako.

" Hayaan na lang natin, may point naman sya e. Magsimula na tayo." Lumapit na kami sa may table at dahil nasa 20 lang ang upuan, may mga nakatayo at isa na ako doon.

" Here." Nakita ko si Zack na inaabot sa akin ang isang monoblock. Nagtaka ako syempre, pwede naman nyang upuan na lang to a. Lumingon pa ako baka kasi nagkakamali ako, pero sa akin sya nakatingin kaya naman akma ko nang kukunin ng biglang may kumuha.

" Oh, Thanks Zack. So gentleman mo naman." Nagulat ako kasi ang layo naman nya kanina. Baka naman sa kanya talaga ibibigay, nakakahiya naman akala ko kasi sa akin. Tumalikod na ako at humarap sa table. Kumapit na kasi sa braso ni Zackarias yung babae.

Just StayWhere stories live. Discover now