Hopes.
Habang pinagmamasdan ko ang paglayo ni Darren kasama ang babaeng iyon ay hindi ko maiwasang balikan kung bakit ako nagpakasal sa kanya. Bakit kami nandito sa ganitong sitwasyon. Kung bakit kami parehas na nasasaktan sa isang bagay na hindi namin parehas gusto. Isang bagay na alam kong hanggang ngayon ay parehas naming pinagsisihan. Isang bagay na nagpabago sa aming dalawa.
Napabuntong hininga ako at pumikit. Pilit kong pinapakalma ang malalim kong paghinga upang 'di makagawa ng ingay. Ingay na alam kong magiging dahilan ng pag iyak ko na naman. Ingay na ayoko na sanang marinig dahil hindi naman ako ganito dati.
Sa pag yakap ng dilim sa aking paningin ay nabuo ang mukha aking kapatid na malayang lumuluha. Mahigpit nitong hawak ang kamay ko kasabay ng mahihinang paghikbi.
Paulit-ulit nitong sinasabi na ako ang dapat magpakasal kay Darren. Ako dapat ang humarap sa altar. Ako dapat ang magiging kasama ni Darren. Ako dapat ang mag-aalaga sa kanya. At ako dapat ang magiging asawa n'ya dahil hindi n'ya ito kayang gampanan. Naalala ko rin ang sinabi nitong hindi dapat ako mangamba dahil alam nitong mamahalin ako ni Darren. Mamahalin ako ni Darren nang higit sa pagiging kaibigan. Higit sa pagiging bestfriend.
Hindi ko alam kung anong tunay na dahilan kung bakit iniwan ng kapatid ko si Darren. Wala akong ideya sa lahat ng naging desisyon n'ya, ang tanging naintindihan ko lang ay dapat kong sagipin si Darren sa mas masakit na katotohanan. Ang tanging alam ko lang ay dapat ko s'yang samahan sa kung anuman sakit ang kayang ibigay ng kapatid ko hanggang mangyari ang aming kasal.
Kasal na dapat ay ang kapatid ko ang haharap sa panginoon kasama s'ya--- ngunit nang dumating ang araw na iyon ay nakita ko ang sarili kong nakasuot ng kulay puting damit at naglalakad sa altar habang hinihintay ako ni Darren sa tabi ng Judge na magkakasal sa amin. Tandang tanda ko ang pagrehistro ng pagkagulat sa mga mata ni Darren--
tandang tanda ko ang araw na iyon dahil kitang kita ko kung paano napalitan ang ekspresyon nito ng galit at poot-- kitang kita ko sa kanyang mga mata ang pait at pagkalungkot habang nakatingin sa aking kapatid. Kita ko ang mga namuong luha sa kanyang mga mata ngunit nang araw pa ring iyon natuloy ang kasal naming dalawa.
Ang pinakamasayang araw sana nila, ay naging pinakamalungkot at pinakamasakit na araw para sa aming dalawa.
Wala akong magagawa.
Wala akong ginawa.
Dahil alam ko, may bahagi sa puso ko na sumang ayon sa plano.May kasalanan din ako.
Ngayon naintindihan ko na kung bakit ako ang naging asawa ni Darren. Naintindihan ko na kung bakit kailangang kong magsakripisyo. Alam ko na kung bakit kailangan kong pagbayaran ang ginawa ni ate. Kailangan kong gawin ito para maisalba si Darren sa mas masakit na parte.
"Lock the door Angelica!" Mariing bulyaw ni Darren sa akin ng hindi ako tumitag sa kinatatayuan ko. Nang dumilat ako ay nakita ko ang seryosong tingin ni Darren. Nakaikot pa rin ang braso nito sa kasama nitong babae. Nakaakbay naman ang huli sa kanya.
Mabilis at pasimple kong pinunasan ang luhang kumawala sa magkabila kong mga mata nang hindi namamalayan. Bahagya pa akong ngumiti upang ipakitang ayos lang ang lahat. Hindi ako nasasaktan at hindi ako masasaktan dahil I deserved every pain just to save him for more heartache. I deserved this life from the moment I married him. I deserved this treatment the moment I've learned that I'm inlove with him.
"Leave." muling saad nito. Napatda ako doon at hindi nakakilos. Halos hindi ako makapaniwala sa binitiwan nitong salita. Bumaigat ang bawat paghinga ko. Animoy, sa bawat sulok ng mga mata ko ay nagbabadya ang mas marami pang luha. Para akong namanhid. Para akong hindi makahinga sa sakit. Yong sakit na parang pinipigilan kang umiyak, ngunit ramdam mong kailangan mong gawin ang bagay na iyon.
BINABASA MO ANG
Angel's Cry
General Fiction-- "Hindi kita papakawalan Angelica hangga't Hindi bumabalik ang kapatid mo." Ginawa ni Angelica ang lahat para makabawi sa kasalanan na nagawa n'ya sa kanyang asawa. Ang dapat sanang asawa nito ay ang kakambal n'ya ngunit sa huling minuto ng kasal...