Chapter 7: With Di-Ey (Part 2)

9 0 0
                                    

With Di-Ey (Part 2).

Pagkatapos naming magtawanan biglang tumunog ang tiyan ko. Sumunod naman ang kay Hari, gutom na talaga ako. Paniguradong lahat kami dito ngayon.

" Mag-hahanap lang ako ng bahay baka may pwedeng makatulong sa atin. " Bababa na sana sya pero hinawakan ko ang braso nya. Lumingon sya at huminga ako ng malalim.

" Pwede bang, w-wag mo kaming iwan dito? Baka kasi ..... alam mo na. Yung.... baka kasi, Something will gonna happen bad to me and Di-ey! Kahit naman maaga pa, may mga krimeng nagaganap pa rin, minsan nga mas agresibo pa ang kriminal sa umaga e, dahil hindi aware ang mga tao na pwedeng sumalakay ang kriminal ng umaga. Tapos baka kuhanin ng tigre dito si Di-ey at ako naman, maiiwan ako dito tapos......."

" Ang OA mo. Tara na." Lumabas na sya at napangiti ako. Akala ko mahihirapan akong kumbinsihin sya e. Nasa labas nakami parehas at nagmasid muna sya kung saan siguro kami pupunta. Itinuro nya ang usok na nagmumula sa may kagubatan. Ang gilid ng kalsada ay kagubatan na. Wala akong idea kung saan to.

" Doon tayo. Baka may tao at bahay na pwede nating mahingin ng tulong." Tumango ako at inilagay sa may bandang unahan ang sling bag ko. Karga ko si Di-ey na mukhang inaantok na naman. Samantalang, Nauna na maglakad ang Hari. Sumunod ako sa kanya. Medyo creepy ang lugar buti na lang at maliwanag pa. Wala din signal ang cellphone kaya hindi ako makatawag sa amin.

May kumaluskos sa bandang likuran ko kaya naman tatakbo na ako pauna. Yumapos ako sa may braso ni Hari. Naka-jacket na black sya at white t-shirt with black pants din. Nagulat sya at huminto samantalang palingon-lingon ako sa likod para tingnan kung ano yung kumaluskos kanina habang nakayakap pa rin sa braso nya.

" What are you doing?"

" May kumaluskos sa likuran kanina, baka may ahas o malaking hayop doon."

" Baka naman kuneho lang yun"

"I Dont think so, mukhang malaki e"

"Chansing ka lang e." Tumawa sya kaya naman humiwalay agad ako sa kanya. Sapakin ko kaya to dito hanggang malagutan ng hininga.

"Chansing mo mukha mo. Ito chansing gusto mo?" Itinuro ko sa kanya ang kamao ko. Nag-smirk naman sya at parang hindi man lang natakot.

" Tara na nga. You can hold me if you want" And he smirk again. Umuna na ako sa paglalakad baka masaktan lang sya sa akin. Nakakainis, ginagamit pa sa akin ang kalandian nya akala naman nya madadala ako sa ganun. No way.

" Dont you dare count me in your game. Im not flirt para bumigay dyan sa pain mo." Rinig na rinig ko ang tawa nya sa likod.

" You dont have to worry, i dont have any plan." Wow ha! Hindi na ako lumingon sa likod, kahit gusto ko na syang sipain sa mukha.

"Mabuti nang nagkakaliwanagan tayo. Wala rin naman akong balak na patulan ka. Ayoko nga ng may kasabay no!" Tumigil sya sa pagtawa at nilingon ko sya. Nakatigil na sya at parang naging seryoso.

" You're right. You does'nt deserve to be with person like me. You deserve better." Nakaoffend ata ako. Nagiguilty tuloy ako, kailangan ko yatang bawiin ang sinabi ko.

" Joke lang. Masyadong ka namang seryoso. Hindi naman sa ayaw ko, ayoko lang sa idea na may kahati or something like that. Babae ako syempre di ba?" Kunwari na lang natatawa ako. Ang bibig kasi ayaw iingatan ang sinasabi. Mapapahamak ka nyan e.

" No need to explain, i understand. Tara na." Ngumiti sya kaya naman parang gumaan ng konti ang loob ko. Sincere e.

Matagal-tagal din ang nilakad namin para marating ang usok na nagmumula sa isang siga. Tama nga sya may bahay doon. Nagiisang bahay kubo ito, parang ito lang ang bahay dito. Inilibot ko ang paningin at may nakita ako sa may gilid ng bahay na matandang lalaki na nagsisibak. Itinuro ko ito kay Hari at nilapitan namin ito. Nasa apa't napung taon na sya base sa kanyang itsura.

Just StayWhere stories live. Discover now