Chapter Four

1 0 0
                                    

Malakas ang hangin rinig na rinig ang hampas nito kung saan ako nakaupo bawat paglapit ng tubig sa tabi ng dalampasigan ay pinapanood ko aliw na aliw ako sa bawat paglapit nito sa aking mga paa na naabot na ng tubig-dagat maamoy mo ang asin na tila sing pait ng aking nararanasan ngayon. Hindi ko akalaing matatanggap ako ng mga tao sa lugar na ito at tinuring pamilya. Bakas sa mukha nila ang kasiyahan, parang walang problema dinadaan sa tawa ang kanilang pinagdadaanan nagtutulungan, hindi iba ang bawat isa sa kanila. Sa maliit na sitio na ito naramdaman ko ang kaginhawaan walang panganib at tunay na katahimikan.

Pangingisda ang pangunahing pamumuhay nila ganon na din kila Mang Isko at Aleng Nena. Paulit ulit sa aking isipan ang sinabi ni aleng Nena kung bakit nila ako natagpuan. Si Joaquin ang nagligtas sa akin, laking pasasalamat ko sa kanya dahil sinagip niya ako isang malaking tulong ang ginawa niya, hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil buhay ako, wala nang silbi ang buhay ko, ano pa ang gagawin ko sa mundong ito? sana hinayaan niya lang ako Wala na akong babalikan.

Sinabi ko na din sa kanila na wala na akong magulang sinabi ko sa kanila ang mga naaalala ko pero wala sa lahat ng iyon ang katanungan kung bakit ako nandito. Hindi ko maalala ang rason kung bakit nasa dagat ako.

Hindi na nila pa ako pinilit na alalahanin ang mga nakaraan. Dadating din ang panahon na maaalala ko din daw ito. Pero kelan pa? Ganito nalang ba ako? Isang babaeng walang ginawa kundi hintayin ang alala ko? Nanlumo akong napayuko at sinandal ang aking noo sa magkayaakap kong tuhod. Nililipad ng hangin ang aking mahabang buhok na lampas bewang na. Ni hindi ko alam kung bakit ganito kahaba ang aking buhok wala akong maalala. Habang pumipikit ay may narinig akong tawanan mula sa malayo masaya silang nagtatawanan mga bata naglalaro sa dalampasigan kasama si Bald bakas sa kanilang mukha ang kasiyahan sa edad nila na sampu ay dapat sa paaralan sila ngayon dahil nga sa hirap ng buhay nila ay napilitang tumulong nalang sila sa kanilang magulang para mag hanap buhay para may makain.

Nakaramdan ako ng hiya sa pamilya ni Joaquin nadadgdagan ng isang palamunin sa kanilang pamilya at ako yon. Sana hindi nalang nila ako niligtas sana hindi nalang ako niligtas ni Joaquin. Nakatingin padin ako sa kanan ko na masayang naglalaro na mga bata hanggang sa may naramdaman akong umupo ko sa tabi ko sa kaliwa.

Malalim yata ang iniisip mo. Masisisid ko ba iyan? Sabi ni Joaquin na bahagyang tumawa

Ngumiti naman akong nilingon siya. Pareho na kaming nakatingin sa dagat na palayo ng palayo nagiging asul ang kulay, tiningnan ko Iyon hanggang kung saan makakayang makita ng mga mata ko.

Hindi. Hindi mo masisisid baka malunod ka. bahagya akong ngumiti na hindi inalis ang mga mata sa dagat, nakakaaliw panoorin ang bawat hampas ng tubig dagat sana sa bawat hampas na Iyon ay unti unti ko nang maaalala ang dapat alalaahnin

Okay lang kung sabay naman tayong malunod, bakit hindi.

Salamat .

Panguna ko sa kanya ilang araw na ako dito pero ngayon ko lang siya nakausap na kaming dalawa lang

Para saan?

Sinagip mo ako. Kaya salamat tumingin lang siya sakin kaya pinatuloy ko ang sasabihin ko.
Pero hindi ko alam kung dapat pa ba akong mabuhay, wala na akong babalikan wala na akong pamilya. Kung hindi mo lang sana ako sinagip siguro malamig na bangkay na akong palutang lutang sa dagat.

Don't say that. Nandito kami ng pamilya ko tinuring ka naming pamilya. Kahit minsan hindi ka na iba sa amin.

Tumulo ang luha ko kayat napayuko nalang ako sa aking mga tuhod. Naramdaman ko ang kanyang palad na humahaplos sa aking likod. Kaya di ko mapigilang mapahagulgul.

Shhhh. Tahan na. Nandito ako.

Pure LoveWhere stories live. Discover now