Finale: Imagine

738 37 14
                                    

...got your name in all my stars...

[ Brandon ]

Nagmamadali akong sumakay sa aking sasakyan with my twin beside me. My tears flowing endlessly. Ramdam ko ang lungkot, sakit at takot.

Yes inaamin kong galit na galit ako sa kanya, but I never wished for this. Definitely not for him. Animoy nalusaw ang galit ko sa kanya dahil sa sinabi nang kapatid ko.

Patuloy pa din sa pag-agos ang luha ko. Parang malalagutan ako nang hininga dahil sa bigat nang kaloob-looban ko. Nanginginig ang aking mga kamay. I tried to calm myself pero hindi ko magawa. Tinatalo nito ang takot na lumulukob sa kalooban ko.

Praying on my mind that he will be safe. Kaya niya yan. Kayang-kaya niya.

Wala akong naging pakealam sa mga sasakyang binubusinahan ako sa tuwing nagtetake over ako sa kanila. Fuck. I don't care. Basta makapunta lang ako sa kanya.

Hindi rin nakakatulong ang mapipinong pagsigok nang kambal ko sa tabi ko.

Nang makarating ako sa ospital ay dali-dali kong tinungo ang harapan nito at dali-daling lumabas at dumiretso sa loob nito kahit sinita ako nang gwardiya nito. Sakto namang nandoon so James kaya siya ang nagpresentang magpark nang sasakyan ko. Kita ko ang lungkot sa mga mata niya. Halatang kagagaling niya lang sa pag-iyak. Fuck.  Nadadamay ang mga mata ko sa mga maga niyang mga mata.

Pinigilan ko man ay hindi ako nagwagi nang magsimula na namang lumakas ang pag-agos nang mga luha ko sa aking pisngi.

Nagmamadali kong tinungo ang kwarto niya habang nakasunod sa akin ang kambal ko. Walang humpay pa din ang pagdadasal ko na sana ay ligtas siya.

Malakas kong nabagsak ang pintuan at nakita ko ang nakayukong si Orion at Juliet. Nagsimulang magtambol lalo ang kalooban ko nang makita ko sa Sky na nakaupo sa gilid nang higaan habang umiiyak habang yakap-yakap ang isang animoy taong nakabalot nang puting tela ang buong katawan.

Parang pinunit ang puso ko sa tanawing iyon. Lalong nanginig ang mga tuhod ko. Lalo akong pinangapusan nang hininga.

No! Hindi totoo to! No!

Para akong hinabol nang demonyi dahil sa sunud-sunod na malalim na paghingang ginawa ko.

Ayokong lumapit. Ayokong maniwala. Hindi ito totoo.

Animoy nabingi ako. Alam kong malakas ang pag-iyak nila pero hindi ko iyon halos maulinigan dahil sa mas masakit ang dinadala ko.

Nang medyo napakalma ko na ang kalooban ko ay dahan-dahan akong lumapit sa higaang iyon. Nang mapansin ni Sky ang presensya ko ay tumayo siya para magbigay daan para sa akin.

Ayaw ko man ay pinilit kong abutin ang telang iyon. Animoy naubos ang lakas ko sa paghawak palang dito.

Dahan-dahan ko itong binaba only to see him na nakabukas ang mga mata na nakatingin sa akin at may singsing sa mga labi niya.

Naguguluhan ako napatitig sa kanya.

Bumangon siya sa higaan at inabot ang singsing sa bibig niya. He is smiling.

Naguguluhan pa din akong nakatingin sa kanya. What the fuck?

He started to talk. "I've been waiting for this moment na to." He held my hand.

Ano daw?

"Sorry for the days that I hurt you. It was all part of the plan. And now I am completely sure what I really wanted. Kung ano ang talagang gusto nang puso ko."

Napatingin ako sa paligid. Kita ko ang malalaking ngiti nang mga kasama ko doon. Maging ang matamis na ngiti nang kambal ko.

Tang ina. Pinaglaruan nila ako.

BxB Series. Blue Eyes II: The Nerdy JockTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon