~ Pain.
Nakakapagod magmahal ng taong hindi kailanman matatapos magmahal ng iba. Nakakapagod ipagpilitan ang sarili sa taong alam mong hindi kailanman magiging sayo. Hindi kailanman magiging Ikaw. Hindi kailanman magiging kayo.
Nakakapagod. Nakakagalit. Nakakalungkot.
Dala nang emosyonal na pagod na ang nararamdaman ko sa nakalipas na dalawang linggo ay hinayaan kong ipahinga ang katawan ko. Ngayon lang. Ngayon lang ako nararamdaman ng pahinga kaya hindi ko kaagad naramdaman na hindi na ako nag iisa sa bahay na iyon.
Malakas na kalabog sa pinto ang syang tuluyang nagpagising sa nakapahinga kong katawan. Wala sa sariling kaagad akong nagmulat ng mata. Ramdam ko ang hapdi at pamamaga noon pero kailangan ko nang bumangon dahil mukhang masisira ang pinto sa malakas na pagkalabog mula roon.
Nagmadali akong bumangon. Hindi ko na naisip kung ano ang itsura ko kapag nakita ako ni Darren. Ang tanging nasa isip ko lang ay nakauwi na ito.
Paulit-ulit akong napamura.
Hindi ko namalayan ang oras. Hindi ko namalayan na uuwi si Darren.Himala na maaga itong umuwi.
"Open this fucking door!" Sigaw ni Darren sa labas. Muli nitong kinalampag ang pinto nang mas malakas pa. Kumalabog ang dibdib ko nang inilang hakbang ko lang ang distansya ng kama at ng pinto at kaagad ko itong binuksan.
Napatras ako nang sumalubong sa akin ang malutong na pagsampal ni Darren sa kaliwang pisngi ko. Mariin akong napapikit kasabay ng pagsapo roon. Nakaramdam rin ako ng panandaliang hilo. Diretso itong pumasok sa loob at malakas na sinarado ang pintuan. Matatag akong humarap sa kanya, hindi alintana ang pisikal na sakit na naramdaman ko.
Mas masakit pa ang emosyonal na nararamdaman ko kaysa sa pisikal na ginagawa n'ya. Mas mahirap ipakisama ang sarili sa taong ayaw naman sa akin.
"Sinabihan kitang 'wag maglolock ng pinto hindi ba? This is my house you fucking bitch. This is my property so you follow simple rules!" Bulyaw n'ya bago ako malakas na itinulak na s'yang dahilan kung bakit ako napa upo sa sahig. Impit akong napahikbi. Nakuha ko pang panandaliang syang tingnan. Nagbabakasali na kahit papaano ay may dumaang emosyon o kahit na ano sa kanyang mga mata ngunit...
Wala.
Nakita ko lang ang marahas na pagtaas-baba ng kanyang dibdib dahil sa malalim na paghinga tanda nang pinipigilang nitong galit. Tumalikod ito sakin. Naiinis nitong ginulo ang buhok. Ilang beses itong napamura at nakapamewang nang humarap sa akin. Nag isang linya Ang labi nitong galit na namang tumingin sakin.
Hanggang kailan kaya ako makikipagtitigan sa galit nyang mga mata.
Nanatili akong palihim na sumulyap sa kanya at may kabang napatras dahil nang humakbang naman ito palapit sa akin at walang pag-aalinlangang hinila nito nang madiin ang kaliwang braso ko at pabalibag akong itinulak sa ibabaw ng kama.
"Sinong nagsabi sayong p'wede kang pumunta ng opisina?" Gigil nitong sigaw sa akin bago madiing piniga ang magkabila kong pisngi gamit ang kanyang kamay. Naramdaman ko ang sakit sa pagkakabaon ng mga daliri n'ya. Napahawak ako sa braso n'ya ngunit tinabig n'ya lamang iyon.
Unti-unting bumuhos ang mga luha kong kanina ko pa itinatago sa nararamdamang takot at sakit.
Napahikbi ako, ngunit alam kong kahit anong iyak ang gawin ko ay wala lahat 'yon sa sakit na ipinaramdam ko kay Darren. Kulang ang pisikal na sakit upang magamot ko ang sugat na ako ang may gawa.
Kailan ko kaya maibabalik ang dating sya na hindi ko naisasakripisyo ang dating ako.
"Fuck! Answer me Angelica, or I swear!" Sigaw ulit nito. Nanginginig akong umiling habang kinakalma ang paghinga.
BINABASA MO ANG
Angel's Cry
Художественная проза-- "Hindi kita papakawalan Angelica hangga't Hindi bumabalik ang kapatid mo." Ginawa ni Angelica ang lahat para makabawi sa kasalanan na nagawa n'ya sa kanyang asawa. Ang dapat sanang asawa nito ay ang kakambal n'ya ngunit sa huling minuto ng kasal...