Chapter 7:

102K 2.1K 107
                                    

His Heart.

Everything was wrong from the beginning. Kahit na sinasabi Kong wala naman akong pagpipilian, alam ko sa sarili na maari naman akong humindi, maari akong umayaw pero pinili ko paring tumango at umoo dahil may bahagi sa puso ko na pagmamay ari naman talaga ni Darren.

Ang parteng iyon ang pilit kong tinatago dahil nahihiya akong aminin na mahal ko ang taong mahal ng nag iisa kong kapatid.

Nakakahiyang malaman nya na iisa lang ang mahal naming dalawa. Nahihiya ako, na magkahati na kami sa itsura ng mukha, iisa pa ang minahal naming dalawa.

"Don't cover yourself bitch. I want to see you naked."

Nararamdaman kong tila manhid ang ibabang parte ng katawan ko pero ramdam na ramdam ko 'yong kirot. Kirot na paulit-ulit na sumisigid sa akin.

Ang sakit sakit. Ang sakit ng nararamdaman ko. Tama ba ang desisyon ni ate? Dapat ba hinayaan ko nalang sila? Dapat ba lumayo na ako. Dapat ba hindi ako pumayag? Ano ba dapat ang mangyayari kung tinanggihan ko? Ano ba dapat ang naging desisyon ko?

"Close the door when you leave!" Habol sigaw ni Darren nang tumayo ito at tinungo ang banyo. Tanging ang mga impit na hikbi ko lang maririnig sa buong kabahayan nang lumabas ako sa kanyang silid. Wala akong masabi sa nangyari. Pakiramdam ko ang dumi dumi ko~ hinayaan ko syang gawin ang bagay na iyon na hindi bukal sa puso ko.

Hindi na ako nag abalang magbihis pagkarating sa k'warto ko. Nahiga nalang ako at tinakpan ng kumot ang sarili. Hindi ko alam kung saan at kung anong parte ng katawan ko ang masakit. Basta ang alam ko nasasaktan ako.

Sobra.

Sobrang sakit na sa ganoong paraan nya makukuha ang gusto nya. Nakakababa. Pero ano pa nga bang magagawa ko, kundi ang umiyak sa isang bagay na may kasalanan naman talaga ako.

"Mahalin mo si Darren. 'Wag mo s'yang iiwanan Angel."

Iyan ang pakiusap ni ate. 'Yan ang huling binitawang salita ni Ate bago s'ya umalis at iwan ako sa poder ni Darren. Iyan ang katagang pinanghahawakan ko kahit ang sakit sakit na. Kahit ang hirap hirap pakisamahan ng taong mahal mo. Kahit nakakapagod. Kahit nakakaubos. Kahit nakakapanghina. Nakakawalang gana.

Napapikit ako nang mariin. Nandito na ako sa sitwasyon. Wala ng dapat sisihin.

"Kailan kaya ako matututunang mahalin ni Darren?" Piping usal ko. Katagang dati ko pang sinasambit na palihim. Dati ko pang pinapangarap, ngunit dati ko paring pinipigilan dahil alam kong may nag mamay ari na nang puso nya.

Mula sa malalim na paghikbi at pag-iyak ay naagaw ang atens'yon ko nang marinig ko ang tunog ng cellphone na nasa drawer na katabi ng maliit kong kama.

Nagpapasalamat ako na hindi yon kinuha ni Darren sa akin. Iyon nalang kasi ang natitirang komunikas'yon namin ni ate kung sakali. Pilit kong itinatago ito sa kanya sa takot na baka masaktan na naman ako kung gagamitin ko.

Kahit nanghihina'y pinilit kong abutin ang cellphone. Nagbabakasakaling ang kapatid ko ang tumatawag. Araw araw akong nagbabakasali na sya ang nasa kabilang linya.

"H--Hello" Sagot ko na hindi na tiningnan kung sino ang tumawag. Huminga lang ako ng malalim para itago ang panginginig ng boses.

"Angel." Sagot sa kabilang linya. Napatda ako. Agad umalpas ang luha sa magkabila kong mata nang marinig ko ang boses sa kabilang linya. Boses na kaytagal kong hinintay marinig.

"A--Ate" Sagot ko. Ilang beses akong lumunok ng laway upang mapigilan ang paghikbi. Ayokong malaman ni Ate ang sitwasyon ko.

"A--Are you okey? D--Did Darren treat you well? Sinasaktan kaba n'ya?" Sunod-sunod na tanong nito. Ramdam ko ang pag-aalala n'ya sa akin. Rinig ko ang panginginig ng kanyang boses. Impit akong napabuntong hininga.

Angel's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon