Chapter 1:

228K 3.5K 152
                                    

~ I was her.

Kalakip daw ng pag-ibig ay sakit. Mukhang totoo, dahil simula nang maramdaman ko ang pag-ibig para sa kanya, wala na akong naramdaman kundi sakit, lungkot at pagtitiis.

"Get out you little shit!" Malakas na hiyaw ni Darren ang bumungad sa akin saktong pagbukas ng pintuan nang kanyang opisina. Mukhang inaasahan nya pagpunta ko doon dahil kitang kita ko ang iritasyon sa kanyang mga mata nang tapunan n'ya ako ng tingin.

Nakaturo pa ang hintuturo nito sa pinto, isang tanda na ayaw n'ya akong papasukin. Napabuntong hininga ako sa tagpong iyon at tuluyang napayuko sa hindi  inaasahang trato mula dito. Nakakapanliit na ganito ako tratuhin ng sarili kong asawa. 

"Dinalhan kita ng lunch mo. Hindi ka kasi sumasagot sa mga tawag ko." Mahina kong sambit dito na hindi ininda ang paghiyaw n'ya sa akin o ang kanyang disgusto na nandito ako sa kanyang opisina. Tumindig ako at bumuntong hininga.

Humakbang ako palapit sa kanya. Hindi ako tumitingin sa kanyang mga mata. Ayoko ng kanyang ekspresyon na ayaw n'ya talaga sa akin. Kagabi rin kasi ay ganito rin ang kanyang trato. Napagbuhatan rin ako nito ng kamay dahil lamang sa hindi namin pagkakaintindihan na kung tutuusin ay parte ng aming buhay mag asawa.

Panay rin s'yang nakabulyaw sa akin na para bang lahat ng galaw ko ay mali. Para bang kahit tama ang ginagawa ko ay hahanapin n'ya parin ito ng butas para may pag awayan-- o tamang sabihin ay para mapagalitan n'ya ako-- Nakakapagod, pero kailangan kong tandaan na desisyon ko ang makasama s'ya. Desisyon kong manatili sa kanyang tabi.

"Hindi ka ba nakikinig!? I told you to leave! Leave now or else." Gigil nitong sigaw. Nang tingnan ko s'ya sa kanyang mga mata ay nandoon parin ang galit na parang hindi na mawawala. Hindi ko na nakitang kumislap sa tuwa ang mga iyon.

Hindi kagaya nang dati.
Hindi katulad kung paano nya ako tingnan noon.

Napabuntong hininga ulit ako at hindi gumalaw. Nang mapansin ito ng asawa ko ay malakas nitong hinampas ang kanyang mesa at itunuro ang pintuan. Gulo ang buhok nito. Tila nangislap saglit ang sulok ng kanyang mga mata nang mabilis ko syang tapunan ng tingin.

Gustuhin ko mang lumabas sa kanyang opisina ay nagmatigas ako. Hindi pwedeng ganito na lamang kami palagi. Kahit nakakaramdam ako ng takot ay nanatili akong nandoon. Inilapag ko pa ang dala kong pagkain, ngunit hindi ito nagustuhan ni Darren.

Sa gilid parin ng mga mata ko ay nakita ko s'yang tumayo at lumapit sa akin. Inilang hakbang nito ang pagitan naming dalawa at marahas na hinablot ang dala ko at itinapon sa basurahan nang ganoon lang.

Hindi ako nakagalaw. Parang sasabog ang puso ko sa kanyang ginawa. Bumigat ang paghinga ko at nagsimulang mamuo ang butil ng luha sa magkabila kong mata. Ito lang naman ang kaya kong gawin. Ang maging mahina sa kanyang harapan at iyakan ang pagkakamali ko.

Diretso ko s'yang tiningnan na may pait. Ngunit alam kong balewala lang ito kay Darren. Balewala lahat kay Darren ang pag iyak ko. Dahil alam kong balewala ako sa kanya.

"Fuck." Hiyaw nito sabay hatak sa braso ko at kinaladkad ako palabas ng opisina. Ramdam ko ang sakit sa kanyang pagkakahawak.

"D--Darren." Nanginginig kong tawag sa kanya. Mahigpit ang pagkakahawak n'ya sa braso ko at alam kong mag-iiwan na naman 'yon ng marka. Hindi n'ya ako pinansin at diretso lang ang paghatak n'ya sa akin. Hindi parin ako nito binitawan hanggang makalabas kami sa kanyang opisina. Sa bawat madaan naming mga tauhan sa hallway ay ramdam ko ang awa nila para sa akin. Ang iba ay napapahinto at napapatakip nalang ng bibig, ngunit napapayuko naman ang mga ito sa tuwing titingin sa kanila ang asawa ko.

Lihim ang naging kasal ni Darren sa kagustuhan rin nito. Tanging ang kapatid ko lang at si Allyssa ang nakakaalam na mag-asawa na kami ni Darren. Biglaan ang naging kasal at kahit ako ay hindi na nakatanggi dahil sa napakabigat na dahilan. Hindi ako p'wedeng tumanggi. Ngunit kahit ganito ang sitwasyon naming dalawa ay masaya na rin ako dahil magkakaroon na ako ng karapatan sa kanya.

Angel's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon