"Acute myeloid leukemia." Diretsong saad ng kapatid ko. Hapon noon. Nasa bahay kami parehas. Sa kusina. Magkaharap sa maliit na lamesang bilog. Ang marahang pag-angat ng kanyang tasa ang huling tunog na narinig ko, dahil pagkatapos noon ay natahimik kaming dalawa.
Hindi ako makaapuhap ng sasabihin. Ni wala akong makapang salita para pagaanin ang loob n'ya. Wala akong magawa kung hindi tingnan ang kapatid kong napupuno nang lungkot ang mga mata. Nakatitig ito nang diretso sa pader sa aking likuran na para bang doon kumukuha ng lakas upang hindi umiyak, ngunit pansin ko ang namumuong luha sa magkabila nitong mga mata.
"29.5 survival rate, 5 years after diagnosis." Bumaling ang titig nito sa akin.
"And it's been two years when I've found out. Akala ko kaya e." Ngumiti ito at sumimsim ng kape.
"Ate.." Ang pagtawag sa kanya unang lumabas sa labi ko, wala akong mahanap na salita upang paaganin ang loob ni ate ng mga panahong iyon. Ni hindi ko sya malapitan, mahawakan o tabihan dahil nawalan ako nang lakas. Para akong naestatwa. Binalikan ang mga araw na napapansin kong matamlay ito. Madalas ang panghihina at pananakit nang katawan na akala ko dati ay dahil lang sa busy ito sa pag aaral at sa pagmomodelo. Akala ko rin nagpapayat ito.
Unti-unti akong humikbi. Nanginginig ang kamay na napahawak sa laylayan ng suot na t-shirt.
"Don't tell Darren about my condition." Unti-unti, tumulo ang mga luha ni ate pagkabanggit nang pangalan ng lalaki. Kahit umiiyak ito sa akin ay ramdam ko ang kaseryosohan nito sa binitawang salita. Hindi ako umimik, ni hindi tumango kaya inulit n'ya ang kanyang pakiusap.
"Don't tell Darren about my condition." Ulit nito. "May plano na ako Angel. I can get through this. Marami na akong napanuod at nasearch na nakasurvive sa ganito." Dugtong nito. Ngumiti ito at pinunasan ang mga luhang malayang naglalandas sa kanyang mga pisngi.
"P--Pero ate, May karapatan s'yang malaman ang kondisyon mo. He's your fiance. Mas masasaktan sya kung hindi mo sasabihin ang lagay mo. He can help you. I can help you ate." kontra ko sa kanya. Napailing ako. Nagsimula narin akong umiyak. Paulit-ulit kong sinabi na tutulungan ko sya. Nanginginig na ang mga kamay ko sa kagustuhang mapilit na tulungan ko sya.
Alam kong mahirap ang sitwasyong kinakaharap nito pero, may karapatan si Darren, dahil nagmamahalan sila. Alam kong matutulungan sya nito. Kung usaping pera lang, madali ito sa kanya. Alam ko kung gaano kamahal ni Darren ang kapatid ko. Alam kong ibibigay nito ang lahat para sa kanya.
"If you want to help me..." Putol nito sa tuluyang kong pag-iyak na para bang di na kami aabot kinabukasan.
Napatititig naman ako dito ngunit patuloy parin paghikbi .
"Marry him Angel." Walang gatol na dugtong nito. Diretso itong nakatingin sa akin. Seryoso ang kanyang paninitig. Napatda ako sa sinabi nya. Agad akong tumayo at umiling habang nakatingin sa kanyang mga mata. Nasapo ko ang bibig ko upang pigilan ang malakas na paghikbi pag hikbi.
"Pero ate!" protesta ko. Hindi ako makapaniwala sa kanyang sinabi. Napakabigat nang gusto nyang gawin ko. Hindi ko kaya. Ayaw ko.
"Para sa akin Angel." Putol n'ya sa protesta ko. Inilang hakbang n'ya ang pagitan naming dalawa at mabilis na inapuhap ang mga braso ko at mahigpit na hinawakan.
"Ayoko nang masaktan si Darren. Baka hindi n'ya kayanin. Kilala mo si Darren. You knew him better than I am. Hindi n'ya kakayaning malaman na may sakit ako Angel. Cover up for me. Aalis ako. Kami ni Ally. Gusto ko pag-alis ko sigurado akong may magmamahal sa kanya. Iyong pagmamahal na hindi ko na maiibigay." Unti unting lumuwag ang pagkakahawak nito sakin at tuluyang humagulgol.
"Please Angel. M-Mahal na mahal ko si Darren. Hindi ko kayang iwan sya. Ayokong iwan sya pero wala akong ibang choice. " diretsong pahayag nito sa pagitan ng kanyang malalakas na paghikbi.
BINABASA MO ANG
Angel's Cry
General Fiction-- "Hindi kita papakawalan Angelica hangga't Hindi bumabalik ang kapatid mo." Ginawa ni Angelica ang lahat para makabawi sa kasalanan na nagawa n'ya sa kanyang asawa. Ang dapat sanang asawa nito ay ang kakambal n'ya ngunit sa huling minuto ng kasal...