Hi and Hell'os.
Simula nang magtalo kaming dalawa ni Darren ay hindi na kami mas'yadong nag-uusap. Pabor sa akin iyon para na rin makaiwas sa sakit ng katawan. Pabor narin dahil pakiramdam ko ito na rin ang kusang umiiwas.
Sobrang lungkot ng buhay ko. Nakakamiss yong dating ako. Yong buhay na pinagpalit ko para dito.
Pero sa totohanan lang-- mas masakit pa rin ang nangyayari sa aming dalawa. Maaga itong umaalis at tulog na ako kapag dumating s'ya o sa madaling salita, natutulog ako kapag alam kong nandyan na s'ya. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko iyon o ikalulungkot dahil pakiramdam ko wala na kaming pag-asang maging maayos pa.
Ganoon ang naging scenario namin. Kapag minsan ay napagbubuhatan n'ya pa rin ako ng kamay kaya naman lahat ng gusto n'ya sinusunod ko na para wala nalang sakitang nangyayari. Nakakapagod na rin kasi. Iyon nga lang mas lalong lumala si Darren. Walang gabing hindi s'ya umuwing may kasamang babae. Kung wala naman ay lasing na lasing. Ipinamumukha nyang malungkot sya kasama ako, na Hindi ko kayang ibigay ang pangangailangan nya.
Kaya ko naman.
Handa akong ibigay lahat.Minsan naiisip ko nalang na baka-- Baka kailangan ko na s'yang iwan para makalaya na kaming dalawa. Pero sa t'wing nakikita ko ang sakit na bumabalatay sa kanyang mga mata ay hindi ko kayang bumitaw. Ayokong bitawan s'ya. Kasalanan ko rin naman kasi. Kung sana hindi ako pumayag sa gusto ni ate, hindi kami hahantong sa ganito.
Kasalukuyan akong nasa garden ng umagang iyon. Malamig ang pang umagang hangin. Tama lang ang init na nagmumula sa araw. Sakto lang para mainitan ang katawang kong namanhid na yata sa lamig na ibinibigay ni Darren.
Kagaya nang dati, muli ko na namang kinakausap ang mga halaman at bulaklak. 'Yon ang naging routine ko sa t'wing umaalis si Darren patungong opisina. Hindi kasi ako p'wedeng lumabas, ayaw ni Darren. Hindi daw dapat.
Noong minsan kasi na nagpunta ako ng mall para maglibang, sampal ang inabot ko sa kanya kaya ayoko ng maulit pa 'yon.
"Ange!"
Napahinto ako sa ginagawa ko nang makarinig ako ng pagtawag. Noong una ay hindi ko iyon pinansin ngunit, nang maulit muli ay doon na ako napatayo at luminga-linga. Hinahanap kung saan nanggagaling ang boses na iyon.
Nakakapagtaka...
Ngunit nang muli nitong tawagin ang pangalan ko ay literal akong napanganga! Hindi makakilos. Parang naestatwa hanggang sa unti-unti akong nabigyan nang lakas para lingunin iyon.
"Jake!" napasigaw talaga ako noong makita ko si Jake sa labas ng bakod namin. Dali-dali akong humakbang papuntang doon. Gustong-gusto ko s'yang yakapin kaagad. Ang tagal naming hindi nagkita. Ang tagal tagal na para bang gusto ko nalang ihagis ang katawan ko sa kanya.
Pagbukas ko ng gate ay kaagad ko s'yang niyakap. Parang maiiyak talaga ako sa tuwa sa pagkikita naming dalawa. Pakiramdam ko nakahanap na ako ng kakampi.
"Grabe. Hindi mo 'ko namiss n'yan." Rinig kong biro n'ya sa akin sabay yakap din nang mahigpit. Binaon ko Ang mukha ko sa kanyang dibdib. hindi alintana kung may makakita. Walang pakialam kung may magsumbong o wala.
"Ang tagal kitang hinanap." Wika nito makaraan ang ilang segundong katahimikan. Hindi pa rin ako bumibitaw ng yakap sa kanya. Parang ayaw kong bumitaw.
Ang tanging gusto ko nalang ay magsumbong.
Naramdaman ko ang malalim n'yang paghinga. Hindi ako makapaniwala na nandito s'ya ngayon.
Maya-maya ay inilayo n'ya ako at s'ya na rin ang humila sa akin papasok ng bahay. Iginaya ko naman sya papasok. Mahigpit ang kapit ko sa braso nya na parang takot akong bigla nalang syang maglaho.
BINABASA MO ANG
Angel's Cry
General Fiction-- "Hindi kita papakawalan Angelica hangga't Hindi bumabalik ang kapatid mo." Ginawa ni Angelica ang lahat para makabawi sa kasalanan na nagawa n'ya sa kanyang asawa. Ang dapat sanang asawa nito ay ang kakambal n'ya ngunit sa huling minuto ng kasal...